Nang makarating siya sa counter inaasar agad siya ni kaizer, pano ba naman halatang halata ang pamumula ng pisnge niya kahit wala naman siyang blush on.
"Tigilan mo nga ako kaizer!" inis niyang sabi dito. Pero hindi parin nagpapigil ito at mas lalo pa siyang inaasar.
"Yieee baka siya na forever mo nyan, Swerte mo naman ang pogi ng mapapangasawa mo" pang aasar nito sakanya.
"Sabing boss ko lang siya e!" naiiritang sagot niya. Tinawanan lang siya nito. "Indenial pa yan, kung makatingin ka kanina parang tutunawin mona" patuloy parin sa pang aasar nito.
Tinarayan niya lang ito at hinayaan nalang niya sa pang aasar, hindi na siya umimik pa at inantay nalang na maging okay yung kape para maiserve na kay drake. Tutal wala namang balak tumigil sa pang aasar tong unggoy na katabi niya.
Ilang segundo ang nakalipas naging okay narin ang kape.Pumunta na siya sa table ni drake para ibigay ito.
"Here's your coffee drake" ngiting sambit niya kailangan niyang maging kalmado baka bumalik nanaman ang pamumula ng pisnge niya.
"Sit down"sambit ni drake habang ngiting nakatitig sakanya.
"H-ha?" nauutal niyang sagot habang ramdam niya nanaman ang pamumula ng pisnge niya.
"Sabi ko umupo ka samahan moko mag kape para sayo yang isa"ngiting sambit nito at hinila siya paupo.
Wala na siyang nagawa kundi ang umupo nalang din, magkaharap na sila ngayong dalawa.
"You're so cute bea" ngiting sambit nito. Ang pula ng pisnge mo haha.
Mas lalo siyang namula dahil sa sinabi ni drake sakanya, hindi niya alam kung kailan titigil tong pamumula ng pisnge niya.
"Hmm thankyouu" nahihiyang sagot niya. Hindi niya alam kung bat yon ang nasabi niya siguro dahil hindi narin siya makafocus lalo na ang pogi ng kaharap niya. Ngumiti lang pabalik si drake sakanya at uminom na ng kape. Uminom narin siya nito ilang minuto siyang nag focus sa pag inom ng kape dahil ansarap nito. Hindi rin umimik si drake ng ilang minuto kaya binalot ng katahimikan ang paligid nila. Mas okay narin to sakanya para makapag focus siya.
"Hmm by the way anong oras out mo dito?"pagbasag ni drake sa katahimikan kaya napatingin siya dito.
"7 am pa, 4 hours lang yung time ng work namin dito kase may pasok pa kami ng 11 am sa school. Dinedepende din kasi nila sa schedule ng pasok namin at pag may mahahalagang activities sa school inaadjust nila yung mga schedule. Kaya nga nag apply ako dito e kasi ang ganda ng patakaran nila nakakatulong sa mga working student na kagaya ko"ngiting kwento niya kay drake.
Nakangiting nakatitig lang si drake ka bea. "Fvck this girl she's like an angel, ang ganda niya" bulong nito sa sarili niya. Marami na siyang nakitang magagandang babae pero binabalot ng make up ang mukha ng mga ito samantalang tong kaharap niya natural na natural lang ang ganda, walang kahit na anong kolorete sa mukha. This is the girl that he likes yung mga simple lang.
"Saang school ka nga ulit nag aaral?At anong year kana sa college?"Pagtatanong niya.
"Sa Buenavista College University nakapasa kasi ako sa scholarship nila kaya grinab ko na yung opportunity para makapag aral dun, isa pa maganda at sikat ang university na yon kaya panigurado maraming kukuha sayo pag naka graduate kana dun.
I'm 3rd year college narin, Bachelor in Business Administration kinuha kong course, since 4 years course lang naman yon, 1 year nalang graduate nako kaya pinag sisikapan kona to kasi konting kembot nalang tapos na ako"masayang kwento nito.
"This girl is amazing, I like her"bulong niya sa sarili niya.
Natuwa nalang si drake sa pakikinig niya sa kwento ni bea, Ang positive nito sa buhay kahit na mahirap naeenjoy parin nito. Hindi katulad niya dati na muntik pang nadepress dahil muntik na sana siyang nabagsak sa last semester nila, ayaw niya mapahiya sa parents niya kaya ginawa niya ang lahat para may mapatunayan siya.
"Ano drake ngingiti ka nalang talaga dyan?"pananaray na tanong ni bea. Kanina pa kase ito pangiti ngiti habang nakikinig sakanya, ni hindi ito umiimik.
"Ang cute mo kasi magkwento"ngiting sagot nito sabay pisil sa pisnge niya.
Hindi niya mapigilang mamula dahil sa sinabi ni drake sakanya. Itong lalaking to lagi nalang pinapapula pisnge ko hmp! bulong niya sa sarili niya.
"Hindi kapaba uuwi?" pag iiba ni bea sa usapan.
"Actually ayuko pa sanang umuwi kaso may aasikasuhin pa ako kaya mauuna na siguro ako"sagot nito.
"Sige ingat ka, salamat sa libreng coffee"nakangiting pasasalamat niya.
"Ops utang yan, you need to pay it back later"nakangising sagot nito.
Napabuntong hininga nalamang si bea, ang mahal pa naman ng kape nayon marami na siyang mabibiling snacks sa ganung halaga.
"Okay, babayaran nalang kita sa sahod ko" sagot niya rito.
"Ayuko ng pera, marami ako non"nakangising sambit nito.
"Eh ano pala gusto mo?"nagtatakang tanong niya.
"Secret"ngiting sagot nito sabay kindat sakanya.
Naiwan siyang mag isa sa table nila, hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ni drake na dapat niyang ibayad sa kapeng ininom niya.
"Hindi kaya pakikipag talik gusto niya?omgg! kahit pogi siya hindi ko naman basta basta ibibigay tong hiyas ko no"sinapo niya ang noo niya dahil sa mga kalaswahang naiisip niya.
Napabuntong hininga nalamang siya at bumalik na sa trabaho niya dahil dumadami narin ang mga customer dito.