CHAPTER 25

2162 Words
Chapter Twenty-five – Downfall “Bakit mahaba ang baba mo ngayon Nice? Hindi parin ba kayo nag-uusap ng papa mo?” Tanong ni Claire sa akin habang naglalakad kami sa gilid ng bakod ng aming eskwelahan. Kaunti pa ang mga estudyanteng papasok, marami ng mga nag-iingay na bumubusinang sasakyan, at ang mga pasaherong bumababa sa tapat ng paaralan. Agad kong isinuot ang aking ID bago kami pumasok sa b****a ng gate kung saan may nakaharang na isang security guard. “Magandang umaga po,” bati ko dito noong tiningnan ang aking ID. Tumango lamang ito sa akin at kaagad akong tumabi para antayin si Claire na tinitingnan din ang soot nitong ID at uniporme. “Maraming salamat po,” sabay naming sabi pagkatapos nitong tingnan kami. “Bati na kami ni papa,” masaya kong pahayag dito. “Siya na nga rin ang nagluto ng agahan. Nagulat nga ako nung nagising ako dahil nakahanda na lahat pati ang baon ko.” “Ano namang ikinalungkot mo roon kung bati na pala kayo ng papa mo?” “Nakita ko kasi siyang umiiyak at kagabi ko pa siya ulit na nakitang umiyak simula noong umalis si mama. At saka, nagpunta din pala si papa sa lola ko kahapon at nanghingi siya ng pera kaya nakapagluto siya ng mga paborito niya kanina. Nag-offer ito ng trabaho ni papa ngunit pag-iisipan niya muna kasi doon daw titira. Hindi siya makapagdesisypon kaagad kasi nag-aaral ako dito pagkatapos may gig pa ako.” “Paano ba iyan? Kung tatanggapin ba ni papa mo iyong alok ng lola mo sinasabi mo bang sasama ka din sa papa mo?” Malungkot na pahayag ni Claire. “Iiwan mo ba ako Claire? Wala na akong kaibigan na makakasama ko araw-araw.” Hindi ko naman mapigilang malungkot sa sinabi nito kahit hindi naman totoo. Biglang bumigat ang aking damdamin ngunit nginitian ko ito. Pero hindi ko parin maiwasang maluha kahit anong pigil ko dito. Tinawanan ko na lang ito ngunit sapak ang inabot ko dito. “Nice? Kay aga pa pero pinapaiyak mo na ako,” sabi niya habang nagpipigil din sa sariling luha. “Doon muna tayo,” turo ko sa isang bench at agad kaming nagtungo dito. “Sino bang may sabi sayong aalis ako? I am already old enough Claire at alam mong I can live independently. Naitaguyod ko nga ang sarili ko na hindi umaasa kay papa kaya bakit ako sasama? Ang akin lang naman, nalulungkot lang ako na si papa nalang mag-isa kung tatanggapin niya ang alok ni lola. At saka, nag-usap na kami ni papa tungkol diyan at payag naman siyang dito lang ako dahil nandiyan naman ang pamiya mo at syempre, ikaw na mag-aalaga sa akin.” Pinunasan niya ang mga luhang namuo sa gilid ng kanyang mata. “Akala ko pa naman Nice tuluyan mo na talaga akong iiwan. May patigil-tigil ka pa dito sa bench para kang namamaalam. Parang tanga ito," natatawa nitong sabi habang patuloy na umiiyak. Kaagad ko itong niyakap ng mahigpit upang ibsan ang bigat sa dibdib nito. "Sorry Claire, hindi ko naman talaga sadyang makwento sa iyo ito. Promise hindi kita iiwan kaya tumahan ka na diyan. Sige ka! Papangit ka niyan kaoag patuloy kang iiyak," biro ko dito. Agad niya naman itong pinunasan at nagtawanan kami. Pinagtitinginan narin kami ng mga estudyanteng dumadaan pero binalewala lang namin. "Tara?" Anyaya ko sa kanya sa room na kanya namang ikinatayo. Agad kaming tumayo at pinagpatuloy ang aming paglalakad. "Nice, punta muna tayo ng powder room baka kasi chaka na akong tingnan dahil pinaiyak mo ako. Doon nalang tayo sa may parking lot malapit kasi malapit lang." "Sige tara. Bilisan mo baka maubos mo ang oras sa kakaretouch mo," biro ko sa kanya. Tinakbo namin ang pinakamalapit na comfort room sa may parking area. May mga nakapark narin na mga sasakyan ng guro at ng ibang estudyanten. Pagdating namin sa comfort room ay walang katao-tao kaya kaagad kaming pumasok dito. Nakatayo lamang ako sa gilid habang tinitingnan ang kaibigan kong nireretouch ang buong mukha. Dahil sa inip ko narin na matagal itong natapos ay sinabayan ko na rin ito. Agad akong humarap sa lababo at naglagay narin ng pampaganda. "Huwag iyan Nice! Masyadong dark hindi bagay sa iyo. Light lang kasi you have a very soft features that would blend and mas mapapatingkad pa niyang ang iyong mukha," sabi naman nito kaya kaagad kong tinatanggap kung ano ang kanyang ibinibigay. "Tapos ka na?" Sabi sa akin ni Claire habang siya naman ngayon ang na bored. Kanina pa kasi siya natapos noong kakasimula ko pa lang. Nagandahan ako sa resulta kaya binuo ko narin ang retouch sa mukha ko. Dahil sa nahiya naman ako tinigil ko na din ang aking ginawa at tiningnan ang mukha sa salamin. "Okay na iyan Nice! Hindi ka naman sasali ng contest. Hali ka na kasi malilate na tayo," pagmamadali niya sa akin. "Tapos na po. Tara," anyaya ko at kaagad kaming lumabas nng comfort. Natigil kami sa aming paglalakad nung nakita namin sa may 'di kalayuan sina Patrick at Penelope. Dinig namin bawat pag-uusap nila na nag-eecho sa buong parking lot. Hinila ako ni Claire pabalik sa kung saan may dingding na pwedeng pagtaguan. Napakagat ang aking labi habang pinapakinggan ang kung ano man ang pinag-uusapan nila. "Why do you have to do this Patrick? I'm so tired! Paulit-ulit nalang, pwede ba na ako naman ngayon ang pakinggan mo? Simula nung dumating siya, hindi ko alam kung ginagamit mo lang ba siya o tuluyan ng nahulog iyang loob mo sa kanya? Girlfriend mo ako Patrick hindi best friend! Mabuti pa iyang best friend mo parang girlfriend mo!" "Lower your voice, Penelope. I already told you wala kang dapat ipagselos dahil ginagamit ko lamang siya. That day! Noong nagkita kami was all planned. The rumors about us was all a show. Bakit ba pinapairal mo ang selos mo. Kahit nitong mga nakaraang araw huwag kang mag-aalala punaghihiganti ko lang si mama." "I don't believe you anymore, Patrick. I don't see any sincerity in your words. Yesterday, I saw you together. I was there Patrick, hiding under a tree, watching you together while laughing in every note that she can't hit. I couldn't hide my jealousy Patrick coz' I see sparks in your eyes yesterday when you are with her." Dinig namin ang paghikbi ni Penelope pero napakagat lamang ako sa aking labi. I don't know what to feel and how to act. Hindi ko alam kung anong tamang emosyon ang aking mararamdaman upon knowing na niloloko lang pala ako ni Patrick. He was just using me in the first place para ipaghiganti ang kanyang mama. Pero why? Wala naman akong ginawa sa mama niya. I stared blankly at the other side of the parking lot as I continue listening to them. Hindi ko alam kung nakita ba ni Claire ang aking reaksyon sapagkat nasa likuran ko siya pero hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay. Emotions were started to build up inside my chest and it's tightening. I busrt into silent tears as I hear their talk continues. "Her mother stole my father. Remember that Penelope. Hindi ko patatawarin ang anak ng kanyang kabit hanggang sa hindi ko siya nakikitang awang-awa. Na hindi niya alam na ang ina niyang sumakabilang bansa? No, sumakabilang lalaki." I cover my mouth as soon as I started making noise because of crying. I don't know what happened next but here I am crying on Claire's shoulder while we are sitting in the bench. All I can do right now is hold in to her tightly and cry to ease these pain away. But, I know this pain that I am feeling right now is not that easy to erase. "Tumahan ka na Nice," pag-aalo ni Claire sa akin. "Paano ako tatahan Claire kung ginamit lang pala ako ni Patrick para makapaghiganti kay mama. Kung nalaman ko lang noon na nagsama pala si mama at ang papa ni Patrick edi sana hindi na ko na siya pinapasok sa buhay ko." " It's not your fault Nice kaya dapat wala kang poproblemahin. You're out of the problem. Problema ma iyon ng mga magulang niyo. Patrick shouldn't be doing this to you knowing na magkababata kayo." "I don't know what to do, Claire. Naiintindihan ko siya kasi sino bang hindi gusto maghiganti kung inagawan ka ng isang ama? That must hurt him a lot Claire." "Phenice! Think of yourself. Hindi lang naman siya ang nasaktan. Nasaktan ka din naman, hindi ba? You suffered a lot everyday just by taking care of your