CHAPTER 19 Nang idilat ko ang mga mata ko, nasa Grandstrike na kami ni Mama. Agad kong hinawakan ang mukha nang nakapikit kong ina. “Ma!” bahagya kong tinapik ang kanyang pisngi. “Ma, Andito na tayo! Naiuwi na kita, Ma! Nailigtas na kita mula kay Ashoka, Ma!” Ngunit hindi na gumagalaw pa si Mama. Pakiramdam ko hindi na rin siya humihinga. “’Ma! Gumising ka Ma! Nandito na tayo!” ngunit wala pa rin. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Kung kahinaan ang paghingi ng tulong ay okey lang basta mas mahalaga para sa akin na mabuhay si Mama. Hindi pwedeng mamatay si Mama. Hindi ngayon at hindi sa mga susunod na taon. Hindi pa kami nakakapag-bonding. Hindi pa kami nagkakasama ng matagal. “Tulong! Tulungan ninyo kami! Kailangan ni Mama nang tulong!” paulit-ulit kong sigaw hanggang sa nagsilapi

