◄Calix's POV► Kararating lang namin sa condo ni Amy, at honestly, the moment na bumukas pa lang ‘yung pinto, ramdam ko na agad ‘yung gigil niya sa akin na parang gusto niya akong balatan ng buhay. Masama talaga ang loob niya dahil ang ama pa rin niya ang nasunod na duon muna sila sa akin ng aming anak. Sa bahay ko ay mapoproteksyonan ko sila ni Calixto. Mabuti na lang talaga at sinunod ko ang payo ng kapatid ko na bumili ako ng bahay, para kapag nabawi ko na ang mag-ina ko ay duon kami titira kaysa sa condo. Minsan ang suggestion ng kapatid ko na 'yon ay swak na swak, pero madalas ay palpak. Natawa na lang tuloy ako sa sarili ko. Pagpasok ng mahal ko sa kanyang silid, nakatayo lang ako sa may pinto at hindi ko siya nilalapitan dahil parang bumabagyo na agad sa loob ng kanyang room. Pero

