Chapter Twenty-three - Get Caught
"Hindi ako naniniwalang iyon lang Pres," seryosong sabi ni Claire kaya napatingin ako dito. "What are you trying to hide? Huh!"
"We're not hiding anything Claire. Look! It's not our business anymore para makinig pa kung ano ang pinag-awayan nila. We just heard na nag-away sila pero it we don't have the right para alamin pa iyon," mahabang litanya ni Pres.
"Then, why so defensive Pres? It made me doubt your words. Sige na spill the tea," nakataas ang kilay na sabi ni Claire.
"Iyon na nga lang Claire," natatawang sabi ni Pres. "Huwag mong pilitin baga dudugo." Biro naman nito na ikinatawa namin.
"Yuck Pres! Bastos mo," inikutan niya ito ng mata at tumingin sa akin.
"Iyang utak mo ang bastos. Wala namang bastos sa sinabi ko Claire."
"Tara na nga Nice. Bad mood na tuloy ako."
"Bad mood ka na dun Claire?" Natatawa kong sabi.
"Kasi may tinatago sila. Alam kong hindi ka din naniniwala. What if," tumigil ito at tiningnan ang mga lalaki sa harapan namin. Tinaasan niya ito ng kilay at lumapit sa akin. "Alam nila ang rason kung bakit pinapalayo ka ng ama mo kay Patrick," bulong niya sa aking tainga.
Napakunot naman ang aking noo. "Anong connect nun Claire. Bakit masasali naman ang papa dito?"
"Alam mo Claire," tumigil ito. "Please huwag muna kayong makinig."
"Ang lakas ng boses mo Claire. Kaya di na namin kailangang mang-usisa pa," ani ni Pres na sinang-ayunan ni First.
Umusog pa si Claire. Mas inilapit ang bibig nito sa aking tainga na nakakaliti dahil sa pagbuga nito ng hangin. "Ganito kasi iyan. "What if ang pinagtatalunan nila ay parehong rason kung bakit pinapaiwas ka ng papa ko kay Patrick?"
"Layo naman ng narating niyang imagination mo Claire. Parang hindi naman ata? Away magjowa lang naman siguro iyon," komento ko.
"What if nga Nice? Kasi hindi ko pa naririnig noon na nag-aaway si Patrick at Penelope."
"Maybe because it's her jealousy siguro Claire kaya nag-aaway sila ni Patrick."
"Bakit hindi ikaw ang sugurin niya at awayin para lumayo sa kanyang boyfriend?"
"Because we are old enough Claire. Hindi na tayo bata para gawin ang mga bagay na iyan. In relationship Claire quarrels are quite somehow a way for us to understand misunderstanding. Kaya nga nailalabas natin ang kung ano mang bumabagabag sa ating puso ng walang tinatago kapag nag-aaway."
"Are you insinuating to normalize that in a relationship?"
"Hindi naman Claire. What I am trying to say, baka nag-aaway sila dahil may misunderstanding. They need to talked it out and they got carried away. Hindi naman nag-aaway physically talaga."
"Lalim ng usapan niyo ah?" Sabat namaj ni Pres.
"Don't cross the line Pres," plastik na ngiti na sabi ni Claire dito. "Girls talking."
"I am not doing any favor again," plastik din na ngiti dito.
"Baka talaga mag-aaway na kayo ng tuluyan niyan. Kaya nga nandito tayo para magpahinga. Relax guys let's move on to another topic," sabi ko sa kanila.
"It looks like someone's coming," ani naman ni First.
Napabaling ako sa aking likuran para tingnan ang tinutukoy niya. Takbo-lakad si Patrick papunta sa kung saan man kami. Nakita niya ang paglingon namin kaya kumaway ito. Kinawayan ko din ito.
He really looks good in whatever attire he's wearing. It fits perfectly on him and it will magically made him look like a goddess. Those broad chest that will make the buttons from popping. His biceps that has a lot of angry veins and for me, it is attractive in a sexy way.
"Naglaway ka Claire oh!" Sabi ni Claire sabay inangat ang kamay papunta sa aking labi.
Nagtawanan naman ang mga kalalakihan sa aking likuran kaya binalingan ko nalang sila. Baka sabihin pa nilang tinitingnan ko talaga si Patrick kasi inaantay ko ang pagdating niya. Humugot na lamang ako ng hininga at ito ay ibinuga habang patuloy silang humalakahak.
"Umusog ka dito Nice. Uy Patrick! Upo ka dito," turo naman sa espasyong katabi ko.
"Huwag na. Magpapasama lang naman kasi ako kay Phenice, kung okay lang?" Sabay baling sa akin.
"B-Bakit naman hindi?" Nauutal na sagot ni Claire imbes na ako ang sumagot.
Napakurap naman ako habang palipat-lipat ang tingin kina Claire, Pres, at First. At tumingin ulit kay Patrick na nag-aantay ng sagot ko. Dinig ko naman ang pagtikhim ni Claire sa aking likuran.
"Saan ka ba magpapasama?" Tanong ko dito.
"Sa library lang naman," sagot nito. Kita ko naman ang namamawis niyang noo dahil sa kakalakad-takbo kanina. Tracing his pointed nose going down tomhis rosy pouting lips. Napawiwas ako dito ng tingin.
"Wala ka bang ibang kasama? Classmates mo?" Tingin ko ulit dito ngunit nakatitig ito sa akin kaya hindi ko ito matingnan ng matagal.
"Busy kasi tapos nauna pa iyong iba."
"Samahan mo na Nice. Nagpapasama lang naman," tukso ni Claire sa akin habang pasimpleng sinusundot ang aking baywang.
"O-Okay lang kung ayaw mo," bawi naman nito.
"Napagod ka pa kakatakbo kanina pre tapos hindi mo man lang makuha ng pakay ng pagpunta mo dito," sabi naman ni Pres.
Kinokonsenya talaga nila ako. "Okay lang talaga. Hindi ko naman pinipilit si Phenice. Besides, I came here unannounced baka may iba pang gagawin si Phenice."
"Mamaya pang one ang klase namin at saka wala naman talaga kaming gagawin."
Bumaling ako dito at pinanlakihan ito ng mata. "Kakausap lang natin kanina tungkol sa narinig nila Pres kaninang umaga. Tapos you're pushing me," bulong ko dito sapat lang para hindi marinig ni Patrick. Bumaling ako ulit kay Patrick at ngumiti dito.
"Natatae ako Pres. Pwede bang pasama ako sa cr?"
"Sure!" Sagot naman ni Pres.
"Wait! Sama ako," sabi naman ni First leaving us Patrick behind.
"Uy! Teka," tawag ko sa kanila. Iniwanan pa nila ako. Napakagat ang aking labi habang unti-unting kumakabog ang aking dibdib. Napasinghap ako kasi nandyan na naman ang weird na feeling na ito.
"I think sasamahan mo ako sa library," ani nito kaya hinarap ko ito. "Bakit ayaw mong sumama sa akin?"
Tanong nito habang nakataas ang kilay. Damn! I find it sexy the way he ask as the side of his lips rose. "A-Ano kasi," nauutal kong sagot kaya tumikhim ako. "Alam mo Rick baka kasi ito pa ang maging dahilan ng away niyo ng girlfriend mo? Just saying. Baka kasi," sabay iwas ko ng tingin dito.
"Alam niyang kababata kita and there's nothing to be jealous about that Nice."
"Pero," tumigil ako sa pagsasalita. Napakagat sa aking labi habang pinipigilan ang mga salitang gusto kong sabihin. Ayaw ko namang manggaling sa akin ang mga reklamo kung ano ang trato ng kanyang girlfriend sa ibang tao.
"What?" Nag-aantay sa idudugtong ko.
"Wala," iling ko dito. "Magpapatulong ka ba?" Tanong ko dito sabay titig sa mga mata nitong nangungusap.
Tumango ito. "Tara? Wala ka na bang pasok?"
"Mamaya pang alas tres ng hapon." Sagot nito at nagsimula na kaming maglakad papunta sa library.
Agad niyang ibinigay sa akin ang isang papel na hula ko ay isang kanta. Nagtataka akong tumingin sa kanya kung ito ba ang tinutukoy niyang magpapatulong siya sa akin. Binasa ko muna ito upang masiguro kong kanta nga ito.
"Ito ba ang tinutukoy mo?" Sabay baling ko sa kanya.
"Oo sa Filipino sub natin. Maybe ibibgay din sa inyo ito mamaya. There are a lot to choose naman pero I chose the one na magfifilm ako ng artist at idedescribe how the artist delivered the song."
"So ako iyong napili mo?" Gulat kong sabi.
"Oo ikaw lang din naman ang kilala kung magaling kumanta."
"Correction! May girlfriend kang nag first place sa singing competition Rick." Sabay lapag ko ng kanta.
"Sige na busy kasi siya," pleading in front of me.
"Uhh," hindi ako nakasagot kaagad.
Bakit niya pa kailangang gawin iyon? Kaagad kong iniwas ang aking mukha at napakurap na tumingin sa kantang ibinigay niya kanina. I can't stop my heart from beating too fast coz every time he had to make face it made him looked hot or cute.
"Sure," baling ko dito. "Pero hindi pwede dito tayo sa library baka mapagalitan tayo."
"Oo dinala lang kita dito kasi nandito ang bag ko. Tara labas tayo?"
Agad kaming lumabas at napili niyang sa likod ng eskwelahan kami tatambay. Walang tao nung dumating kami kaya maganda narin itong lugar para hindi kami madisturbo. Kasing lamig ng paligid ang mga upoang natatakpan ng mga naglalakihang puno na nakapalibot dito.
"Since may dala akong gitara ako nalang ang tutugtog sa iyo."
"Woahh! Hindi ko iyan napansin kanina. Bitbit mo na iyan?"
"Oo panay kasi tingin mo diyan sa kakantahin mo."
"Kinabisado ko lang baka kasi mapahiya ako kapag nawala ako sa tono. Tatawanan mo pa ako. "
"Iyan na ba ang tingin mo sa akin Nice? Hindi kayo ako ganyan."
"Ewan ko nalang Rick. Teka, kailan ka lang natutong maggitara? Gusto kong matuto [
"Gusto mo turuan kita? Madali lang naman kapag kinabisado mo ang mga chords. Si papa kasi palagi kaming tinuturuan noon," malungkot niyang sabi.
"Teka, may problema ka ba Rick?"
"My father left us Nice," ani niyang ikinabigla ko.
Nanlaki ang aking mga matang tumingin sa kanya. Hindi ako makapaniwalang iiwan sila ng kanilang ama dahil nakaperpekto ng kanilang pamilya. I even remembered how their family was envied by the society for they look perfect together whenever they go.
"I am sorry to hear that Rick," panghihingi ko dito ng tawad.
"There's no need Nice," may bahid na galit sa boses nito. "I am sorry. i just got carried away by my emotions. Shall we continue?"
"Uhh sure," ngiti ko sa kanya para pagaanin ang kanyang loob. "By the way, tinanung mo ako kanina kung magpapaturo ba ako. Why not! Gusto ko din namang matuto para naman I can sing solo with a guitar."
"Sige pero kantahin mo muna iyan," turo niya sa kakantahin ko.
"Oo na. Sige na simulan muna," ani ko at kinaskas na niya ang gitara.
Naubos ang aming oras kakapractice sa kanta. Hindi ko masyadong kasbisado ang kanta at mabuti nalang marunong siyang tumugtug kaya nakukuha ko rin ang eksaktong tono ng notang hindi ko natatama.
Napuno ng tawanan bawat mali namin at dahil dito, I got to know him well. The side of him na hindi ko pa nakikita noong lumaki siya. He changed but there are still a side of him when we were young that remained up until now.
"Haha! Galing mo Nice," sabi niya sa akin na ikinailing ko agad.
"Bolero! Ikaw kaya ang magaling sa atin kaya natatama ko ang nota dahil tinutugtug mo."
"Mas magaling ka," ulit niya pero hindi ko na pinatulan. "Tara? Lunch muna tayo?" Anyaya niya sa akin.
Bago paman ako makasagot ay nakita ko sa likuran ni Patrick ang kanyang girlfriend. "Uhh, hindi na siguro Rick. Maybe, next time nalang."
"Huh? It's all on me Nice. Come on."
"No it's okay lang talaga Rick."
"Why?" Nakakunot noong tanong sa akin.
"Why not join us Phenice?" Sabat naman ni Penelope. "Hi babe!" Bati niya sa kanyang nobyo. "Bakit kayo nandito dalawa?" Sabi nito sabay libot ng kanyang paningin.
"Practice lang babe," sagot naman ni Patrick sabay baling ni Penelope dito.
"Practice for what?" At tumingin ito sa gitarang dala ni Patrick.
"I have this project and I invited Phenice to sing."
"Pwede naman ako." Ngiti nito sa nobyo.
I can feel the tension building up. I knew that this will happen pero I let it. Ang kaninang malamig na paligid ay napalitan ng mainit. Nag-init ang aking katawan habang hindi tumitingin sa dalawa. Inabala ko nalang ang aking sarili na tumingin sa paligid.
"But you are busy babe. I don't want to disturb you."
"That's why you are disturbing her? Or-"
"Penelope, we already talked this morning," banta ni Patrick dito.
Pagkatapos ng sinabi ni Patrick ay natahimik ang paligid. Hindi ako makatingin sa kanilang dalawa kasi ako ang kinakabahan. Napalunok ako ng laway habang nag-iisip ako kung paano makaalis dito.
"Uhh maybe I should go," paalam ko sa kanilang dalawa ngunit nakatingin lamang ako kay Patrick.
"Sorry for that Nice-"
"No it's okay," sagot ko habang kinukuha ang bag ko. "I need to go," ngiti ko dito at mabilis na umalis doon.
Napabuga ako ng hangin nung nakalayo na ako sa kanila. Agad kong kinuha ang aking selpon para tingnan ang oras. Bigla itong tumunog at dumating ang mensahe na galing kay Claire. Nagpapaalam ito kung saan sila ngayon papunta para kumain ng pananghalian. Kaagad akong nagtungo sa sinasabing lugar ni Claire.
Hingal na hingal akong dumating sa entrance ng mall. Hindi na ako nakapagreklamo kay Claire kasi mahilig talaga itong pumunta sa mall para bumili ng pagkain. Agad kong binuksan ang dala kong bag para ipatingin ang loob nito sa guard. Minuwestra niya ang daan paloob noong natapos na niyang tingnan ito.
Agad akong nagtungo sa elevator at pinindut ang button pataas sa ikalimang palapag kung saan matatagpuan ang food court ng MOA o Mall Of Alturas. Mabuti nalang at kaagad itong bumukas kaya pumasok na ako dito. Tiningnan ko ang aking sariling repleksyon sa aluminum nitong dingding. Agad kong inayos ang aking sarili kong sabog na ang buhok.
"Jeez! Ano nalang ang sasabihin ni Penelope nung nakita niya ako sa ganitong anyo," sabi ko sa aking sarili.
Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na ako at ito ay bumukas. Bumungad sa akin ang food court kung saan maraming tao ang kumakain. Siksikan nadin ang linya nito at mahaba narin na umabot na sa sinehan. Agad kong sinuyod ang buong lugar para hanapin si Claire ngunit hindi ko ito mahanap. Kinuha ko ang selpon para i-text ito ngunit nagulat ako nung may kumalabit sa aking likuran. Agad akong napayakap sa aking bag baka magnanakaw ito. Kumalma ako kaagad nung nakita kong si First ito.
"Bakit ka nandito? Tapos na date niyo?" Biro nito.
"Dumating girlfriend niya. Saan ba si Claire?"
"Ayon!" Turo niya. "Kaya pala nandito ka kasi dumating na ang girlfriend?"
"Hali ka na First. Nagugutom na ako."
"Bakit ba kasi hindi ka tinreat ni Patrick?"
"Dumating nga girlfriend niya," ulit ko
"Chill Nice. Parang galit ah?"
"Sorry First nagugutom lang talaga ako. Chika ko nalang mamaya. Tara?"
"Ayon! Sige tara na."
"Kahit matalino ka, marites ka din ano?"
"Wala akong naririnig Nice." Ani nito habang napahalakhak akong pumunta sa kinaroroonan nila Claire.