Chapter 10

2190 Words
“I finally meet you in person, hija,” bati sa akin ng matanda. Pagkatapos ng besohan session ay nakahilerang umupo kami nina Papa at sa harap namin ay sina Felix at ang lola niya. “Tama nga ang ibinibida sa akin nitong apo ko… mas maganda ka nga sa personal.” Nakakahiya namang makatanggap ng compliment dito sa matandang ito… na kahit sa itsura niya ay matanda siya, kulubot ang balat at nauubos na ang buhok sa kilay, e presentable pa rin siyang tingnan. Amoy na amoy ko ang dugong Espansyol nito, na sa itsura pa lang ay obvious na. Ang puti rin ng balat niya, walang suot na kolorete sa mukha ngunit mga alahas sa katawan ay naghuhumiyaw sa kintab at sa rami nito. “Maganda lahi namin kaya maganda rin ang produkto, Lola Tasha,” mapagbirong sambit ni Mama. Abala siyang naglalagay ng kanin sa plato ko at si Papa naman ang naglalagay ng juice sa mga baso namin. “At kahit na mas maraming taon kaming wala sa buhay ni Ke kaysa sa mga taon na nakasama niya kami, nakakatuwang malaman na kahit walang gabay ng magulang, e lumaki siyang mabuting tao.” Punong-puno ng tuwa ang mga mata ni Mama nang tingnan niya ako. Inihinto niya muna ang dapat ay paglalagay niya ng ulam sa plato ko kasi mas inuna niyang iparamdam at ipakita sa akin kung gaano siya naging proud sa naging growth ko through the years. “Hindi rin naman nakakapangduda na may potensyal ang anak mong ‘yan na maging independent,” ang sagot ng matanda at tumingin sa akin. Tuwing lilingunin niya ako ay nagiging uncomfortable akong tagalan ang tingin ko sa kanya. Ako na lang talaga ang napapaiwas. “And that’s the thing I want to discuss with the both of you.” “Mukhang seryoso nga po ‘yan, ah?” Lumagok muna ng kaunting juice si Papa. “Ano po ba ‘yan?” “Can you let her be at my house? Be with Felix?” Sabay-sabay kaming nagulat sa sinabi ng matanda. Maski ako ay nabigla. Hindi man lang kasi ako sinabihan ni Felix na may balak palang kunin ako ng lola niya at manatili sa poder nila. Advantage ‘yon sa akin para ma-lessen ‘yong pressure na nagpapanggap ako bilang anak ng mga taong hindi ko naman magulang. Ang disadvantage nga lang ay makakasama ko naman ang mukhang masungit na lola ni Felix. Natandaan ko pa nga na sinabi niya sa akin na mabait daw ang lola niya. Bakit mukhang hindi naman? “Ano pong dahilan?” “You know… alam kong nangulila rin kayo kay Keziah. Ngayon n’yo lang siya makakasama at makaka-bonding… pero ang punto ko naman kung bakit gusto kong sa amin na muna siya manatili ay para sanayin si Keziah na humiwalay ng poder sa inyo. Gano’n din naman ang mangyayari—dahil kapag naikasal na sila ni Felix, sa amin titira ang anak n’yo.” “Alam po namin ‘yan…” si Papa naman ang nagsalita. “Kaya nga habang wala pang kasalan na nagaganap, gusto naming sa amin muna manatili si Keziah. Ilang linggo na lang naman ay magaganap na ang kasalan, e kaunti na lang din po ‘yong panahon na makakasama namin siya rito sa bahay. Mas padadaliin n’yo pa po ba ‘yon?” May point si Papa. Although ayoko na talagang manatili rito… pero at the same time, I find his reasons valid. Malapit na rin lang ako makuha ni Felix dito the moment na ikasal na kaming dalawa… so, habang wala pang kasalan na nagaganap, e hindi naman siguro kalabisan na rito muna ako sa mga magulang ni Keziah na manuluyan, ‘di ba? “Lola, they’re right. ‘Wag na lang po natin ipilit. Hayaan na lang din po natin na makasama nila ‘yong anak nila ngayon.” Mabuti na lang ay kinumbinsi na ni Felix ang lola niya na ‘wag nang ipilit pa ang gusto nito. At mabuti na lang din ay pumayag na rin ‘yong matanda at hindi na ipinilit pa sa amin ang gusto niyang mangyari. Sobrang unfair din kasi no’n sa side nina Mama kung sakaling hindi napapayag ang matanda. Ito talaga mahirap sa family of the bride… na kailangan pang umalis ng poder ng mga magulang niya ‘yong babae pagkatapos ng wedding. “Basta kahit nandito siya, e dumalaw naman siya sa amin.” Tumingin sa aking muli ang matanda. Naudlot tuloy ang pagsubo ko sa kanin. “Dalawin mo ako sa bahay, hija? Matanda na ako. Napapagod na ako kung ako ‘yong