┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ -Continuation... "Maupo kayo dito ni Junell. Alam ko na kaya ka nandito ay marami kang gustong malaman. Maupo ka lang diyan anak at mag-uusap-usap tayo tungkol sa aming nakaraan. At isa pa. Duon ka muna sa bahay ni Calix. Mas ligtas kayo ng anak mo duon kaysa mag-isa ka lang. Huwag ng matigas ang ulo, matuto kang makinig." Wika ng ama niya. sasagot pa sana siya, pero muling nagsalita ang kaniyang ama. "Walang magre-reklamo. Kapag sinabi ko na duon ka muna kay Calix... ibig sabihin ay duon ka muna." Ang laki ng pagkakangisi ni Calix. Nagtataas-baba pa ulit ang dalawa niyang kilay habang nakatitig kay Amy na parang sinasabi nito na wala na itong kawala pa sa kanya. "At ikaw naman Calix. Tandaan mo ang sinabi ko sa'yo. Isang pagkakamali pa, tatagpasin ko ang leeg mo at i

