Crazy Reception ( Wedding Part 2) Dona's POV NAPAMAANG NAMAN AKO, akala ko naman kakain lang sa reception. Ni-hindi ko sukat akalain na parang diskuhan 'to. May disco ball pa at may mga iba't-ibang ilaw. "Ano 'to?" tanong ko sa asawa ko at napakamot naman ito sa batok. "I don't know. Si Mommy ang nagsabi na siya na ang bahala.." Napabuntong hininga naman ako, maraming mga bisita lalo na ang mga thunders ay tuwang-tuwa dahil babanat daw ng pangmalakasan nilang dance moves. Don't tell me, sasayaw din kami? Oh, no! "Ladies and Gentleman, let's give a round of applause to our newly weds Mr. and Mrs. Tangerine Rocero." Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga bisita na talagang nagpapula ng aking pisngi. 'Di ako sanay nang ganito at sweet mode pa mas sanay ako sa mga exhibition ko. Iginaya a

