CHAPTER 26

2999 Words
Chapter Twenty-six - Bid Goodbyes "Pa? Matagal mo na bang alam?" Tanong ko sa aking ama pagkadating ko ng bahay. Gulat ito ng nakita akong umiiyak nung papasok ng pintuan. Kunot ang mga noo nito dahil sa aking sinabi. "Anong pinagsasabi mo anak?" Ani niya sabay naglakad papunta sa akin. Lumapit ito at kaagad niyang pinunasan ang mga luhang lumandas sa aking pisngi. "Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" "Pa? Nagpunta ba talaga sa abroad si mama?" Tanong ko na ikinagulat niya. Bakas sa mga nanlalaki nitong mata na alam niya ang totoo- na alam niya na hindi talaga si mama nagpunta sa abroad. "Matagal mo ng alam pero nilihim mo lang sa akin pa?" "Anak, kumalma ka muna," ani niya habang hinahaplos ang aking balikat. "Saan mo ba nakuha ang mga tanong na iyan? Alam mo naman diba na nagpunta ang mama sa abroad?" "Oo pero totoo ba talaga dad na sumakabilang bansa? O sumakabilang lalaki?" Nanlaki ang mga galit niyang mga mata. Lumitaw ang ugat nito sa noo habang nanggigitgit ang ngipin na nagtitimpi sa galit. Napatingin ako sa kanyang mga kamao napakumo. "Sinong may sabi sa iyo niyan?" Bahid ang pagtitimpi sa boses ng aking ama. "Sino Nice?" Unti-unting lumakas ang boses niyang tanong sa akin. Ngayon ko lang nakita ang aking ama na galit na galit. Napaatras ang aking paa dahil sa aking takot. Napaawang ang aking bibig habang lumalakas ang kabog na aking dibdib. Hindi ko magawang ituloy ang paghakbang palayo dito dahil parang naparalyze ang sarili kong binti. "P-Pa narinig ko lang-" "Kanino?" Agad niya akong pinutol. "Anong sinabi ni Patrick? Siya ba ang may pakana ng lahat ng ito? Hindi ba sinabi ko na sa iyo na layuan mong lalaki na iyan?" "You already knew from the start pa pero nilihim niyo sa akin!" Napasigaw ako sa galit dahil hindi ko kinayang magtimpi. "Bakit hindi niyo po ako sinabihan kaagad sa rason upang layuan ko siya kaagad. Bakit kailangan ko pang malaman galing sa iba na magkasama na pala si mama at ang papa ni Patrick? Na iniwan tayo ni mama para kay tito Fred?" "Hindi ko sinabi sa iyo dahil ayaw kong makita kang nasasaktan anak. Ayaw kong ipadama sa iyo na iniwan tayo ng mama mo para ipagpalit sa lintik na ama niyang kababata mo! Pasensya na anak, gusto kitang protektahan ngunit hindi ko ito nagawa ng mabuti," paunti ajg tinig nito. "But protecting me does not mean that you are going to hide the truth from me pa. Kung sinabi mo palang sa akin pa, naprotektahan mo na sana ako kay Patrick. Protektahan ako para hindi niya maloko," sabi ko dito at kaagad niya akong tinatahan sa kanyang dibdib. "I'm sorry anak. Natatakot lang ako baka matulad ka sa iba na mawawalaj ng interes katulad ko. Fred was my best friend until I saw them together in the port." Dinig kong sabi nito habang yakap ako nito sa kanyang mga bisig. Napatahimik ako sa kanyang itinapat. "Nakita mo silang magkasama pagkaalis nila pa?" Hindi makapaniwalang sabi ko dito dahil alam kong mas masakit na makita mo ang iyong mahal sa sarili mong mata ang paglisan nito para ikaw ay iwanan. "Oo nung araw na iniwan tayo ng mama mo. Nakatulog ka noon habang akay-akay kitang tinatanaw ang mama mo," sabi nito. Napatingala ako sa kanya at dumistansya ng ilang pulgada. "Alam niyo na po ba agad kung bakit ito umalis?" Umiling ito sabay iwas na tumingin sa akin. May namuong luha sa gilid ng mga mata nito na kumikinang noong tamaan ng liwanag ng lampara. "Hindi ko alam na inaahas na pala ako ng mama mo. Pati si Fred na best friend ko, ni walang salita akong natanggap na galing sa kanya. Eksplenasyon man lang." Kay bigat ng mga salitang nabibitawan ni papa. Dama kong ganoon din kabigat ang kanyang nararamdaman habang nakita niya si mama at ang papa ni Patrick. Kay bigay ng kanyang damdamin na matagal na niyang dinala-dala. "Bakit niyo po ako pinapalayo kay Patrick. Alam din ba nila na si mama ang kabit ni tito kaya alam mong maghihiganti ito?" "Hindi ko alam pero ang makumpirma galing sa iyo na niloko ka lang niya ay ang magiging sagot ng katanungan mo. Pinaalahan lang kita ngunit ito ay totoo pala. May mga koneksyon kasi ang mama niya kaya siguro nalaman nila." Tumitig ito sa aking mga mata. "Anong ginawa sa iyo ni Patrick? Sinaktan ka ba niya?" Inulit niya ang tanong na hindi ko sinagot kanina. Umiling ako. "Hindi po. Nadinig ko lang sa kanya na ipaghihiganti niya ang kanyang mama kaya gagamitin niya ako hanggang sa makita niya akong awang-awa sa kanyang mga planong magpapahirap sa akin." "May naramdaman ka ba sa kanya anak?" Deretsang tanong ni papa na ikinagulat ko. Hindi ko siya kaagad masagot kaya napaiwas ako dito ng tingin. Nangapa muna ako ng tanong bago siya sagutin. "A-Anong nararamdaman pa? Ano pong ibig niyong sabihin?" Nakakunot ang aking mga noo upang hindi na ito mag-iisip ng kung ano sa akin. "Nagkagusto ka ba kay Patrick. Kailangan ko bang ulitin?" Tanong nito na aking ikinailing. "Pinalayo kita sa kanya dahil ayaw kong mahulog ang loob mo. Ngayon na alam mo nang ginamit ka lang niya para makapaghiganti mas nasaktan ka. Kahit na magkababata kayo pero ina niya iyon, anak. Kahit sinong anak kapag nakita nilang nasasaktan ang kanilang mga mahal sa buhay ay kamumuhian nila kung sino man ng nagdulot nito." "Wala po akong naramdaman sa kanya," sagot ko sa mahaba nitong sinabi sabay iwas ng tingin dito. "Pa? Doon naang tayo titira kay lola?" Tingin ko dito ulit. Nabigla man siya ngunit hindi gaanong gulat ang kanyang reaksyon. Baka naisip narin ito ni papa na magiging ganito ang aking reaksyon. Isang ngiti ang aking natanggap galing sa kanya at inayos niya ang mga buhok na nakatakip sa aking noo habang hinahagod itong nilalagay sa buhok. "Sigurado ka na ba diay sa desisyon mo anak? Baka nagpapadala ka lang diyan sa emosyon mo?" "Mas mabuti narin ito pa. Mas mapanatag ako na samahan po kita kaysa manatili ako dito. Nakapagpaalam din naman ako kay Claire." "Pwedeng hindi ka sasama anak. Manatili ka dito dahil nandiyan naman sina Nena at Kaloy pati narin si Claire na titingin sa iyo. Huwag ko na akong isipin. At saka, malayo pa ang paaralan doon kung sakaling lilipat ka." "Buo na po ang desisyon ko pa," mahinang boses na sabi ko. Kung ipagpatuloy pa ni papa ang pangungumbinsi niya sa akin na dito nalang baka dito nalang talaga ako. Masakit mang tanggapin na iiwan ko ang labing-dalawang taong panatili ko dito kasama sina Claire, aleng Nena, mang Kaloy, at ang mga ibang kakilala ko dito pero kailangan kong gawin para sa ikabubuti ng lahat. "Sige luluwas na tayo bukas ng umaga. Matulog ka na," nakangiting sabi na ikinatango ko. Agad akong tinalikuran ng aking ama. Napansin kong iba na ang trato ng ama sa akin simula kaninang umaga noong nagluto siya ng agahan. Nakakakaba mang isipin ngunit natutuwa akong unti-unting bumabalik ang aking ama sa dati nitong sarili. Napabuntong ako ng hininga at pumunta na din sa aking silid. Maaga pa bukas at alam kong magsisimula na ang bagong kabanata ng aking buhay upang mamuhay ng payapa. Agad