Biglang nagulat si drake nang may nagsalita sa harap niya agad siyang napatingin dito at nagtama ang mga mata nila. Malapit lang ang pagitan nila kaya kitang kita niya ang maganda at maamo nitong mukha. Napatingin si drake sa labi ng babae natural na mapupula ito at hugis puso, pointed nose at may mapupungay na mata.
"She's beautiful" bulong niya sa sarili niya na nakatitig parin sa babae.
"Hmm sir?may dumi po ba sa mukha ko?" naiilang na tanong ni bea.
Kanina pa kase ito nakatitig sakanya di niya alam kung may dumi sa mukha niya o nagagandahan lang ito sakanya.
"Assuming ka bea!" bulong niya sa sarili niya.
"Ahh w-wala naman" nauutal ba sagot ni drake.
F*ck!! bat ako nauutal mahinang mura niya.
"Ahh okay po, iaabot ko lang sana tong panyo mo nahulog kasi" ngiting sabi ni bea sabay abot ng panyo sa boss niyang ubod ng kagwapuhan.
"Thankyou Bea" aniya nito sabay ngiti na ikinalabas ng dalawang dimples niya.
"Ang gwapo niya omg!! ngumiti ka nalang araw araw sir huhu" bulong niya sa sarili niya na nakatitig parin kay drake.
"Ano sabi mo?gwapo ako? well dika nagkakamali haha"ngiting sambit nito na ikinagulat niya.
"N-narinig mo ako sir?" nauutal na tanong niya kay drake.
"Ofcourse ang lakas mo kaya bumulong HAHA"sagot nito na natatawa pa.
"Hayst nakakainis ka naman bea! Bat kasi ang lakas mo bumulong ha?!Nakakahiya tuloy haist" gigil na sabi niya sa isip niya.
"Ahh eh sorry po sir hehe, sigee po balik na ako sa trabaho ko"pag papaalam niya dito.
"Mag out kana, Wala narin namang masyadong customer. Ipagpahinga mo nalang yung oras mo para may lakas ka mamaya sa next work mo"pagsalita nito.
"Ha? paano niyo po nalaman yung next work ko?" nagtatakang tanong niya.
"Sinabi sakin ni ken"mabilis na sagot nito.
"May pagkachismoso pala yon HAHA" mahinang tugon niya.
"So, saang coffee shop ka nagtatrabaho?"pag iiba nito.
"Sa Star's coffee shop po, yung malapit sa Buenavista College University"sagot niya dito.
"Okay, Sige na pwede kana mag ayos at umuwi 11 palang naman makakapagpahinga kapa" sambit nito.
Natuwa siya sa sinabi ni drake dahil kailangan na kailangan niya talaga ng pahinga. "Ang gwapo na niya ang bait pa kakainlove wahhh!" kinikilig na bulong niya sa sarili niya.
"You're free to fall in love with me" ngiting sambit nito.
"Ha?" napanganga nalang siya sa sinabi ni drake sakanya.
"I told you bea ang lakas mong bumulong haha" sambit nito na natatawa pa.
Kakahiya narinig niya nanaman hays dina talaga ako magbubulong promise na anlakas ng pandinig ng lalaking to.
"Sige na umuwi kana baka mas lalo kapang mainlove sakin" ngiting sambit nito sabay tumalikod at naglakad palayo.
Naiwang nakanganga si bea dahil sa mga sinabi ni drake sakanya nakatingin lang siya sa bulto nito na unti unting nawawala.