Honeymoon (SPG) Dona's POV NASA LOOB AKO NG BANYO, napakagat ako sa'king labi. Ni-hindi ko alam kung paano lalabas dapat bang nakasuot ako bathrobe, nakatapis ba dapat ng tuwalya o dapat bang nakahubad na? Ugh! Ang hirap naman nang ganito, mag-aanuhan lang, eh. Bakit ba ko sobrang nacoconcious? Nahihiya naman akong lumabas na suot ang telang 'to. Halos bumuyangyang na ang mga dapat kong itago. "Magugustuhan kaya ni Kurdapyo ang itsura ko?" kausap ko sa'king sarili at napabuntong hininga ako. Pinasadahan ko ang mahaba kong buhok. First time ko lang nag-effort nang ganito kaya naman sana 'di maging waley. Kung pagkukumparahin ang katawan ko sa mga sikat na babae ay talagang pang-last row ako. Meron naman akong ipagmamalaki pero 'di ko naman pinagyayabang. "Nangangati naman ang pwet ko