kong ipinikit ang mga matang pagod at ilang saglit lang ay hinila na ako sa aking pagtulog. Nagising ako kinaumagahan bandang alas sais ng umaga. Napainat ako sa aking mga buto habang nadama ang malamig na simoy ng hanging pumapasok galing sa bintana. Napatulala ako sa sariling kisame at napaisip sa mga nangyari kagabi. Kaagad akong bumangon sapagkat kailangan ko pang mag-impake ng gamit at pupunta pa ako ng eskwelahan. Kinakabahan man at nakakatakot na bumalik sa paaralan pero kailangan kong asikasohin ang aking paglipat kaysa iasa ko pa ito sa iba. "Pa, punta muna ako ng paaralan?" Paalam ko sa aking ama pagkatapos kong mag-imapake. Soot ko ang simpleng damit at jeans. Wala ng iba. "Kumain ka na muna, anak." "Huwag na pa. Busog pa naman ako baka doon na lang po ako kakain. Dadaan pa din po ako sa hideout para magpaalam." "O siya sige anak. Mag-aantay ako dito." Napatango ako sa aking ama at nilapitan ko ito. Hinalikan ko ito sa kanyang pisngi na kanyanh ikinagulat. Lumambot naman ang mukha nito at isang mahigpit na yakap ang aking natanggap. Hinalikan ako nito sa noo. "Sige na baka maiwan ka pa ni Claire." Agad akong lumabas ng bahay at nagpunta kina Claire kung saan nag-aatay na siya sa labas. Nagulat si aleng Nena na makitang hindi ako nakasuot ng uniporme pero nag-alibi na muna ako sa aking sagot dito. Nagpaalam na kami dito habang maaga pa. Tinulungan ako ni Claire sa pag-aasikaso ng mga kakailanganin sa paglipat. Maging siya man din ay naging maingat upang hindi kami magkita ni Patrick baka sakali. Madali lang naman ang proseso kaya umupo na muna kami sa bench sa harapan ng registrar habang inaantay ang panghuling papeles na kakailanganin namin. "I will miss you Nice," sabi niya sabay hawak sa aking mga kamay. Nginitian ko ito at hinigpitan ko ang paghawak sa mga kamay nito. "I will also miss you Claire. Ang makulit, palabiro, matulungin, my diary, at marami pang katangian na nagpapabukod-tangi mo sa iba ay mamimiss ko talaga. I know na we've been together since five or six years old and we've shared a lot of memories that mafe ny life worth loving despite of the challenging that I am facing. Thank you very much Claire for being together." "Drama mo Nice! Pero totoo," nagpipigil ng iyak habang tumatawa. "Mamimiss kita ng sobra kasi wala ng kaibigan ko na palaging nakikinig sa akin. Ang pagiging birhen mo at ang mga kilos mong minsan maiksi na kinukumpara ni mama sa ating dalawa. Huwag mo akong kalimutan Nice ha?" "Oo naman," sabi ko habamg gumaralgal ang aking boses. Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil umiiyak na din si Claire. "Ano ba," natatawa kong sabi habang pinuounasan ang mga luha ngunit isang yakap ang natanggap ko kay Claire. Napaiyak na kami ng sobra habang nagyayakapan at binalewala ang mga estudyanteng napapadaan sa amin. "Phenice Earth Parnells nasaan na? Kanina pa ako tawag ng tawag dito?" Nabigla kami ni Claire dahil sa malakas na tinig ng clerk. Natawa na lamang kami dahil sa galit nitong boses. Tumayo ako kaagad at pinunasan ang mga luhang lumapit sa isang malaking bintana na kung saan nag-aantay ang clerk. "Marami pong salamat," ani ko ng natanggap ang isang sertipiko ng aking paglipat. "I guess this is goodbye Nice?" Sabi nito kaya napabaling ako dito. Agad kong ipinasok ang dala kong sertipiko sa isang folder at niyakap ako ulit. "I-text mo ako Nice baka hindi mo na naman matingnan iyang selpon mo. Hiligin mo na ang pagtingin sa selpon mo Nice. Noon ko pa pansin na hindi mo talaga chinecheck iyan from time to time. Kaya i check mo na kasi magtatampo ako kapag hindi ka makapagreply sa akin kaagad." "Opo Claire, promise. I'll miss you kaya titingnan ko talaga ito dahil wala ka doon. Ipaalam mo nalang din ako sa iba pa nating kaklase Claire." "Isang yakap naman," sabi nitonat nagyakapan kami ulit. "Sige na baka malate ka na?" Sabi ko noong kumalas na kami sa pagyayakapan. "Atat Nice? Ayaw mo na sa akin?" "Haha! Hindi Claire. Malilate ka na talaga. O baka gusto mong samahan kita doon?" Biro ko nito. "Huwag! Baka magkita pa kayo," sabi niya sabay ikot ng mga mata. "O siya sige na baka saan pa maglandas ang kapalaran niyo." At isang mahigpit pa na yakap bago siya kumaway sa akin para magpaalam. Habang tinitingnan ko ang papalayong likuran ni Claire ay nagsimulang bumibigat ang aking dibdib. Itinagilid ko ang aking ulo upang iwaksi ang namumuong tensyon. Agad akong tumalikod at kinuha ang dala kong damit na kanina ko pa tonatago kay Claire. Naalala ko na may damit pa pala akong dapat isauli kay Patrick na hindi ko pa naibigay. Hindi ko na sinabi kay Claire dahil magagalit lang ito. Napatingin ako sa parking lot at sakto namang dumating ang sasakyan ni Patrick. Humugot ako ng malalim na hininga bago humakbang papunta dito. Bawat hakbang ay katumbas na malalakas na kabog sa aking dibdib. Mag-isang lumabas si Patrick ng kanyang sasakyan. Isasauli ko lang naman itong damit niya at hindi naman niya alam na alam ko na galit siya sa akin at naintindihan ko ito. Naglakad ako ng loob na tumawag dito kaya napatingin ako dito. Ito naman din ang panghuli naming kita at ibabaon ko sa limot ang mga ala-ala naming dalawa at ang mga emosyong dapat hindi ko maramdaman sa kanya. "Ang damit mo pala ngayon ko lang naibigay sa iyo." Ngiti kong sabi nung makalapit ako dito. "Ikaw lang mag-isa? Saan si Penelope?" Sabay ikot ko sa aking paningin. "Wala, uhh nauna na," sagot nito sabay iwas. "Teka, kukunin ko muna ang damit mo," ani nito sabay ikot sa likuran ng kanyang sasakyan. "Paano ka nakapasok na hindi nakauniporme Nice?" Tanong nito habang kinukuha nito ang damit. Nag-antay muna ako at isinarado nito ang likuran. Isang ngiti ang makikita sa kanyang mukha habang dala nito ang damit. Hindi talaga maipagkakait na mala anghel ang mukha nito at kung bakit ako nahulog sa nakangiti nitong labi. Iniwas ko na lamang anh aking paningin sapagkat hindi ko alam kung totoo ba ang pinapakita niya o hindi. "Liliban muna ako sa klase. Not feeling well," kibit ng aking balikat sabay tingin dito. "Bakit? May sakit sa ka ba?" May bahid ng pag-aalala sa boses nito. "Wala naman alibi ko lang," ngiti ko dito. "May natutunan ka ng ganyang Nice ah? Sasabihin ko talaga sa guro niyo." "Huwag na Rick joke lang naman. May lakad kasi ako at kailangan ko talagang lumiban." "Pwede kitang ihatid?" Presenta niya na mariin kong ikinailing. "Huwag na. Ikaw naman okay lang naman ako. May pasok pa Rick." I couldn't keep my phase kaya I tried to squeeze my fist. Ibinigay ko sa kanya ang damit at ganoon din siya. Agad ko namang tinanggap ang damit ko. "I guess this is goodbye then?" Sabi ko sa kanya. "Baka malate ka na?" Hindi siya kaagad nagsalita at tumingin na lamang sa akin. Nakakunot ang noo nito habang tumingin ng masinsinan sa akin. Para bang pinag-aralan nito ang aking hitsura kaya ngumiti ako dito. "Rick sige na, nakakatulala ka diyan?" Pukaw ko dito. "Saan ba kasi lakad mo?" Seryoso nitong tanong na kaagad kong ikinaiwas. "Si