Dahan-dahang nalaglag ang kamay ko na kanina’y nakahawak sa pisngi niya. Pero mabilis namang lumabas ang mga luha ko na parang hindi na maubos. Parang pinukpok ang puso ko dahil sa sinabi niya. Para na rin niyang sinabi na wala siyang pakialam kung patayin ako ng Daddy niya. Wala na siyang pakialam sa akin. Wala na. Wala talaga. Hindi ko alam kung bakit niya pa ako niligawan noon? Kung bakit niya pa ako tinitignan na para bang napaka-importante ko sa kanya. 'Yung paraan ng pagtingin niya sa akin noon, halos lumabas na ang puso ko sa saya. Pero ngayon, parang hindi na niya ako kilala. Para siyang ibang tao at ngayon ko lang siya nakitang ganito. At masakit. Sobrang sakit. Siya ang first boyfriend ko. First kiss, first love, first date at first heartache. Ganito pala talaga kasakit 'yon.

