Traydor siya. Niloko ako ni Kim. Pinaniwala niya ako sa isang bagay na gawa-gawa lang naman niya at hindi makatotohanan. Ito ang mga bagay na paulit-ulit kong itinatatak sa isip para naman hindi na ako guluhin pa ng konsensya ko at baguhin pa nito ang bagong pananaw ko sa buhay. Wala na dapat espasyo sa puso ko ang maawa at magpatawad. Kagaya ng nabanggit ni Felix, traydor si Kim. Siya ang puno’t dulo ng lahat. Hindi rin nakakapagtaka kung siya man din ang nanguna sa pagpapaaresto kay Felix dahil sa kwento niyang suportado ng ebidensya—which is hindi ko alam kung saan naman kaya niya ‘yon nakuha? “Ito na lang ang naiisip ko na paraan,” rinig kong sambit ni Felix na papasok ng isang maliit na apartment na tinuluyan namin. Pangatlong lipat na namin ito, actually. “Para mapatunayan na guil

