“Hindi mo na siya kailangan pang problemahin?” “Sino?” nagtatakang tanong ko. “Felix, kadadalaw ko lang dito… ano na naman ba ‘yang sinasabi mo?” “Ang tinutukoy ko… ‘yong nurse.” Kumunot lalo ang noo ko nang buksan niya ang topic tungkol kay Sam. Para tuloy nagsisimula na akong maghinala sa kanya… na baka konektado na naman siya sa nangyari kay Sam kanina? “Hindi mo basta p’wedeng pagkatiwalaan ang taong ‘yon lalo’t dala niya ang sikreto mo, Julie. Kaya ako na ang gumawa ng paraan para patahimikin siya-” “So, ikaw? Pinapatay mo siya?” Wala naman akong ibang naisip na p’wedeng paraan para patahimikin ni Felix ‘yong tao maliban sa kunin ang buhay nito. “Felix, bakit mo ginawa ‘yon? Kailangan bang palaging umabot sa ganito? Kailangan bang palagi na lang may mawawalang tao para lang hin

