Chapter 8
DARINE
Nakaramdam ako ng init sa loob ng trunk. Nahihirapan din akong huminga hindi ko na alam kung saan na ako ngayon. Nangangalay na ang buong katawan ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa backpack ko.
"What?" gulat ko ng makita ko ang oras na 10: pm in the evening na pala.
Ibig sabihin nito ay ilang oras din akong nakatulog at hindi ko na namamalayan ang sarili ko. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ang mga plastic bag na may mga tinapay hindi ba binuksan ng may ari ng sasakyan ang likod ng sasakyan niya.
"Atching," nangati ang ilong ko.
Hanggang sinubukan kung buksan ang likod ng sasakyan nahihirapan akong buksan ito. Hanggang sumigaw ako at pinukpok ko ito. Hanggang sa nakarinig may naririnig akong nag-uusap.
"Tulong tulong!" malakas na sigaw ko. Kahit nahihirapan na akong huminga ay mas nilakasan ko ang sigaw ko para marinig nila na may tao sa loob ng trunk.
Ilang sandali ay nakahinga ako ng maluwag ng bahagyang bumukas ang likod ng sasakyan. My lips parted at namilog ang dalawang mata ko sa nakikita ko siya. Siya ang nakikita ko. Ang lakas ng t***k ng kabog ng dibdib ko ng makita ko siyang nagulat nagtatanong ang mga mata na nakatingin sa akin.
"Anong ginagawa mo rito?'' gulat na tanong niya sa akin at muli niyang sinarado ang likod ng sasakyan.
Sumigaw ako ulit na buksan ang trunk dahil nauubusan na ako ng oxygen. Hanggang sa muli niyang binuksan ito.
"Lady, what are you doing here?" he asked me again.
"Help nahihirapan akong huminga." Sabi ko hanggang sa nawalan ako ng malay.
Hanggang sa nararamdaman ko na binuhat ako ng malaki niyang bisig. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin sa mga oras na'to. Kahit wala akong namamalayan ay feeling ko para akong dinuduyan ng malaki niyang bisig ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Ayokong magising sa mga oras nato.
Feeling ko ay nasa ibabaw ako ng ulap. Ngayon ko lang nararamdaman ito na nasa nakalalag ako sa malambot na kama.
Hanggang sa nararamdaman ko na parang may malamig na bagay sa buong katawan ko. Siguro ay nanaginip ako. Nakikita ko kasi ang mukha ng lalaki na hindi nawala sa aking isipan. He smiled at me. Hinahaplos niya ang mukha ko at hinahalikan niya ang labi ko.
Ang lambot ng labi niya na dumidikit sa labi ko. Hindi ko alam paano gumanti sa mapusok niyang halik sa akin. Pero ang halikan namin ay bigla lang naputol nawala lang siya bilga sa tabi ko. I'll try to call his name pero hindi niya ako sinagot hanggang sa hindi ko na siya nakita.
Nang magising ako ay nagulat ako. Nasa malaking silid ako nakahiga ako sa waterbed. Almost one year ngayon ko lang nararamdaman na nakahiga sa isang malambot na kama. Inunat ko ang dalawang kamay ko pataas. Habang inuunat ko pataas ang kamay ko ay feeling ko ayaw kung bumangon sa waterbed na'to. Namiss ko yung higaan ko sa amin.
Nang makarinig ako ng tumikhim ay napabangon ako bigla sa gulat.
"Ikaw nga? Anong ginagawa ko rito?" tanong ko.
"Ako dapat ang nagtatanong sayo kung ano ang ginagawa mo sa likod ng sasakyan ko?" ang sungit ng boses niya sa akin.
Napatakip ako ng bibig ngayon lang bumalik ang ulirat ko. Ngayon ko lang naalala ang lahat nangyari sa akin.
"Hinalikan mo ba ako kagabi?" bigla ko na tanong sa kanya.
"What? Bakit naman kita hahalikan!?" matigas na niyang sabi sa akin.Nahiya tuloy ako sa tanong ko sa kanya.
"I'm sorry," mahinang sambit ko.
"Okay, kung nagugutom ka bumaba ka lang sa kusina nakahanda na ang almusal. Sabihin mo sa akin kung ano ang ginagawa mo sa loob ng trunk ng sasakyan ko. Hindi mo ba naisip na delikado ang ginawa mo, papatayin mo na ang sarili at gagawin mo pa akong krimen kung sakali na may may masamang nangyari sayo!" ma-awtoridad na sabi niya sa akin.
