CHAPTER 4

410 Words
Maagang nakauwi si bea dahil wala naman ng customer sa bar na pinapasukan niya at pinauwi narin siya ng boss niya. Pasado alas onse palang ng gabi, may tatlong oras pa siya para magpahinga bago pumasok sa next work niya. Pagpasok niya sa loob ng apartment niya may narinig siyang mga kaluskos kaya dali dali niyang dinampot ang walis at dahan dahang pumunta kung saan yung pinanggagalingan ng ingay. Kita niya ang bulto ng lalaki na animoy nakatuwad na parang may hinahanap sa cabinet niya, hahampasin niya na sana ito na bigla itong sumigaw at pinigilan ang walis na tatama sana dito. "Bea! ako to di ako magnanakaw" hingal na pagpapakilala ng lalaking naka topless na may hawak hawak na coke incan. "Pano kana naman nakapasok sa apartment ko na wala ako?" pananaray na tanong niya dito. Matalik na kaibigan ni bea si justine, simula high school ito na ang naging kasama at karamay niya sa lahat ng problemang pinag daanan niya kaya malaki ang pasasalamat niya dito sa ulupong nato. "Nagpa duplicate ako ng susi" nakangising sagot nito. "Para saan?! eh may apartment ka naman!" gigil na sagot niya. Lagi kase nitong inuubos ang pagkain na stocks niya tuwing uwi niya minsan wala na siyang makain dahil nakain na nitong ulupong niyang kaibigan. "Para pag nagutom ako bubuksan ko lang apartment mo andami mong stocks eh" ngiting sagot nito sabay subo ng chips na kinuha niya sa cabinet ni bea. "At talagang binigyan mo pako ng palamu.." hindi niya pa napatapos ang sinasabi niya ng magsalita si justine. "Gwapong palamunin" pagtatama nito sabay kindat sakanya. "Saan banda? Diko makita" irap niyang sagot sabay tumalikod at pumunta sa sofa. "Hoy! Bea Lei Torres For your information pogi ako marami ngang nagkakandarapa na babae sakin"may pagmamalaki sa boses na sagot nito na akala mo'y bata na proud sa sarili niya dahil nakakuha ng star sa school nila. "Ah baka malabo lang mga mata nun, pero kung naka eo siguro mga yon di yon magkakandarapa sayo" aniya at tumawa ng malakas. "Tse! Bahala ka dyan ang pangit mo rin!"Inis nitong sagot at nagpapadjak na lumabas ng pinto, hindi niya pa naisara ng bigla siyang bumalik at nagsalita ulit. "Nakalimutan ko yung chips ko, Tse!" sambit nito at tuluyan ng isinara ang pinto. Natawa nalang si Bea sa inasal ni justine sakanya. Lagi kasi silang nagtatalo at pag dating sa asaran siya lagi ang nananalo rito dahil mabilis lang ito maasar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD