''Anong kailangan mo?'' tanong ko sa kaniya. Tumayo siya at inayos niya kaniyang uniform at may ibinigay siya sa sa akin na envelope na may kaunting design. ''Invitation 'yan sa birthday po ni Alex, he's turning seven this coming saturday but they moved it to sunday. That's it, thank you po.'' Pagkatapos niyon ay umalis na siya. Ako naman ay napaupo muna, tiningnan ko ang hawak kong envelope. Yung theme ay spiderman. Inisip ko pa kung may gagawin ba ako this weekend, mukhang wala naman. Inilagay ko sa bag ko ang invitation ay lumabas na ako sa classroom. Habang naglalakad ako ay may natanggap akong text mula kay Evans. Ang sabi niya ay sabay na raw kaming umuwi. Palabas na ako sa school nang may tumawag sa akin. "Ma'am Pinky, wait." Si Evans pala, ang bilis niya. Sabay na kaming lum

