“Ayaw ko,” mabilis na agap ko nang bigla akong sunduin ni Gillean sa aking condo. Isang oras magmula nang kami ay makauwi parehas sa aming condo pero hindi ako nag-ayos ng sarili ko. Nakasuot lamang ako ng pajama at simpleng shirt lamang dahil nga nandito lamang naman ako condo ko. Wala namang dahilan para magpunta ako sa kung saan at magsuot nang magarbong damit. Ngunit ngayong ginugulo ako ni Gillean, mas lalo lamang akong nainis dahil parang gusto talaga niyang magpunta kami sa bahay nila. Ipapakilala raw kasi ako! Pero bakit niya ako ipapakila? Para saan? Hindi naman kami magkaibigan o magkasintahan para makilala nila ako. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa ito ni Gillean sa akin. Pinanlakihan ko siya ng aking mga mata nang tangkain niya akong lapitan. Umatras kaagad