father. You suffered the most when your father was very abusive. Think of yourself Nice. He doesn't have the right to do that kasi hindi niya alam kung ano rin ang pinagdaanan mo noong iniwan ka ng mama mo." Napaiyak na lamang ako at tila walang salita ang gustong lumabas sa aking bibig. My tears are the only one which let my emotions out from my body to stop myself from bursting too much. Claire stared me with pity in her eyes. "Claire? Can you promise me?" I asked her a favor. I know this is a stupid a stupid favor but I think this will be the best. "What it is Nice?" She stated calmly as she brushed my hair. "Please don't hate him. He was controlled by his emotions that was why he did that. And please don't tell him about me." "Why? W-What? What are you trying to imply Nice? Are you really gonna transfer?" Naguguluhan nitong sabi. I nod continually as tears were pooling out of my eyes. Claire was in the verge of crying but she was trying her best not to cry that's why she hugged me. I hugged her back. "I understand you Nice. If these will make you comfortable I won't stop you. I can't promise but I will try my best to avoid him so not to hate him. But I will truly miss you. Geez! What we talked about this morning turned out to be happening soon." "Sorry Claire, I will miss you too." I hugged her because I will miss her. I hugged her because I felt conscience on what I am doing to her now. I can only think of an escape than solving the problem. Napatingin ako sa aking relo. "We missed our first subject this morning." "Yeah! It's all because of that stupid," hindi niya matuloy ang kanyang sinabi habang tumitingin sa akin. Tumawa nakang ito. "That's okay! Baka magbreakdown ka sa loob ng room baka magtaka pa si Ms. Math," biro nito. "Thanks Claire for always being here," tanging nasabi ko lamang. Gusto kong sabihin sa kanya lahat-lahat ngunit it turned out na thank yous lang din lahat. "Thank you for all the memories Claire." "Drama mo Nice! I am not dying soon or sooner, maybe soonest. Haha!" Halakhak nito kaya natawa narin ito. "Let's go?" Sabay lahad kanyang kamay. "But we need to go to the powder room again to fix your face. Tingnan mo ang eyeliner mo Nice, mukha kang clown na umiiyak," turo nito sa aking mukha. "Seryoso?" Agad kong kinuha ang aking cellphone para tingnan ang aking mukha. Just a little smudge lang naman not that something to be worried about. "I think waterproof naman iyong mascara mo that's why." "Tara na nga." And we went inside the comfort room again. When we got inside the room they asked us where were we and why were absent. Claire just shrugged her shoulder that's why I just made an excuse that were late that's why hindi na kami nag-abala pang pumasok. Everytime na nakikita ko si Patrick, I avoided him. Nagtataka nga rin minsan si Claire kung bakit biglaan akong nawawala but later she understood why. Hanggang sa natapos ang araw hindi talaga naglandas ang aming dadaanan. "Let's go Nice?" Sabi ni Claire nung natapos na siyang magligpit sa kanyang mga gamit. Tinanguan ko ito at sumunod sa kanya. The sun is now sitting above the mountains. The other side of the sky turned dimmer as time passes by. "Tatanungin mo ang papa mo tungkol dito?" Tanong ni Claire sa akin. Kakatapos lang ng gig at exhausted kami pareho ni Claire habang pauwi sa bahay. "I should ask him Claire. Sana hindi ako maging emosyonal kung tatanungin ko siya tungkol da aking mga narinig. Sana nga," crossing my fingers. "I bet you can't stop your emotions, Nice. Calm down Nice before you talk to your dad, or?" She just shrugged her shoulders. "Sige na pasok na kami. Totoy, buksan mo nga," ani nito sa kapatid. "Hindi ko maabot ang kandado." "Oa ni ate, tinatamad ka lang naman," reklamo nito. Natawa naman ako. "Sige na Claire, totoy, paalam sa inyo." Kaway ko sa kanila. Napabaling ako sa katabing bahay kung saan kami naninirahan. I have to ask him to find out the truth. My heart started pounding as I came nearer at the door.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD