CHAPTER 27

2213 Words
Chapter Twenty-seven - Kabasakan Nagising ako nung biglang tumigil ang sasakyan. Umayos ako ng upo at napalinga-linga sa paligid. Kausap ni papa ang drayber kaya siguro tumigil ito dahil bababa si papa. Tumigil kasi ang sasakyan sa isang convenience store. "Bababa muna ako anak. May bibilhin lang ako saglit," paalam nito sa akin kaya tinanguan ko ito. "Wala ka bang ipapabili?" "Sasama nalang ako sa inyo pa," ani ko sabay baba ng sasakyan. "Rence pare," napabaling ako sa aking likuran kung saan may tumatawag sa palayaw ni papa. Matangkad ito, maputi ang balat, at may lahi. Matagal narin kasi akong hindi bumibisita dito kaya hindi ko na matandaan ang mga kakilala nila papa dito. "Pare! Kamusta?" Tanong ni papa dito sabay ibinangga pareho ang kanilang mga braso. "Okay lang naman. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Napagawi ang tingin niya sa akin. "Ito na ba ang anak mo? Ang asawa mo nasaan?" Tingin nito sa akin at baling ulit sa aking ama. Napatingin ako kay papa dahil sa tanong nito. Napatingin lang din maman si papa sa akin. "May trabaho pare kaya hindi nakasama," sagot nito sabay tawa ng pilit. "Kaya pala matamlay ka? Saan pala punta niyo?" "May bibilhin lang bago pumunta kay mama." "Bumisita ka raw noong nakaraan? Sayang hindi kita naabutan. Sige mauuna na ako kasi may lakad din kasi ako," paalam nito kay papa sabay tingin sa akin kaya tinanguan ko din ito. "Sige pare," paalam din ni papa sabay lakad papasok ng convenience store. Inilibot ko ang aking paningin sa mga panindang nakalagay sa mga kabinet nung namataan ko ang pamilyar na mukha. Nanlaki ang aking mga mata at kaagad akong naghanap ng mapagtataguan. Hinanap ko si papa at mabuti nalang hindi ito kita sa kung saan naroon man si tita Ettice, ang mommy ni Patrick. Dinig ko ang mga hakbang nito papunta sa kung saan man ako. Agad akong naghanap ng kung ano-ano at tumalikod sa banda kung saan man ito dadaan. "Nandito ma." Pamilyar ang boses ngunit hindi ko muna ito nilingon. Papunta ang mga yabag ng paa kung saan man ako nakatayo. Nakakabang humakbang ako ng dahan-dahan ng hindi sila tinitingnan. Mabuti nalang at soot ko ang sumbrero upang hindi nila ako makilala. Napasinghap ako nung may kamay na biglang sumulpot sa aking harapan at kumuha ng isang item. Muntik na akong mapasingha at mabuti nalang napigilan ko ang aking sarili. "Ito ma," sabi nito kaya sumilip ako ng kaunti upang tingnan ito. Nakita ko ajg pagtalikod nilang dalawa kaya napabuga ako ng kanina ko pang pinipigilang hininga. Subalit, biglang lumingon sa aking banda ang anak nito na si Basty kaya hindi ko alam kung iiwas ba ako sa kanya o hindi. Tumingin ito sa akin at lumingon sa bandang harap na rack. Mukhang hindi ako kilala nito pero naalala ko siya kasi magkahawig sila ni Patrick. Nakalaro ko na din ito noon kaya siguro namumukhaan ko siya. "Anong ginagawa mo dito?" Nagulat ako noong tinapik ni papa ang aking balikat. Dahil sa aking pagkagulat ay muntikan ko ng mabato sa kanya ang nakuha kong de lata. Mabuti nalang at napigilan niya ang aking mga kamay bago ko ito maihagis. Napatingin ako sa aking likuran at wala naroon si Basty at ang mama nito. "Bakit may problema ba anak?" Napatingin ako dito at tiningnan nito ang banda kung saan ako tumitingin kanina. "Wala pa." Maikling sagot ko dito. "Anong wala para ka ngang nakakita ng multo diyan," pahayag nito sabay kuha ng de lata sa aking likuran. "Paano kung makita natin dito si tita Ettice pa?" Natigil si papa sa kanyang kinukuha at napatingin sa aking banda. "Hindi ko alam kasi hindi pa naman kami nag-uusap dalawa. Ewan ko, hindi naman siya ang klase ng babae na susugod kaagad, sa pagkakakilala ko. At saka, wala din naman sila dito kasi lumipt na raw ng bahay." "Bakit nandito po sila kanina pa? Si Tita Ettice at si Basty. Nakita ko po sila dito kanina." "Nakita ka ba nila?" May pag-alala sa mga mata nito nung nagtanong ito. Mariin ko itong inilingan. "Kaya ka pala nagtatago kanina." "Opo," sagot ko at tumango. "Nasa counter pa po siguro sila," sagot ko dito sabay hanap nila Tita Ettice. "Huwag kang mag-aalala anak kasi labas ka na dito. Sa amin na ang problemang ito kaya huwag kang matakot, nandito lang ang papa mo," sabi nito upang mapanatag ang aking loob. "Paano po ako mapanatag pa kung sa akin po sila maghihiganti?" "Kaya nga gagawin ko ang lahat ng makakaya ko anak upang maprotektahan kita. Tayo-tayo nalang ang natitira anak para magtulungan kaya sana makinig ka sa mga payo ko." "Opo pa," sagot ko nito and pat my head. "Tara?" Ani nito at mabuti nalang ay siyang pagsarado ng pintuang salamin kung saan lumabas sina Basty kasama si Tita Ettice. Habang pumila si papa ay tumingin naman ako sa kung nasaan sila Basty. Pasakay na si Basty ng sasakyan noong tumingin ito sa aking banda. Titig na titig siya sa akin bago pumasok ng tuluyan sa sasakyan. Pangalawa na itong tumingin sa akin kaya nagsimula akong kabahan baka kasi kilala niya ako. "Bakit po hindi na dito nakatira sina Tita Ettice pa?" Tanong ko kay papa pagkapasok ng sasakyan. Agad niyang binuksan ang nabiling pagkain at ang mga inumin. Hindi pa kami umalis kasi kakasin na daw muna kami ng meryenda. "Hindi ko alam nak. Dinig ko, isang buwan pagkatapos tayong lumipat ay lumipat din sila." "Baka alam na nila nun ang ginawa ni Tito Fred?" "Baka nga rin kaya siguro napagdesisyunan nilang lumipat ng bahay. Hindi natin alam," at nagkibit ito ng balikat. Agad na umandar ang sasakyang inarkela ni papa pagkatapos naming kumain. Nagpatuloy ang takbo ng sasakyan at nakita ko na ang pangalan ng lugar kung saan nakalagay sa ibabaw ng kalsada. 'KABASAKAN' ang nakasulat dito. Isa itong wikang cebuano na nangangahulugang palayan. Nakapagtataka nga kasi wala ka namang makikitang palayan dito. At isa pa, ang lugar na ito ay sakop parin ng syudad. Pero sabi ni mama sa akin noong kapanahunan nila maraming tanim na mais ang makikita dito kaya ito tinawag na 'kabasakan'. Pero dahil narin sa pagbago ng panahon ay nawala na ito at napalitan na ng mga bahay at iba pang establisyemento. Mas madami ang bahay dito kumpara doon kina Claire. Napadaan kami sa bahay namin kung saan kami nakatira noon. Malaki na ang ipinagbago ng bahay namin at may tindahang makikita sa ibaba nito. Ngunit, iyon na nga nagmukha ng squatter ang buong area kahit na malalaki ang mga bahay kasi hindi gaanong malaki ang mga espasyo ng bawat bahay. “Malapit na tayo sa bahay ng Lola Ricarda mo,” ani ni papa kaya napatingin ako sa harapan kung saan may nakasulat na ‘Casa Verde’ sa labas ng gate. Parang nasa ibang lugar na kami at hindi na ito kabilang pa ng syudad sapagkat bumungad sa amin ang mga nagtataasang mga pine trees. Bumukas ito ng nakita ng security guard si papa at kumaway ito sa kanya. Napapalibutan ng mga puno ang kabuoang lugar bago ang bahay ng lola. Tatakbo pa ng ilang metro bago ito marating at ang simoy ng hangin ang babati sa iyo habang paakyat sa itaas kung saan nakatayo ang bahay ni lola. Nakita ko si lola na nag-aantay sa labas ng mansion nito kasama ang mga kasambahay at iilang kapatid ni papa na hindi masyadong malapit sa akin. Bumungad ang nakangiti nitong mga labi nung tumigil ang sasakyan sa harap. At agad nitong inutos sa mga kasambahay upang kunin ang mga gamit namin. “Anak ko,” masayang sabi ni lola sa aking ama at niyakap ito ng mahigpit. “At last, umuwi ka na dito sa bahay. Akala ko pa naman mananatili ka doon at walang ginagawa. Napag-isipan mo na talaga ang inoffer ko sa iyo dahil bibit niyo na ang gamit niyo?” “Oo ma maraming salamat. At saka ito po pala si Phenice,” pakilala niya sa akin dito. Matagal naring panahon noong nagkita kami ng lola ko. Huling tagpo namin ay noong pumunta itong galit sa bahay dahil sa nalaman nitong nagpariwala sa buhay nito. Nakataas lamang ang kilay nitong sinuyod ang aking buhok pababa sa aking mga paa. Napatingin din naman ako kung saan siya tumingin at kaagad kong ipinagtabi ang aking mga paa. Ngumiti lamang ito nung humarap kay papa. “Baka nagutom kayo sa byahe? Hali kayo pumasok na kayo sa loob. Mabuti nalang at dumating kayo kasi kakahanda lang naming niyan,” ani nito sabay gabay sa aking ama. Hindi man lang niya ako binigyan ng pansin kaya napatingin din ako sa aking mga tita at tito. Ngunit, katulad din kay lola ay hindi din nila ako pinansin at sumunod kung saan nauna si papa at naiwan akong mag-isa. Napatingin ako sa likuran at nakitang hindi pa tapos ang mga katulong sa pagbuhat nito kaya minabuti ko nalan