Kakarating lang ni drake sa mansion nila dahil pinatawag siya ng daddy niya, ayaw niya pa sanang umuwi kanina dahil naeenjoy niya pa ang pakikipag kwentuhan niya kay bea.Nagiging masaya siya pag nakikita niya ito. Ilang taon na nga ba siyang hindi nakaramdam ng saya?
Napabuntong hininga nalamang siya ng maalala nanaman ang mga masasakit na nakaraan niya.
"Señorito kanina pa po kayo inaantay ng daddy niyo"ani ng katulong na sumulpot sa harap niya.
Tumango nalamang siya at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa office ng daddy niya as usual mag dedebate nanaman sila, lagi naman kasi silang nagtatalo nito.
Nang makapasok siya sa loob nakita niyang abala ang daddy niya sa pagbabasa ng magazine pero agad din itong napatingin sa direksyon niya.
"Ano ba balak mo drake? Dyan kanalang ba talaga mag fofocus sa walang kwentang bar mo?!"galit na sambit nito.
"It's my own business dad, sikat ang bar ko hindi yon walang kwenta"mahinahong sagot niya gusto niya pang magtimpi dahil kahit nag aaway sila lagi may respeto parin siya dito.
"Marami tayong business na mas dapat mong unahin kaysa sa bar na pinagmamalaki mo"may galit parin sa boses na sambit nito. Bakit ba hindi mo nalang gayahin ang kuya mo?!ha drake?! Buti pa yung kuya mo-----
Hindi niya na pinatapos ang sinasabi ng daddy niya at nagsalita siya. Ganyan naman lagi dad e buti pa si kuya ganto buti pa si kuya ganyan lahat naman kasi ng gagawin ko mali sa paningin niyo... Lagi mo kaming kinukumpara ni kuya inis narin na sagot niya.
Hindi ko kayo kailangang Ikumpara dahil kahit saang anggulo tingnan walang wala ka sakanya. may diin pa sa boses na sambit nito.
Pwes hindi ko rin kailangan magpakitang gilas dahil never kong hiniling na purihin moko. malumanay na sambit niya at tuluyang lumabas sa office ng daddy niya.
Hays! Malakas na buntong hininga niya bago dumapa sa kama niya. "Lahat nalang ng gagawin ko mali sa paningin nila tss" mahinang sambit niya habang nakatitig pa sa kisame ng kwarto niya.
Masyadong mayaman ang pamilya nila drake kilang kilala ito dahil nakasama ito sa listahan ng mayayaman na tao sa asia pero Gayunpaman hindi sila magkasundo ng mga magulang niya dahil hindi niya ito nakasama habang lumalaki siya, masyadong busy ang mya ito sa business nila at hindi rin matagal na namamalagi dito sa pilipinas. Samantalang ang kuya niya naman ay nasa US para din sa mga business nila. Maayos naman ang relasyon niya sa kuya niya dahil close naman sila nito kahit na lagi siyang kinukumpara dito ay never naman siyang nagalit.
"Ang ganda niya" mahinang bulong ni Drake sa sarili niya habang ngumingiti ngiti pa. Marami naman akong nakikitang magagandang babae bea pero kakaiba yung dati mo sakin hays. Dagdag niya pa.
Patuloy siya sa pag iisip ng kung ano ano hanggang sa nilamon siya ng antok at nakatulog.....