Chapter 12

1247 Words

“May gig ako,” pahayag ni Gillean nang siya ay pumasok sa kaniyang sasakyan. Mabilis naman niyang isinara ang pinto ng driver seat at kaagad na binuhay ang sasakyan. Inayos ko naman ang suot kong seatbelt at napahinga nang malalim. Uuwi na naman pero sa condo na niya uuwi. Medyo nakakapikon lang dahil wala akong karapatang umayaw sa kaniyang kagustuhan. Wala akong magawa dahil pinaggigiitan niyang asawa niya ako kahit wala naman. Akala ba niya nakalimutan ko na ang kaniyang ginawa kanina? Ipagsabi ba naman sa buong classroom na asawa niya ako? Minsan talaga, ang sarap niyang pektusan. Hindi ko lang magawa dahil paniguradong idadaan na naman niya ako sa titig niya. “You’ll come with me later,” bulong niya. Kinagat ko na lamang ang aking ibabang labi at napairap na lang nang tuluyan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD