“Anong weird roon?” “Lubog sa utang pero nakabili ng kotse? Nakagastos pa ng malaking pera kasi sa chapel pa nila ibinurol si Sam. Knowing na lubog sa utang ang pamilya ng babaeng ‘yon, how is that possible?” Aaminin kong napaka-slow kong tao para hindi agad maintindihan sa isang upuan lang ang sinabi ni Ken at ang napakinggan naming pag-uusap kanina no’ng nasa burol kami. E, sa katunayan naman kasi… wala akong pakialam sa pamilya ng iba. Malay ko ba naman na may sugar daddy pala ‘yong nanay ni Sam, at ang totoo naman talaga, e ibinigay lang sa kanila ‘yon ng sugar daddy ng mama niya ‘yong kotse… and all. Kaso alam kong nonsense din naman itong mga naiisip ko. Hindi makakatulong sa paggalaw ng kaso. Because in fact, mas may sense sigurong isipin na p’wedeng sa detalyeng nalaman namin

