Pinalobo ko ang aking pisngi habang binabasa ang lesson namin. Kaso wala akong maintindihan. Nadi-distract ako sa kamay ni Gillean na nasa hita ko. Kanina pa ito sa hita ko tapos parang walang pakialam sa tuwing pilit ko iyong tinatanggal sa aking hita. Medyo mahirap mang tanggalin lalo na at wala naman siyang balak tanggalin ang kamay niya roon. “Tanggalin mo nga kamay mo!” napipikon na utos ko sa kaniya. “Puwede namang ilagay ko sa ibabaw ng desk mo. Hindi iyong ganito!” Narinig ko siyang umismid nang sabihin ko iyon pero hindi man lang gumalaw ang kaniyang kamay sa aking hita. Bumuga na lamang ako ng hangin at hindi pinansin pa ang kamay niyang busy sa aking hita. Wala na rin namang bumu-bully sa akin. Sa katunayan nga ay mas naging tahimik ang buhay ko sa iba, maliban sa katabi k

