“Paanong nandito ka na at wala roon?” tanong ko kay Gillean at itinuro pa sa counter. “Hindi mo ako napansin kasi invested ka masyado sa pagbabasa,” sagot niya sa akin bago ilapit sa aking bibig ang tinidor na may kaunting chocolate cake. Nalilito man ako sa kaniyang ginawa dahil hindi ko talaga namalayan ang mga nangyayari, pinili ko pa ring kainin ang chocolate cake na isinusubo niya sa akin. Bigla naman akong napalingon sa aking harapan nang biglang may umubo at napansin kong si Kiara na pala iyon na bahagyang ngumunguya rin. Namula naman ang aking pisngi nang unti-unti kong maintindihan ang lahat. Kanina pa yata kami pinapanood ni Kiara dahil nakita kong sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Kaya naman mabilis kong itinago ang librong hawak ko sa aking bag at piniling pagtuunan na l

