Chapter 7
DARINE
PAGKALIPAS ng isang oras ay umalis din kami ni Tita Sharon. Umalis din kasi si Sir Eduardo hindi naman kalayuan ang plaza Miranda sa bahay ni Tita Sharon kaya nilakad lang namin ni Tita.
Habang naglalakad kami ni Tita ay isip ko ay nasa kay Lolo. Paano kung sa isang iglap ay nasa harapan na siya ng pintuan ni Tita Sharon. Lalo tuloy akong kinakabahan sa mangyayari sa akin.
"Ang ganda naman ng pamangkin mo Aling Shawie. Pinsan ba yan ni Olivia? Baka pwede po akong umakyat ng ligaw kung walang magagalit." Sabi ng lalaki na naka motor.
"Joko, huwag mong isama sa listahan mo ang pamangkin ko." Saway ni Tita Sharon.
"Hindi naman po isa pa po nagbago na ako. Kaya nga po gusto kong magpaalam sa inyo po at sa pamangkin mo Aling Shawie."
"Hindi pwede Joko. Kilala kita!"
"Alondra diba ang pangalan mo?" tanong ni Joko sa sa akin.
"Oo, tama po si Tita Sharon hindi akong pwedeng ligawan dahil may nobyo na ako." Saad ko.
"Narinig mo Joko sabi sayo hindi na pwede ang kulit mo!" madiin na sabi ni Tita Sharon kay Joko.
Pinalaki ni Tita ang mata niya kay Joko at hindi na rin kumibo si Joko. Instead ay nagpaalam na siya sa amin.
Ilang sandali ay dumating na kami sa plaza Miranda. Maraming mga tao parang festival dahil maraming paninda karamihan ay handa made na mga bag at iba pa. Masaya lahat ng mga tao malakas din ang boses nila. Hindi boring mapapangiti sa sa style nila. Parang walang problema sa buhay.
"Magkano po ito?" tanong ko sa babae.
"100 pesos po ate, maganda at matibay po ang bag nayan dahil gawa po namin." Sabi sa akin ng babae.
"Sige bibilhin ko ito at magkano ang t-shirts na'to?" tanong ko ulit.
75 pesos po ate. Bago po kayo dito sa lugar namin o nagto-tour po kayo? Kasi hindi po kayo familiar." tanong sa akin ng babae habang nilagay niya sa plastic bag ang binili ko.
"Nagbabakasyon ako dito at ngayon lang ako nakapunta dito sa plaza Miranda." Saad ko.
"Wow welcome po sa ate sa plaza Miranda at sa bayan namin. Sure lalo n'yo pong magugustuhan kapag araw ng Sabado dahil marami pong dayuhan ang pumupunta rin dito. Enjoy your vacation here."
"Thank you," kinuha ko ang binili ko at binayaran ko siya.
"Alondra may nagustuhan ka ba?" nakangiting tanong sa akin ni Tita Sharon.
Pinakita ko kay Tita ang binili ko. She smiles at me. Ako rin sa kanya in awhile ay nag ikot ikot kami ni Tita kilala siya sa Plaza Miranda. Sa pag-ikot-ikot namin baka makahanap ako ng mapapasukan na trabaho.
Pero parang kinakabahan ako sa lugar na'to. Baka kasi isang araw ang kutob ko ay magkatotoo. Hinila ni Tita ang kamay pumasok kami sa maliit na carinderia.
"Anong gusto mong kainin?" tanong sa akin ni Tita.
"Bilo-bilo po." Sagot ko.
Minsan niluluto ni Mama ito para sa akin. Kahit ang mga tauhan ni Lolo at Papa sa hacienda ay nagluluto sila at binigyan nila ako. Alam kasi nila na favorite ko ito.
"Ang ganda ng pamangkin mo Sharon ang kinis ng kutis parang hindi naarawan ang balat. Anak ba siya ng diwata aba e, ang ganda ganda pwede siyang maging Mutya ng bayan natin." I smile at her.
"Kung gusto ni Alondra ay walang problema sa akin."
"Nakakahiya naman po pag-iisipan ko po yan maraming magaganda sa lugar na'to."
"Marami nga hija pero iba kasi ang ganda para kang anak mayaman." Namula ang magkabilang pisngi ko sa sinabi ng babae sa akin.
Hapon na kami nakauwi ni Tita Sharon. Pagbukas niya ng pintuan ay tumunog ang cellphone kot tiningnan ko kung sino ang nasa linya. Unregistered number hindi ko agad sinagot dahil ayaw kong marinig ni Tita Sharon. Nilagay ko muna sa loob kusina ang mga pinamili namin. Hanggang sa nag-ring ulit ang phone ko.
