Nasa mall kami ngayon ni Rika. Kanina pa kami paikot-ikot rito pero wala talaga akong maisip na iregalo sa kaniya. "Wrist watch kaya?" suggestion ni Rika. "Pass, 'di ko afford 'yan 'no." "E, ano? Stuffed toy?" "Wait lang, nagugutom na ako. Kain muna tayo," sabi ko at tumango naman siya. Nasa isang fastfood chain kami at habang kumakain ay nag-iisip na ako pero wala talaga akong maisip. Ang hirap naman nito. Biglang tumunog ang phone ni Rika. Napatingin ako roon pagkatapos ay uminom ako. "Si Ismael," sabi ni Rika sa akin at sinagot ang tawag. "Rika, tanungin mo siya kung ano—" hindi pa man ako tapos sa sinasabi ko nang binigay na niya sa akin ang phone niya. Kinuha ko ito at itinapat sa tenga ko. "Hello, si Pinky 'to." "Hello, Bubba! Kumusta ka na?" "Maayos naman, may itatanong

