Chapter Twenty-two - His Hands Covering My Eyes
"Claire?" Tawag ko sa aking kaibigan habang abala ito sa kanyang sinusulat na takdang-aralin.
"Bakit? Nasagutan mo na ba ang assignment natin sa math? Iyong pinasagutang activity kahapon na walang nakasagot?"
"Ito," sabay bigay ko sa aking notebook.
"Naks! Iba din kapag matalino ang kaibigan ko. Bakit hindi ka sumagot kahapon?"
"Galing iyan kay First," sabay nguso ko sa kaklase naming nangunguna sa aming pangkat.
"Ay! Copy and paste pala ito. Pahiram muna," at agad niyang kinuha ito sa aking kamay. "Bakit ang tamlay mo?" Tanong nito habang nagsusulat. Hindi man lang ako binalingan.
"Si papa kasi," simula ko. Nakatuko ang dalawa kong braso sa lamesa habang nakapatong ang mukha ko dito. Unti-unti naring dumadami ang kaklase kong pumasok kaya umusog ako palapit kay Claire. "Layuan ko daw si Patrick."
Bigoang napatingin si Claire sa akin kaya natigil ito sa pagsusulat. "Bakit naman daw?"
"Malapit ng mga eight Claire," paalala ko sa kanya baka hindi pa niya matapos ang assignment namin.
Itinuloy niya ang pagsusulat. "Bakit nga? Tinanong mo ba ang papa mo kung anong rason niya kung bakit ka niya pinapalayo kay Patrick?"
"Simula kasi noong gabi ng sabado, iyong namasyal kami pagbalik ko hinatid ako ni Patrick sa hideout. Nagulat nalang ako nung nag-antay si Papa tapos nagtanong kung sino iyon. Tapos ayon, pagkatapos niyang malaman na si Patrick iyon pinapalayo na ako. Hindi niya ako binigyan ng rason kung bakit kailangan kong layuan si Patrick kaya iniwan ko siya sa labas. Simula dun, hindi na kami nagpapansinan ni papa hanggang ngayon umaga."
"Ay! Oo teka, naalala kong hinanap ka ng papa mo kay mama, mabuti nalang dumating ako. Nagtanong sa akin kung saan ka kaya sinabi kong magkasama kayo ni Patrick. Tapos natanong niya rin kung sino ito kaya sinabihan ko. Tumatango-tango pa ito dahil kilala daw niya si Patrick kasi nga kababata mo noon. Akala ko ba kilala ng papa mo? Anong rason niya kung bakit pinapalayo ka niya kay Patrick?"
"Hindi ko nga alam. Iyon na nga ang ikinatampo ko kay papa dahil hindi man lang niya sainabi ang dahilan. Iintindihin ko naman siya kung ano ang rason niya at sapat ito para sundin ko. Palagi ko nalang siya iniintindi pero hindi niya iniintindi ang nararamdaman ko."
"Oops!" Napahalakhak si Claire. "Ano ba kasi ang nararamdaman mo?" Biro nito na ikinaikot ng aking mata. "I mean, there must be a reason Nice kung bakit ginagawa ito ng papa mo. Hindi mo alam, ito ang rason kung bakit lumipat kayo ng bahay? Chariz! Eme lang naman," ani nito habang nagpatuloy sa pagsusulat.
"Ang sabi ni mama ayaw niya na doon manirahan kasi siksikan na raw ang mga bahay. Madami narin ang mga tao. Ayaw pa naman ni mama ng magulong lugar, gusto nun payapa. Kaya napagdesisyunan nila ni papa na lumipat dito. At saka pinili din nila na dito kami manirahan kasi malapit din sa eskwelahan."
"Eme lang naman. Seryoso nito. Pero totoo, kausapin mo ang papa mo. Alamin mo kung bakit, baka maintindihan mo kung bakit. Hindi naman siguro iniisip ng papa mo na nanligaw sa iyo si Patrick kaya ganyan?"
"Ewan ko. Natanong niya kasi kung si Patrick din ba ang naghatid sa atin noon. Ewan ko Claire kaya sinabihan ko na kaagad na may girlfriend na ito pero pinapalayo pa rin ako."
"So ano? Susundin mo ang papa mo?" Baling nito sa akin. "Done! Maraming salamat." Sabay bigay ng notebook ko.
"Sa ngayon, kapag nagkataon talagang magkikita kami ni Patrick, papansinin ko siya. Pero kapag hindi naman niya ako nakita edi hindi ko siya papansinin."
"Tingnan natin iyang sinasabi mo Nice," ani nito.
"Bakit?" Nagtataka kung tanong habang nakatingin ito sa aking likuran. Bago ko pa maibaling ang aking mukha ay may tumakip na kaagad sa aking mga mata. "Sino ito Claire?" Tanong ko habang nakapikit ang mga mata.
"Hulaan mo kung sino," sabi nito.
Hindi ko kaagad magulaan kung sino ang tumakip sa aking mata dahil marami din kasi akong kaklaseng mahilig tumakip ng mga mata. "Pero hula ko sa kamay, lalaki ito. Pres?"
"Mali! Mabango ba ang kamay Nice?" Dinig kong sabi ni Claire kaya inamoy ko ito sa abot ng aking makakaya.
"Aray! Ang higpit naman," napaaray ako dahil sinubukan kong itaas ang aking ilong para maamoy ko ang baho nito. "Hindi ko alam Claire. Pero amoy sanitizer ata ang kamay nito. Wala naman atang kaklase natin na mahilig sa sanitizer. Matangkad ba Claire?"
"Oo, matangkad Nice!"
Sabi nito at agad kong hinawakan ang kamay nito. Mahahaba ang kamay nito at ang lambot. Kahit anong pisil ko ay hindi ko mahulaan kung sinong kamay ito sapagkat nahawakan ko na lahat ng mga kamay ng kaklase namin.
"Sino ito?" At sinubukan ko ring abutin ang kanyang mukha ngunit nilalayo niya ata ito. Nakaharang din ang kanyang mga kamay kaya hindi ko maabot ito. "Hindi kaya si Patrick ito? Pero imposible namang siya kasi malapit ng magsisimula ang klase."
"Paano mo naman nasabing siya? Hala siya nag-expect?" Tukso sa akin ni Claire.
"Nagbabakasakali lang naman. Ang daldal ng bibig mo Claire!"
"Ako nga! Buti nahulaan mo," bulong sa akin ni Patrick kaya napalingon ako nung lumuwag ang kapit nito sa aking mga mata.
"Loko ka! Bakit ka nandito malapit ng magsimula ang klase natin." Sabi ko habang kinukurap-kurap ang mga mata. "Ang lakas naman ng pagkakatakip mo Rick parang hindi ko na makita ang paligid dahil nanlabo na ang aking mga mata. Anong ginagawa mo dito?"
"Napadaan lang naman. Bakit hindi ba pwede?" Sabay upo sa katabi kong upoan.
"Bahala ka kapag malilate ka," banta ko sa kanya.
"Kaninang seven pa ang klase namin," sabi nito kaya kaagad akong napabaling dito.
"May klase pala kayo. Labas ka na dito uy! Tulungan mo nga ako Claire."
"Sinasayang mo lang ang lakas mo Nice kasi hindi pumasok ang kanilang instructor," ani naman ni Claire sa akin.
"Kaya pala nandito ka at dinidusturbo mo kami."
"Ano ba kasing ginagawa niyo ni Claire," tanong nito habang nakapout ang bibig.
"Nag-uusap lang naman kami," sagot ko at ibinalik ang notebook sa bag.
"Tungkol naman saan?" Kuryoso nitong tanong.
"Bakit ka interesado?" Baling ko dito habang nakataas ang mga kilay.
"Tungkol sa iyo," sabi naman ni Claire.
"Traydor," bulong ko naman dito.
