“Kanina pa ako hanap nang hanap sa inyo. Saan ba kayo galing?” salubong ni Bianca sa amin ni Felix pagkapasok pa lang ng bahay. “Huwag n’yong sabihin na lumabas kayo para mag-date na naman-” “Teka, kailan ba kami nag-date?” pagkontra ko agad sa kanya. “Problema kasi sa iyo, e kung ano-ano nang pumapasok sa utak mo. Bawas-bawasan mo rin kasi minsan pagiging overthinker mo!” Nilampasan ko na lamang siya para magtungo sa kusina. Kumuha ako sa malaking ref namin ng isang kahon na gatas dahil nauhaw ako sa hindi naman gano’n katagal na biyahe namin ni Felix. Ni hindi man lang kasi kami kumain bago sana umuwi rito, though tinanong naman niya ako kung nagugutom ako. E, ang sabi ko kasi ay busog pa ako kahit ang totoo naman ay galit na galit na ang buwaya sa loob ng tiyan ko. “Felix, saan ba