"Baka Importante ang tawag sagutin mo muna ako na ang bahala dito." Hinawakan ni Tita ang braso ko at sinabihan ako na sagutin ang tawag.
Pumasok ako sa silid ko para sagutin ang nasa linya. Bago ko sinagot ay may isang message ang dumating.
Unknown number: Princess ang mommy mo ito. Call me when you are not busy. I missed my princess.
"Mommy."
Mabilis kung dinayal ang number ni Mommy. Isang ring lang ay sinagot niya agad.
"Mommy," I cry.
"Anak kamusta ka na miss na miss na kita anak. Gustong-gusto na kitang mayakap." Pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko.
Hindi ko kayang pakinggan ang iyak ni Mommy sa linya. Ilang buwan na hindi ko kasama si Mommy kung namimiss niya ako mas namimiss ko siya. Hanggang sa binuksan ko ang camera ng phone.
"Mommy," naiiyak na tawag ko kay Mommy sa harapan ng camera.
"Anak, sobrang nag-aalala na ako sa'yo. Mabuti na lang ay binigay sa akin ng kaibigan mo ang number mo. Nandito ako ngayon sa bahay niya.'' Na tahimik ako sa sinabi ni Mommy nasa bahay siya ni Ate Olivia.
"Paano mo nalaman ang bahay ni ate Olivia?" tanong ko kay Mommy.
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko ang lakas ng t***k ng puso ko. Nagtatanong ang isip ko bakit hindi sinabi sa akin ni ate Olivia nasa bahay niya ngayon si Mommy.
Pakiramdam ko ay may something sa biglang pagpunta ni Mommy sa bahay ni ate. Huwag naman sana nangyari ang nasa isip ko ngayon.
"Anak huwag kang mag-alala hindi alam ng Lolo at Daddy mo na nandito ako ngayon. Gusto ko lang kita makausap at malaman ang situation mo ngayon." Sabi sa akin ni Mommy.
"I'm fine mommy, huwag po kayong mag-alala sa akin dahil nasa mabuting kamay po ako."
"Anak, miss na miss na kita. Kung may kailangan ka huwag kang mahihiya na sabihin sa akin. Pakiusap anak sabihin mo kung nahihirapan ka kung kailangan mo ng pera sabihin mo sa akin pa padalhan kita."
"Thank you Mommy kahit kailangan ko rin ng pera galing sayo hindi ko rin makukuha dahil wala akong ID. Pero kung gusto n'yo akong bigyan ay kay ate Olivia na po ibigay at siya na po ang bahala na ibigay sa akin. Mommy may isang hiling po ako kung babalik po kayo ulit d'yan sa bahay ni ate Olivia pwede n'yo po bang dalhin ang passport ko at ibang valid ID ko."
Sunod-sunod na tumango si Mommy sa akin sa harap ng video call namin. Pinigilan ko ang sarili ko na umiyak ayokong makita ni Mommy na umiiyak ako. Pagkatapos naming mag-usap ni Mommy ay saka ko pa nilabas ang mga luha ko na kanina pang gustong lumabas.
Ilang sandali ay nakahinga ako ng malalim. Naging panatag na rin ang loob ko ng ilabas ko ang mga luha ko. Kinuha ko ang phone ko binuksan ko ang inbox ko. Pagbukas ko ay may messages pala si ate Olivia sa akin. Inuna ko kasing basahin kanina ang mensahe ni Mommy sa akin.
I can't believe it na mabasa ko na hindi lang pala si Mommy ang nasa bahay ni ate kasama niya si Lolo. It means set-up ang pagtawag nila sa akin para matrace nila kung saan ako.
Olivia: Darine kailangan mong umalis ngayon d'yan dahil anytime na darating ang Lolo mo. I'm sorry tinakot ako ng Lolo mo para makuha ang number mo. Please Darine umalis ka ngayon din wag mong isipin si Tiya ako na ang bahala na kausapin siya.
Me: I'm sorry ate pati kayo ay nadadamay sa situation ko.
Olivia: Hindi kita pwedeng tawagan dahil may mga tauhan ang Lolo mo ngayon dito sa amin kapag aalis na sila ay tatawagan kita. Please lang Darine umalis ka ngayon din. Sige na Darine umalis ka na.