"Good morning," bati sa amin ng aming instructor kaya kaagad na napaayos ang aming upo.
"Ano pang ginagawa mo dito Rick? Lumabas ka na baka mapagalitan ka," sabay tulak ko sa kanyang braso.
"Ayaw ko, hindi naman siguro ako masyadong kita dito."
"Anong hindi ang tangkad mo kaya," hindi ko alam na napalakas na pala ang boses ko.
"Yes miss Parnells? Who are you talking with?" Sabay tingin sa aking katabi. "Oh! Mr. Pejannas, what are you doing here?" Biglang lumambot ang boses ng aming instructor.
"I am very sorry ma'am. I have to discuss with miss Parnells about an important matter but we can do it later. I am sorry for disturbing your class ma'am," maamong sagot nito.
"It's okay. You can talk after my class. Okay?"
"Thank you ma'am and again, sorry."
At kaagad na lumabas si Patrick. Tumingin lamang sa akin ang aming instructor at ipinagpatuloy nito ang kanyang sinasabi. Napabuga na lamang ako ng hangin dahil sa kabang nararamdaman.
"Loko ka Rick," bulong ko sa aking sarili.
"Muntikan na iyon nice ah?" Bulong maman ni Claire sa akin habang sinisiko ako. "Mabuti nalang si Patrick ang kanyang nakita baka kung ako pa. Lagot talaga tayong dalawa."
"Okay! Get your assignment. Please answer on the board," tumingin-tingin pa ito sa buong klase.
Kinabahan ako ulit dahil hindi ko alam ang kinopya kong assignment. Hindi ko man lang naitanong kay First kung paano niya sinolve ang equation. Itinikom ko nalang ang aking bibig at tumingin nalang sa baba. Dahan-dahan na binubuga ang hanging natipon sa aking baga.
"You First!" Turo sa aming kaklase.
Agad akong napabuntong ng hininga. Narinig ko rin ang mga kaklase kong malakas ding napabuntong ng hininga kaya napangisi ang aming guro habang binuklat nito ang pamaypay. Mabuti nalang at hindi ako binalingan ng aming guro.
"Mabuti naman at hindi mainit ang dugo sa iyo ni ma'am dahil sa nangyari kanina. Alam mo naman ang pasensya niyan kay iksi. Iba talaga kapag gwapo kasi may favor sa ibang teacher."
"Hinaan mo nga boses mo baka marinig ka. Lagot ka talaga," banta ka sa kanya. Bigla kaming nabuhayan ng dugo nung nagpaalam na ang instructor namin. Ngayon lamang lumuwag ang aking dibdib at napasalampak talaga ako ng upo. Ganoon din si Claire, para kaming napagod dahil sa kakatakbo ng aming isipan.
"Anong oras ang susunod nating klase Nice?"
"Wala ka bang sched diyan Claire?"
"Meron pero tinatamad akong tumingin. Hindi ko din saulo ang schedule natin."
"Mamaya pang ala una Claire," sabi ko sa kanya.
"Ang tagal naman? Mabobored na naman tayo dito. Gumala nalang kaya tayo Nice?"
"Tinatamad ako Claire," sabi ko at sinubukang ipikit ang mga mata.
"Mas nakakapagod kapag aantayin natin ang oras Nice."
"Ikaw na muna Claire wala ako sa mood para gumala. Mainit kaya," sabay tingin ko sa labas kung saan mataas na ang sikat ng araw.
"Ang sabihin mo, mo si Patrick. Ay parag hindi! Pwede ding inaantay mo siya dito!"
"Anong inaantay ka diyan. Bakit ko naman siya aantayin aber?"
"So iniiwasan mo nga?" Tanong nito.
"Hindi ko nga siya iniiwasan. Tinatamad lang akong maglakad ngayon. Diba pinansin ko naman siya kanina. Ibang tumatakbo diyan sa isip mo Claire."
"Samahan mo naman kasi ako Nice," pakiusap nito sa akin.