na tumulong. Bitbit ko ang ibang bag habang paakyat ako ng hagdanan patungo sa portiko ng bahay ni lola. Sa pagkakatanda ko hindi pa ito ganito kalaki noon pero ngayon marami ang nagbago. Ang desinyo, espasyo, at nadagdagan ng ilang metro ang laki ng bahay. Tumuloy ako kasama ang mga kasambahay kaya hindi pansin ang aking presensya. Nakita ko silang nagtatawanan sa hapag at napangiti na lamang noong matanaw ang ama kung gaano ito kasaya. Napansin siguro nito ang pagkatigil ko kaya napatingin ito sa aking banda. “Anak, anong ginagawa mo diyan? Hali ka dito samahan mo akong kumain,” anyaya nito sa akin. Kaagad namang may lumapit na isang kasamabahay para kunin ang aking bitbit na gamit. Ibinigay ko nalang ito kaysa ipahiya ko ang aking ama. Dahan-dahan akong nagtungo dito habang binigyan niya ako ng upoan katabi niya. Agad akong umupo dito at tumingin kina lola ngunit ganoon paring trato ang aking natanggap. Napainom na lamang ito ng tubig na parang nandidiri ito sa akin. Hindi ganito si lola sa aking pagkakakilala sa akin noon. Tansya kung noong nagpunta ito sa bahay noon kasi nalaman nito ang dahilan kung bakit nagpariwara ito. Magkamukha kami ni mama kaya nandidiring tumingin si lola at ang mga tita ko. Kilalang magkaibigan ang buong pamilya ni lola at ang pamilya ni Patrick. At dahil sa mga nangyari, iba na ang turing nila sa akin. Nagagalit siguro sila kay mama dahil nasira nito ang magandang ugnayan ng bawat pamilya. Dahil wala silang mapagbuntungan ay sa akin nalang nila ibubuntong ang lahat ng kanilang inis. Kumakain ako habang masaya silang nag-uusap. Nakakahiyang gumawa man lang ng tunog kapag naglapat ang pinggan at kubyertos kasi tumitigil sila sa pag-uusap. Maingat kong nginunguya ang pagkain habang nakikinig lamang sa kanilang usapan. Kung alam ko lang na magiging ganito ang buhay ko ay pipiliin ko nalang na magpaiwan doon kasama sila Claire kaysa makisama dito na hindi naman ako tinatrato ng maayos. Ngunit, huli na para pagsisihan ko ang aking naging desisyon, ako ang pumili nito hindi si papa. At saka mabuti narin na nandito ako kaysa araw-araw kong nakikita si Patrick na niloko ako. Siguro akong paglipas ng ilang araw na pananatili dito ay masasanay rin ako. “Ako na po ag magliligpit nitong mga pinggan,” ani ko sa isang kasambahay na nagliligpit ng mga pinggan. “Naku maam! Huwag na, mapapagalitan lang kami ng lola mo kapag hahayaan ka lang naming,” ani nitong ikinagulat ko. “Tutulong nalang po ako. Wala naman sigurong masama kung tutulongan ko kayo, hindi ba?” Pilit kong sabi. “Kayo po ang bahala,” sagot nito kaya kaagad ko siyang tinulungang ligpitin ang mga pinagkainan nila. “Ihahatid na po kita sa silid niyo po maam,” ani sa akin ng isang katulong pagkatapos naming magligpit. “Sige maraming salamat. Pasensya na po kayo,” sabay baling ko sa katulong na aking tinulungan. “Hindi ko na kayo matutulugan sa paghugas ng mga pinggan.” “Okay lang maam. Maraming salamat sa tulong,” sagot nito sabay talikod sa akin. “ito po ang daan maam,” ani nito at kaagd koi tong sinunod. Umakyat kami sa mahaba nitong hagdanan na may magandang desinyo sa mga relis nito. May nakabitin din na malaking chandelier dito na nagbibigay ilaw sa buong paligid nito. May mga nalalakihang larawan na nakabitin sa dingding nito at nakita ko ang larawan ni papa. Bata pa siya at napakagwapo na niya. Napatingin din ako kay lola na kasama ang lolo kong namayapa. Mga dalaga at binata pa sila dito at kita kong hati ang namana ni papa sa mukha ng lolo at lola ko. “Ito po ang kwarto maam,” sabay turo sa isang silid at kanya itong binuksan. Malaki ang silid at kulay caramel ang pinta at mga gamit sa loob ng silid. May maliit na chandelier sa gitna at isang queen size bed na higaan. Ngayon ko lang natikman na manirahan sa tulad nitong kalaking bahay. Agad akong napahiga sa kama noong umalis ang kasambahay. Malaki ang kwartong ito kaya alam kong dito matutulog si papa kaya aantayin ko siya dito. Habang nag-aantay ay napahikab ako ng wala sa oras. Unti-unting napapikit ang aking mga mata kaya nagiging komportable ang aking katawan. Bumibigat ang aking talukap kaya hindi ko na sinagot pa ang telepono kong tumutunog kaya nakaulog ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD