Chapter Twenty-four - Lola
“So, kumusta ang pagpunta niyo ng library ni Patrick Nice?”
Bungad na tanong sa akin ni Claire nung nakalapit na ako dito. Agad akong napasalampak ng upo habang ikinandong ko ang dala kong bag. Binigyan ako ni Claire ng tinidor kaya inabot ko rin ito dahil gutom narin ako.
“Okay lang naman Claire. Tinapos na muna namin ang aming ginagawa bago kami mananghalian,” sagot ko sabay subo ng pagkain. “Madali lang din naman kasi kakanta lang ako tapos vivideohan niya,” dagdag ko habang ngininguya ang pagkain.
“Ahh iyon lang ba?” Sabay pa nilang tanong sa akin kaya kumunot ang aking noo.
“Oo iyon lang po talaga. Mabuti nalang at tinext mo ako kanina baka mag-isa akong kakain ngayon,” sabay baling ko kay Claire
“Hindi ka naman siguro pababayaan ni Patrick, Claire? I mean hindi siya nag-aya sa iyo ng pananghalian?” Nakatutok sila sa aking magiging sagot kaya napatigil ako sa pagkain.
“Nag-aya naman siya pero nakakahiya kasi dahil kami ng tatlo ng kanyang girlfriend. Dumating kasi si Penelope noong inaya niya ako. Alam mo naman diba baka ako pa ang magiging dahilan kung bakit sila mag-aaway kaya tinanggihan ko na. Tapos muntikan pa silang nag-away sa aking harapan,” kagat-labing sabi ko sa kanila.
“Bakit naman?” kuryosong tanong ni Claire.
“Tinanong ko na kaagad si Patrick the moment he gave me the lyrics of the song kung bakit hindi nalang sa girlfriend niya siya magpapatulong. I mean, I am not refusing to help naman it is just that, kaya naman ng kanyang girlfriend ang kanyang ipapagawa, bakit hindi nalang ito diba?” Sabi ko sa kanila na knaila amang ikinatango. “Tapos sagot niya ayaw niya itong maabala kaya tumulong narin ako. Tapos ayon afterwards, she can help naman pala. That’s why nagpaalam na ako baka saan pa umabot ang usapan nila.”
“Wala ka bang feelings kay Patrick, Nice?” I was taken aback by First’s question. “Dahil kung oo ang hirap sa sitwasyon mo dahil may girlfriend na si Patrick.”
“Bakit naman ako magkakagusto sa kanya? Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.”
“Be careful Nice,” paalala ni Pres sa akin na kaagad ko namang ikinatango.
Nagpatuloy kaming kumain noong nakita naming malapit na pala ang oras. Agad naming itong tinapos at mabuti nalang ay kaunti nalang ang mga taong nakaharang sa daanan kaya kaagad kaming nakalabas ng food court. Habang pasakay kami ng elevator ay tinutukso naman ni First si Claire at Pres na ikinairita nito dahil malisyoso daw kami. Lumabas kami na tumatawa parin dahil nakikisabay narin si Pres sa amin ni First kaya naiirita na masyado si Claire kaya nauna na ito.
Agad kong isinarado ang pintuan at nilock ito. Kakagaling ko lang sa gig na at mabuti nalang, hindi matagal itong natapos kasi inaantok na ako. Pagod akong napaupo sa sopa habang inilibot ang paningin para hanapin ang aking ama. Ilang araw ng hindi ko masyadong nakakausap ang aking ama dahil sa nangyari. Napatayo ako at agad akong nagtungo sa kanyang silid para tingnan ito.
Bago ko pa mabuksan ang pintuan ay narinig ko ang mga mumunting hikbi na lumalabas sa nakasiwang na pintuan. Hindi ko alam pero ngayon ko lang ulit narinig ang aking ama na umiyak. Hindi ko din alam kung ngayon lang ba talaga o sadyang hindi ko lang ito naririnig kasi mas nauuna akong natutulog. Habang nakikinig ako sa pintuan ay hindi ko mapigilan na maging emosyonal. Bumibigat ang aking dibdib habang iniisip kung ano ang kanyang pinagdadaanan ngunit wala ako sa panahon nung kailangan niya ako, Nilalasing niya lamang ang kanyang sarili at nagmumukmok dito sa loob ng kanyang kwarto.
Hindi ko na ito inabalang buksan sapagkat nagsimula ng namumuo ang mga luha sa aking mga mata. Agad akong nagtungo sa aking silid at doon nalang ito iniyak. I realized that lately that I have been too hard to him that I didn’t realize that he needed me more than someone else. Patuloy lamang na bumubuhos ang aking luha hanggang sa nakatulugan ko na ito. Nagising nalang ako kaumagahan na basa ang pisngi nung hawakan ko ito. Nalala ko ang mga nangyari kagabi at napabuntong na lamang ako ng hininga.
Napaahon ako sa aking higaan nung naamoy ko ang mabangong luto. Pamilyar ito kaya kaagad akong napalabas ng kwarto para tingnan ito at matagal ko naring nakikita ang ama kong nagluluto kaya nagulat ako. Madalas kasi kapag umaga ako na ang nagluluto ng agahan naming tapos si papa na ang bahala sa pananghalian at hapunan dahil sa eskwelahan at hideout na ako kumakain. At isa sa mga paborito niyang lutuin ay ang adobong manok at fried chicken kaya alam kong siya talaga ang nagluluto dito.
“Maupo ka na dito anak. Pinagtimpla kita ng gatas,” nagulat ako sa kanyang sinabi. Hindi naman sa bago ito sa akin pero matagal narin kasi ang panahon nung naalala ko pang inalagaan ako ng ganito ni papa. Napatingin naman ako sa lamesang nakahanda na ang mga pagkain at ang aking baon mamaya.
“May gatas na pa?” tanong ko dito na kanya namang ikinatango. Mas nagulat ako nung nakita kung ngumiti ito ng matamis sa akin. Napakurap pa ako ng mata para masiguro ko ang aking nakita baka namamalikmata lang ako pero hindi nakangiti nga ito.
“Oo nakapaggrocery ako kahapon,” sagot nito sa akin at agad akong tinalukuran para ipagpatuloy ang kanyang ginagawa.
“Saan ka naman kumuha ng pera mo pa? Bumale ka sa amo ko?” Tanong ko dito at naupo na sa hapag. “Sabay na tayo pa.”
“Teka,” at dinala nito ang panghuling manok na kanyang ipinirito. Umupo ito sa aking harapan. “Ang lola mo. Pinuntahan ko ito para humingi ng pera at mabuti nalang hindi ako pinagalitan.” Sagot nito.
“Ang lola po?” Gulat kong sagot. Matagal narin kasing hindi naming ito binisita dahil the last time na bumisita kami dito ay galit na galit ito kay mama dahil sa pag-iwan niya sa amin.
“Oo. At binigyan niya pa ako ng trabaho ngunit tinanggihan koi to dahil kailangan kung manirahan doon. Ayaw ko namang iwan ka dito kaya sinabi kong pag-iisipan ko muna.”
May pag-aalinlangan sa mga mata nito nung tumingin ito sa akin at napaiwas. Ngumiti lamang ito ng pilit sa akin at alam kong how he badly needed that para makapagtrabaho pero dahil sa nag-aaral ako dito, hindi niya magagawa.
“Siya nga pala, nag-offer ang lola mo na doon na tayo manirahan,” dagdag nitong sabi na aking ikinagulat.
“Ho?” Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ng aking ama. Hindi ko nakita na darating ang punto na ito. Matagal narin kasi kaming narihan dito at ang ang paaralan ang dahilan ng paglipat naming dito dahil malapit lang.