"A... ano?" gusto kong itanong ulit. Gusto kong makasigurado. Gusto kong sabihin niya na mali ang pagkakadinig ko kahit alam ko namang hindi ako nabingi. "That man is Zander Uzumaki. And he... is my father." Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa utak ko ang sinabi niya. Wala na akong ibang naririnig kun’di 'yon. Mabilis ang t***k ng puso ko na parang maaalis ito sa katawan ko ano mang oras. Gusto kong tumawa para sabihin at ipaniwala sa sarili ko na joke lang ang sinabi niya. Kahit hindi nakakatuwa, tatawa ako, bawiin niya lang 'yon. "Hindi 'yan totoo. Nagsisinungaling ka lang," wala sa sarili kong sabi at umiling-iling. Zander Uzumaki. Hindi... hindi. Imposible. Ayaw kong maniwala. Pero bakit kapag pumapasok sa utak ko ang mukha ng lalaking pumatay sa Nanay ko ay nakikita ko ang