Lalo akong naguluhan hindi ko rin alam saan ako pupunta ngayon. Kinuha ko ang backpack ko at nilagay ko ang importanteng gamit ko at bahala na saan ako ngayon napadpad. Bahala na sa akin si Batman kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Makapangyarihan na tao si Lolo kayang-kaya niyang gawin ang nais niya.
Ilang sandali ay lumabas ako hinahanap ko si Tita Sharon sa loob ng kusina pero wala siya. Pinuntahan ko siya sa kanyang kwarto nakita ko siyang niligpit niya ang binili niya kanina.
"Alondra may kailangan ka ba hija?" tanong niya sa akin.
Nagulat siya na bigla ko siyang niyakap at umiyak ako.
"Maraming salamat po Tita Sharon. Kailangan ko na po na umalis sa madaling panahon." Naiiyak na sabi ko.
"Bakit ka naman aalis? May hindi ka ba nagustuhan sa bahay? May problema ka ba hija, hindi ka ba komportable kasama ako?" umiling-iling ako.
"Wala po akong masabi sa inyo po. Si Ate Olivia na po ang bahala magpaliwanag sa inyo Tita. Kung sakali na may maghahanap sa akin dito sabihin n'yo na lang po na umalis na ako. Tatawag ako sa inyo Tita pero sa ngayon kailangan ko nang umalis maraming salamat po ulit Tita sa pagkupkop mo sa akin." Hinalikan ko si Tita sa magkabilang pisngi niya bago akong nagmamadali na lumabas ng bahay.
Mabuti na lang ay walang katao-tao sa labas. Nang may tricycle na dumaan ay pinara ko agad. Hindi ko alam saan ako baba hanggang sa sinabi ko sa terminal ng bus papuntang Manila. Pagdating namin ng terminal ay maraming tao sa terminal.
Pagbaba ko ay nag-iingat ako baka may mga tauhan si Lolo sa terminal. I rolled my eyes wala akong napapansin na isa tauhan ni Lolo. Pinatay ko rin ang phone ko para walang makatawag sa akin.
"Anong oras po ang biyahe papuntang Maynila?" tanong ko sa lalaki.
"Bukas pa po ma'am ng alas kwarto ng madaling araw. Kakaalis lang po ng last trip." Sagot ng lalaki.
It means maghihintay ako ng hanggang umaga. Umupo ako sa bakanteng upuan sinuot ko ang sunglasses ko. Mabuti na lang ay dala ko ang sunglasses ko.
Pagkalipas ng apat na oras ay tumayo ako. Nakaramdam ako ng gutom. Naghahanap ako ng pwede makainan. Nag lakad-lakad ako sa labas ng terminal.
Nang may nakita akong dalawang sasakyan na huminto sa terminal ay lumaki ang mga mata ko dahil kilala ko sila mga tauhan ni Lolo. Dahan-dahan ako na naglalakad I pretend na okay lang ako at normal lang ang kilos ko dahil kung tatakbo ako ay mahuhuli ako. Hanggang sa narating ko ang isang bakery. May isang sasakyan nakaparada sa harapan ng bakery. Lumaki ang mga mata ko ang dalawang tauhan ni Lolo papunta sa kinaroroonan ko banda.
I feel shaking hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko rin iniisip kung kaninong sasakyan ang pinagtataguan ko. I don't a have a choice naglakas loob ako na pumasok sa car trunk na makita ko na nakabukas ito. May parang blanket na kulay brown inayos ko at tinakpan ko ang sarili ko sa brown na makapal na kumot. Nanginginig ako sa takot na may lalaking nagsalita tinanong ang lalaki na may nilagay sa loob ng car trunk na plastic bag.
"I'm sorry sir wala po akong nakita na babae." Narinig ko na sagot ng lalaki.
Hanggang sa sinarado ng lalaki ang trunk ng sasakyan niya. Nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman ko na tumatakbo na ang sasakyan na hindi ko alam saan na direksyon pupunta ang sasakyan. Naamoy ko ang mainit na tinapay lalo akong ginutom hinanap ng kamay ko ang supot ng mahanap ko ay binuksan ko agad. Kumuha ako ng isa at mabilis kung kinain mainit pa hanggang sa kumuha pa ako ng isa huwag ko sanang maubos ang tinapay. Nang nararamdaman ko na tumigil ang sasakyan ay nabitawan ko ang hawak ko na tinapay. Ilang segundo lang tumigil ang sasakyan hanggang sa tumakbo ulit.
Ginawa ko ay pinikit ko ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay malayo na rin ang narating ng saa
sasakyan.