"Sasamahan kita pero hindi tayo lalabas ng campus. Alam kong sa mall mo na naman gustong pumunta."
"Kj mo Nice," malungkot nitong sabi.
"I know right. Tara na habang ganado na akong pumunta ng canteen."
"Kasi alam kong magpapalibre ka na naman."
"Hindi naman palagi. Medyo madalas lang naman," at napamgisi ako.
"Tingnan mo," ani ni Claire pagkalabas namin ng silid.
Tumingin naman ako kung saan nakanguso ang kanyang labi. Nakaturo ito sa kasunod naming silid kung saan ang seksyon ni Patrick. Nakita kong may sinusulat ito sa whiteboard habang ganoon din ang mga kaklase nito sa kanilang kwaderno.
"Ang linis naman ng sulat-kamay ni Patrick. Parang sulat babae," sabi nito na agad ko namang ikinatango.
"Mukhang mas malinis pa ang sulat-kamay niya kaysa sa akin Claire."
"I agree. Pero paano nalang ang sulat-kamay ko Nice kung ikukumpara mo pa?"
"Wala akong sinabing ganyan Claire. Tara na nga," ani ko at bumaing ulit bago tuluyang umalis doon.
"Alam mo, may napapansin ako kay Patrick."
"Ano?" Baling ko dito habang naglalakad kami sa corridor.
"Napapansin kong palagi na siyang umaaligid sa iyo."
"Ano namang masama doon? Umaaligid ka nga sa akin kasi kaibigan kita. Kaibigan ko din naman siya Claire kaya walang malisya doon."
"Pero iba kasi Nice. Parang ewan? May girlfriend naman kasi siya kaya hindi ko maitutumbok kung tama ba ang aking mga iniisip."
"Tigilan mo na iyan Claire kasi wala naman talaga. Walang ibang motibo si Patrick. May girlfriend na siya tulad ng sinasabi mo."
"Pero iba kasi kapag tumintingin siya sa iyo."
"Panong naiba? Guni-guni mo lang iyan Claire."
Bumaling ako sa mga panindang nakalagay sa harapan ng stall. Hindi ko sadyang mabangga ang isang estudyante kaya napatingin ako dito at humingi narin ng tawad. Nanlaki ang aking mata dahil si Penelope pala ito.
"Sorry Penelope hindi ko sinasadya," ani ko dito at tumingin din sa kanyang mga kasamahan.
"Diba ikaw iyong childhood friend ni Patrick?" Tanong noong isang kasamahan nito.
Tumango ako at bumaling ulit kay Penelope. Tumingin lamang sa akin si Penelope na parang hindi ako kilala. Tumalikod at hindi niya man lang ako pinansin. Napakunot ang aking noo subalit magkakakilala naman kami kaya bakit hindi niya ako pinapansin. Naiintindihan ko na ayaw niya sa akin dahil sa mga pinapakita niya sa akin nitong naaraan. Napasunod nalag ang kanyang kasamahan na nagtataka dahil sa biglaang pag-alis nito.
"Hindi ko talaga siya gusto Nice. Attitude din siya. Halatang insecure sa iyo sis," ani nito.
"Hindi ko naman aagawin sa kanya si Patrick."
"Exactly!" Sagot nito at bumaling ako ulit sa mga paninda. "Magkano po itong ube roll? Sa iyo Nice?"
"Bente lang," sagot ng nagtitinda.
"Iyan na lang din Claire. Salamat ng marami."
"Dalawa po nito kuya," ani niya sabay abot ng kanyang pera. "Huwag mo ng problemahin Nice baka magkapimples ka pa."
"Hindi ko naman pinoproblema ang akin lang wala naman akong masamang ginagawa."
"Marami pong salamat," sabay abot ng pagkain. "Ikain mo nalang iyan Nice. Doon tayo," sabay turo sa bakanteng bench sa may malaking puno.
Agad kaming nagtungo dito at pinagpag ang upoang may mga patay na dahon. Hindi masyadong mainit dito dahil sa mga makakapal na dahong tumatakip sa amin. Agad kaming naupo nung nalinis na namin ito.
