[Mage's POV] "Manang Leny!" Bungad ko dito. "Oh! Nandito ka na pala. Mag miryenda ka na." Nakangiting sabi nito. "Opo." Umupo ako saka kumakn ng pancit na gawa ni Manang Leny. Nang matapos ay pumasok na ako sa kwarto at nagbihis ng pambahay saka nag review ng lessons. "Mage!" Tumayo agad ako at pumunta sa kwarto niya. As always! "Ano?" Mahinang tanong ko dahil pagod ako. "Pwedeng patulong?" Malumanay na tanong nito kaya nagtaka ako. Nakakapagtaka talaga dahil hindi lang ito basta-bastang pagpapatulong kung nagpapatulong siyang makatayo. Totoo ba 'to? "O-ok. Gusto mo na ba talagang makatayo? Ba't 'di ka magpatulong kay Sir George?" " 'Wag na maabala ko pa si Dad." Walang ganang sagot nito. "Ako na lang ang magsasabi." Presenta ko. " 'Wag na!" "Ako na nga ang sasabi. Ok