"Sorry na, huwag ka ng magalit. Pero parang familiar ang mukha mo sa akin. Nagkita na ba tayong dalawa?" tanong ko drama ko lang.
Feeling parang pinagtagpo kami ng sarili naming tadhana. Hinihintay ko siyang sumagot sa tanong ko seryoso siyang nakatingin sa akin.
"May dumi ba sa mukha ko. May laway ba sa bibig ko?" tanong ko ulit.
"Fix yourself," tipid niyang sagot sa akin at tinalikuran ako.
Suplado naman. Noong nakita ko siya sa De Leon motel ay bait niya at palangiti pero ngayon parang galit naman sa mundo. Hindi ako bumangon parang naaakit ako waterbed niya. I close my eyes at narerelax ang katawan ko. Parang okay naman sa kanya na ginamit ko ang sarili niyang silid. Kung hindi ayos sa kanya ay hindi niya ipapagamit ang sarili niyang kama.
"Oh sh*t!" mura ko ng napagtanto ko na hindi ko damit ang suot ko. Mabilis akong bumangon at tiningnan ko ang sarili ko sa harapan ng malaking salamin.
Malaking long sleeve na kulay asul ngayon ang suot ko. Anong nangyari sa akin kagabi ang naalala ko at bigla lang akong nawalan ng malay at may nagbuhat sa akin kagabi.
I shook my head ng pumasok sa isip ko na siya nagbihis sa akin. OMG may ginawa kaya siya sa akin? May ginawa siya sa akin nakakaramdam ako ng sakit sa aking pagkababaë pero wala man lang akong nararamdaman na kakaiba.
Nasaan kaya ang damit ko? Hinanap ko kung saan niya nilagay ang suot ko kahapon. Hinanap ko rin ang backpack ko ng makita ko na nasa gilid ng desk ay mabilis kung kinuha at binuksan ko. Kumuha ako ng bagong susuotin at pumasok ako sa banyo.
Anong klaseng banyo ito. Ang ganda ng jacuzzi ang hirap ipaliwanag ang loob pang billionaire na banyo ito. Malaki pa sa banyo ko sa mansyon namin.
Hindi ako nagtagal sa loob ng banyo. Pagkatapos kung maligo ay nag 1 2 3 akong nagbihis. May nakita akong blow dryer ginamit ko yung para patuyuin ko ang buhok.
The few minutes ay nilagay ko sa backpack ko ang suot ko kahapon. Chineck ko rin kung may message na dumating si Ate Olivia Mama at Tita Sharon ang laman ng inbox ko. Saka ko na sila tatawagan.
Lumabas ako ng kwarto ni Jasper. Ang pangalan na Jasper ay parang nakatatak na ito sa utak ko na hindi na mabura sa isipan ko mula ng makilala ko siya. bumaba ako sa hagdanan na bitbit ko ang backpack ko. Parang bahay bakasyunan ang malaking bahay ni Jasper maganda at mga mamahalin ang mga gamit. Ang mga chandelier ay parang mga brilyante na kumikinang-kinang.
Nakita ko siyang nakaupo sa black leather couch. Parang mahuhulog ang puso ko sa lakas ng t***k ng mag salubong ang mga mata naming dalawa. Nilakasan ko ang loob ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
"Akala ko ay wala ka ng balak na bumaba. How's your morning?" lalong kumabog ang puso ko sa tanong niya sa akin.
"Okay lang po sir Jasper." sagot tila nagulat ng sabihin ko ang pangalan niya. Napaawang ang labi niya.
"Let's eat first." Baritono niyang boses.
Nang nasa dining table na kami ay kumulo ang sikmura ko sa mga pagkain sa ibabaw ng mesa. Those food ay familiar sa akin. My both parents paborito nila ito. My dad mahilig sa french food.
"Si Jasper huwag mo raw kalimutan ang d family dinner n'yo sa mansion ng Lolo mo." Napalingon ako sa babaeng nagsalita at nilagyan niya ng juice ang baso ko.
Tumango lang si Jasper tila hindi niya nagustuhan ang paalala sa kanya ng kanyang kasambahay.
"Mag-isa ka lang sa malaking bahay na'to?" tanong ko. Tiningnan niya ako.
"Yes," ang kuripot sumagot.
Kumain na lang ako hinayaan ko na lang siya pero pakiramdam ko ay nakatitig siya sa akin. Bumuntong hininga siya at narinig kung binaba niya ang hawak na kutsilyo at tinidor. I looked at him tila may gusto siyang sasabihin pero hindi niya masabi.
Ilang sandali ay natapos rin kaming kumain. Tumayo siya at kinuha ang cellphone sa bulsa ng jogging pants niya. Tutulong sana ako ay pinigilan ako ng babae.
