CHAPTER 18 “Erron! Saluhin mo! Dali!” sigaw ni Fate. Nakita ko ang itinapon niyang espada ko. Pumaimbulog iyon sa ere palapit sa akin. Muling nabuo ang pag-asa. Muling nabuhay ang loob kong lumaban. Malakas kong binigkas ang nakaukit sa espada ko, “Ala ka sam zam Si ma lah bim… Ala ka sam zam Si ma lah bim… Ala ka sam zam Si ma lah bim!” Nagulat si Ashoka. Hindi niya iyon napaghandaan. Hindi niya nagawan ng paraan. Sa mismong paa ko nahulog ang lumiwanag at humaba ko nang espada. Nakadikit sa aking paa kaya nagkabisa ang aking binigkas. Bumalik ito sa aking mga kamay. Nakaramdam ako ng kakaibang lakas at may kakaibang enerhiya muling sumanib sa akin. Sa isang iglap, nakalagan ako. nakayang labanan ng aking espada ang itim na salamangkang ginamit sa akin ni Ashoka. Tumayo ako. Ti