papa kasi may ipinapagawa," sabay balik ko sa tingin nito. "Ayaw niya kasing pumunta kasi naglasing na naman." Sorry pa kung ginawa kitang alibi. "Ahh kala ko kung saan ang punta mo. Sige ingat ka," paalam nito ng hindi nakangiti. "Sige," walang lakas ko na sabi dito at isang ngiti na hindi aabot sa aking tainga. Tinalikuran ko siya at patakbong lumabas ng paaralan. Hindi ko alam kung bakit isa-isang pumatak ang mga luha sa aking mga mata ngunit kaagad ko itong pinunasan at pumara ng tricycle. Isang baling ko at nakita ko sa malayo na nakatayo pa si Patrick doon. Iniwas ko na lamang ang tingin ko dito at umayos ng upo dito. "Salamat po manong," sabya bigay ko ng aling bayad at bumaba na ng tricycle. Dahan-dahan akong naglakad papunta ng hideout. Napangiti ako dahil mamimiss ko talaga ang lugar na ito kung saan kumukuha ako ng suporta sa aking pag-aaral. At ang mga pagkain nilang mamimiss ko din dahil masasarap. Maaga pa kaya wala pang masyadong customer. Abala naman ang lahat sa paglilinis kaya hindi nila ako napansin nung pumasok. Agad akong nagtungo sa likuran kung saan ang opisina ng may-ari nito. Kumatok ako kaagad at ilang sandali ay pinapasok ako dito. Maikli lamang ang naging usapan naming dalawa. Naiintindihan niya ang aking sitwasyon kaya pinayagan niya ako ng hindi nagdadalawang isip. Binigyan ako ng dagdag na pera bukod sa aking sweldo na aking ipinapasalamat. "Maraming salamat talaga po ma'am." "Walang ano man hija. Matagal na kitang kilala at alam ko kung gaano ka nagsikap para maitaguyod mo plang ang iyong sarili kaya deserve mo iyan." "Nakakhiya naman po pero salamat talaga ng malaki sa inyo. Dahil kung hindi niyo po ako pinapasok dito hindi ko alam kung saan ako ngayon. Kaya, marami talagang salamat maam." "Naku! Ikaw talgaang bata ka. Huwag mo kaming kalimutan at humisita ka dito kapag napadaan ka." "Opo ma'am. Pangako po." "O siya sige. Mag-ingat ka," paalala nito sabay yakap sa akin. Lumabas ako sa aking pinagtatrabahoan na maluwag ang dibdib. Isang tingin muna bago ako pumara ng sasakyan. Pagdating ko ay nakaimpake na lahat at nakita ko si aleng Nena na nag-aantay sa labas ng bahay habang nag-uusap sila ni papa. "Nandiyan ka na pala anak," ani ni papa kaya napatingin sa akin si aleng Nena. "Lilipat na pala kayo hija. Mamimiss ko kayo. Nagpaalam ka na ba kay Claire?" "Opo nay, nakapagpaalam na po ako sa kanya. Nag-iyakan nga kaming dalawa." "Naku! Mamimiss ka talaga noon. Hay! Mamimiss din kita hija. Payakap nga?" Ani nito at niyakap ako ng mahigpit. Simula noong iniwan kami ni mama ay isa si aleng Nena sa tumayo kong ina. Inaasikaso niya ako na parang anak niya at pinapasalamatan ko siya ng malaki kasi napupunan nito ang mga panahong mamimiss ko ang aking ina. "Sa susunod bumisita kayo dito ah?" Sabi nito sabay kalas sa akin. "Bumisita koyo dito Florence," sabay tingin sa aking ama. "Oo naman Nena. Ipasabi nalang din kay kumpare. Bibisita din naman kami dito," ani ni papa. "O siya sige kasi nag-aantay na ang inarkelang sasakyan." "Paalam po aleng Nena," sabi ko dito sabay ngiting umandar ang sasakyan. Habang papalayo na kami ay dama ko ang antok at namalayan ko nalang inilagay ko sa balikat ni papa ang aking ulo. I am too exhausted siguro kaya inaantok na ako. Napangiti ako bago ako tuluyang pumikit. Nakakalungkot mang isipin ngunit I will always cherish the time sa mga taong naging parte ng aking buhay at hinding-hindi ko sila kakalimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD