[Mage's POV] Mag iisang linggo na akong nagiging Personal Therapist ng halimaw! Ang reklamo nga eh! Kesyo masakit, nasasaktan siya, hinaan ang diin, 'wag masyadong madiin, 'yung saktong diin lang at kung ano-ano pa mas mabuti pa 'ata sa kanya ang 'di nakakapaglakad eh! At heto nanaman po ang inyong lingkod nanghihilot sa halimaw! "A-aray! Nananadya ka ba?" Galit na tanong nito. "Obvious ba?" Pabulong na sabi ko habang hinihilot ang paa niya. "ANO? A--" 'Di na niya na tuloy nang pareho kaming napatingin sa pumasok ng kwarto na sina Harold at Jin. "Hi pretty Mage!" Bati ni Jin saka kumindat sa'kin. "So, anong meron dude?" Tanong naman ni Harold. "Ano ba sa tingin niyo?" Nakakunot noong sabi ng halimaw. "Alis na muna ako." Sabi ko saka tumayo. "Dito ka lang." Sabi ni halimaw kaya