"Ma'am, trabaho ko po ito. Baka pagalitan kami ni Sir Jasper. Kayo pala ang kasintahan ni Sir I'm sure na mahal na mahal ka ni Sir." Namilog ang dalawang mata ko sa sinabi ng babae.
"Kasintahan?" mahinang sambit ko.
"Ako nga pala si Nikki. Kung may kailangan po kayo ay sabihin n'yo lang po sa akin."
"Salamat Nikki, by the way I'm Alondra."
Pakilala ko rin. Kailangan kung ipagpatuloy ang pag-iiba ko ng pangalan dahil mahirap na baka matunton ako ni Lolo.
Ilang sandali ay hinanap ko si Jasper gusto ko siyang kausapin tungkol sa sinasabi niya kasintahan niya ako. Nang makita ko siya sa loob ng library room ay pumasok ako ng walang paalam. Nakatayo siya sa malapit sa bintana na parang galit ang tono ng pananalita niya sa kabilang linya.
"No, Daddy hindi ako makakapayag! Buhay ko ito at may sarili akong desisyon sa buhay ko. Ang gusto ni Lolo hindi yan mangyayari dahil may babae akong gusto at makilala n'yo siyang mamayang gabi!"
Paglingon ni Jasper ay nagulat siya ng makita niya akong nakatayo sa loob ng library niya.
"We will talk later Dad," narinig kung paalam niya sa kanyang ama.
"Anong ibig sabihin ni Nikki na kasintahan mo ako?" tanong ko, hindi siya agad sumagot sa tanong ko.
"Let's talk, have a seat. Miss?'' sabi niya hindi niya natuloy ang sasabihin.
"Alondra," sabi ko hindi kasi niya alam ang pangalan ko.
"Alondra, hindi mo pa nasagot ang tanong ko kanina. Ano ang ginagawa mo sa loob ng trunk na sasakyan ko. Bakit ka nagtatago sa mismong sasakyan ko. Nakita ko yung mga lalaking hinahanap ka. Isa ikaw yung babaeng receptionist sa maliit na motel right?" Walang paligoy-ligoy na sabi niya sa akin.
Ako naman ang natahimik sa harapan niya at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Hinihintay niya ang sagot ko heto na naman ako gagawa ng bagong kasinungalingan.
"Kasi ano, gusto akong habulin ng utang ng kuya ko at ako ang gusto nilang kunin hangga't hindi nababayaran ni Kuya ang utang niya." Sabi ko mukhang napaniwala ko naman siya. He nodded.
"Okay, then? dahil nakarating ka sa Quezon province dahil nagtatago ka?" tumango ako.
"Yes dahil naghahanap ako ng bagong trabaho para makaipon ako at mababayaran at utang ng kapatid ko. Sir kung wala na po kayong sasabihin ay aalis na po ako. I don't want to waste my time at kailangan ko ng bagong trabaho at maraming salamat," tumayo ako.
"Ayaw mo bang malaman ang sagot ko sa tanong mo na kasintahan?" he asked me.
"I can help you, hindi ba kailangan mo ng pera, bagong trabaho? Tell me magkano ang kailangan mo na pera at ibibigay ko ngayon din but may isang condition ako sa'yo." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.
"Pagkakataon muna ito Darine," sabi ng isip ko.
"Alondra," tawag niya sa pangalan ko nakatulala kasi ako.
"Talaga tutulungan mo ako. Kahit anong trabaho po ay gagawin ko. Anong condition po sir Jasper?" tanong ko.
"First, stop calling me Sir Jasper, 2 drop that opo and po and 3 be my girlfriend sa harapan ng mga magulang ko last call me babe."
"Po? Ang daming condition Sir?" tanong ko parang kinakabahan ako sa number 3 lalo na yung last na babe.
"What deal or no deal. Kailangan mo ang tulong ko Miss Alondra?" seryoso niyang tanong sa akin kinagat-kagat niya ang hawak na black pen. Tama siya kailangan ko ang tulong niya pero dapat ay may condition din ako.
"Deal! But may isang condition din ako." Matapang na sabi ko.
"No problem, tell me."
"Dito ako tititra sa bahay mo." Tumawa siya at nagustuhan niya ang sinabi ko.
"Yes, perfect and best condition!" sigaw niya tumayo siya at nilapitan niya ako nagulat ako ng bigla niya akong buhatin.
"Ibaba mo ako!"
"Hulog ka ni bathala sa akin Alondra," parang nanalo ng lotto ang tawa ni Jasper.