Hindi na naman ako pinatulog nang maayos ni Felix dahil sa sinabi niya. Kaya kahit pasado alas-dos na ng madaling araw, dilat na dilat pa rin ang mga mata ko dala ng pag-aalala kung ano na kayang mga ginagawa o pinagagawa ni Felix sa mga tauhan niya para bantayan ako? Bigla ko kasing inaalala na baka kahit anong gawing ingat ko sa pagtatago para hindi nila ako mahuli, ako na pala ‘yong nahuhuli sa balita na sa kabila ng mga efforts ko sa pagtatago, nasusundan pa rin nila ako. Kaya ayoko talaga sa side ko na overthinker, e. Sobrang negative lagi ang naiisip ko, to the point na uumagahin na ako sa pag-iisip ng kung ano-ano. Gustuhin ko man na puntahan si Kim sa kwarto niya at kahit kalahating oras man lang ay may mapaglabasan ako ng mga hinaing ko sa buhay at mabawasan din ‘yong pag-o-over