"Baka narinig niya siguro iyong tsismis Nice."
Napatingin naman ako dito habang kumakagat ng ube roll. "Anong tsismis naman?"
"Remember iyong 'under-the-rain moment' niyo ni Patrick before siya nagpakilala na magkababata kayo. Madami kayang tao ang nakakita nun. Tapos alam mo na famous pa siya."
"Baka nga kaya siguro hindi maganda ang trato niya sa akin," sang-ayon ko sa kanya.
"Pwede bang makisali dito?"
Agad kaming napabaling sa aming likuran kung saan nanggaling ang boses ni Pres. Kasama nito si First habang umiinom ito ng tubig. Nakasoot ngayon si First ng salamin and I find him cool that way. He's neat also just like Pres. Magkasingtangkad silang dalawa at pareho din ang build ng kanilang katawan.
"Sure!" Sagot ni Claire sabay upo.
Umupo narin ako at naupo narin sila sa harapan namin. "Bakit walang sinasabi sa akin si Claire tungkol sa inyo Pres?" Simula kong sabi.
"Wala naman talagang dapat sabihin Nice," sabat naman nito.
"Hindi ako naniniwala," naniningkit ang mga mata kong tumingin kay Pres. Bumaling naman ako kay First, "hindi ba?"
"I'm not quite sure Nice. Pero kayo ni Patrick? What's the deal?"
Nabigla ako sa tanong ni First. " Anong deal ang sinasabi mo First?"
"Bakit magkatabi kayo kanina?" Dagdag pa nito at naghiyawan pa.
Napailing naman ako sa hiya dahil malinang kanilang iniisip. "Alam niyo naman sigurong may girlfriend siya hindi ba?"
"So ano Nice? One sided?"
"Ano?" Mas nagulat ako sa tanong ni Pres. "Anong pinagsasabi niyo bakit niyo ako hinahot-seat?" Bumuntong-hininga ako. "Ganito kasi iyon, makinig kayo." Pigil ko sa kanilang tawanan. "Magkababata kami ni Patrick kaya malamang makikita niyo na talaga kaming magkausap. Kakakilala lang din naming dalawa nuh. It's almost twelve years narin kaya ang lumipas nung lumipat kami kina Claire, diba?" Hingi ko ng suporta sa aking kaibigan ngunit bumungisngis lang ito ng tawa.
"Okay! Chill Nice," sabay taas ng dalawang kamay ni First. "Nagtatanong lang naman bakit nagagalit?"
"Hindi po ako galit. Nag-eexplain lang First," pigil kong ngiti dito.
"Pero napadaan kami kanina kay Patrick at nung girlfriend niya kaninang umaga, nagtatalo," tsismis naman ni Pres.
"Saan mo naman nakuha iyan?" Nakatikas ang isang kilay ni Claire na hindi naniniwala sa sinasabi nito.
"Tanungin mo pa si First," hamon naman ni Pres sabay tingin kay First.
Napatingin kami dito. "Hindi ba kailangan naming mag-ikot sa buong campus bago pumasok sa classroom natin. Tapos, ayon hindi namin sadyang madaanan ang sasakyan ni Patrick at narinig naming nag-aaway ito sa loob ng sasakyan. Narinig nga din namin na binanggit si-" sabay baling ngunit natigil ng pigilan ito ni Pres.
"First," pigil ni Pres dito na ikinataka namin. "Ako naman," at humalakhak ito. "Ayon na nga narinig naming nag-uusap sila at saka umalis na kami doon baka makita pa kami, diba First?" Sabay siko kay First.
Nakakunot ang noo ni First ngunit sumang-ayon nalang ito kay Pres. Something is fishy the way they stared at each other's eye. Parang may tinatago silang dalawa na ayaw na sabihin o marinig namin. Napatingin naman ako kay Claire ngunit nakakunot lang din ang noo nitong tinitingnan ang dalawa.