araw-araw na babyahe rito sa bahay n’yo para ako ang dumalaw sa iyo. ‘Di ba?” “Opo,” hesitant kong sagot. “Huwag po kayong mag-alala. Araw-araw ko po kayong dadalawin if ‘yon po ang gusto n’yo.” Pero mali yatang nagsabi ako na ‘araw-araw’ ko siyang dadalawin. Paano pala ‘pag nagmintis ako ng isang araw? Edi hindi na ‘yon araw-araw. — Tulad ng naipangako, maaga akong umalis sa bahay para magpahatid kina Felix. Wala naman akong sinabing eksaktong oras ng pagdating ko sa kanila, pero minabuti kong agahan na lang ang punta para maaga rin akong makaalis. Tiyaka ang banggit din sa akin ni Felix nang magkausap kami sa call kagabi, mainam daw na maaga ako pumunta sa kanila nang masamahan ko ang lola niya sa morning walk nito. Nang makapasok na ako sa maluwang nilang mansyon, oo nga’t naabutan ko si Lola Tasha na naglalakad sa malawak nilang hardin. Kaagad niya akong nakita kung kaya’t lumapit ako sa kanya at agad na nagmano sa kanya. “Good morning po.” “Good morning. Hindi ka naman nagsabi na gan’to kaaga ka pala pupunta rito,” aniya. Humawak siya sa braso ko at ‘yong nurse na nakasunod sa kanya ay pinaalis niya na muna. “Nabanggit siguro sa iyo ng apo ko na mga gan’tong oras ako nag-mo-morning walk?” “Nasabi niya nga po,” sagot ko. “Pero wala naman pong kaso sa akin ‘yon. Mas okay nga po kung mayroon po kayong makakasama-” “May nurse naman ako,” tugon niya. “Hindi ko kailangan ng kasama kasi palaging nakabuntot sa akin ang nurse ko, hija.” Hindi ako agad nakasagot. Oo nga pala, nakita ko nga na may nurse siyang kasama kanina. Pinaalis niya lang no’ng dumating ako. Inisip ko kasi no’ng una na siguro ay kaya siya may kasa-kasamang nurse ay upang may kasama siya sa paggawa ng mga bagay na gusto niyang gawin na hindi siya nasasamahan ni Felix. Pero… parang bigla akong kinukutuban na ewan. “E, bakit nga po ba kayo may kasa-kasamang nurse?” Batid kong apektado siya ng tanong ko dahil na rin huminto siya sa paglalakad. ‘Yong pag-iinat na ginagawa niya nga kanina, e itinigil niya muna. Ngayon ay nilingon niya ako, naniningkit ang mga mata niya at nagtataka. Isang wrong move na naman yata ang nagawa ko—na sana hindi na lang ako ipinanganak ng nanay ko na likas sa pagiging matanong. “Okay lang po kung ‘wag n’yo na sagutin. Hindi ko-” “Hindi nahihinto ng bahay ang apo ko kaya wala akong aasahan na mag-aalaga sa akin. Alam mo namang may katandaan na ang edad ko… e, syempre kailangan ko rin ng taong palaging nand’yan sa tabi. Hindi tulad n’yo na p’wedeng maging independent sa buhay, kaming mga matatanda ay nahihirapan nang gawin ang mga bagay na dati ay nagagawa namin noong malalakas pa ang katawan namin.” Bahid sa kanyang mukha ang lungkot. “E, ano namang magagawa ko? Tumatanda na ako. Kumokonti na ang mga bagay na nakakaya ng katawan ko na gawin. Maski ang pagbangon nga sa higaan, e kailangan ko pang tawagin ang nurse ko para alalayan ako na tumayo. Nawawalan na rin ako ng balanse minsan kapag naglalakad… at alam mo bang nagiging torture din sa akin ang paglalakad tuwing umaga?” “Pero… bakit n’yo pa rin po ginagawa?” “Para manatiling malusog at malayo sa sakit ang katawan ko. Kasi kaming mga matatanda, e nagiging lapitin na ng mga sakit na para sa amin. Kung ikaw man ang nasa katayuan ko, e imbes na pahirapan ng kung ano-anong sakit na nauuso, mas gugustuhin kong hindi na lang magising isang araw para madali ang pagpanaw ko.” Hmm… kung sabagay. Tipong pareho rin naman ang kahihinatnan… ang kamatayan, e mas okay na rin ngang mamatay nang hindi nahihirapan kaysa ang makipaglaban sa isang sakit na ang tanging lunas lang naman ay kamatayan. “Ang sigla n’yo pa nga po para magkasakit. ‘Wag po kayong mag-isip nang ganyan,” pagpapagaan ko sa kanyang loob. Ayoko sa lahat ‘yong napag-uusapan ang kamatayan… parang hindi pa kasi ako handa. “Oo naman. Hihintayin ko pang magkaanak kayo ng walo ng apo ko.” Lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bakit naman walong anak ang in-e-expect niya sa amin ni Felix? Baka malamog naman ang matres ko kung dalawang taon lang ang pagitan ng pag-aanak. Masakit kaya umire! Tiyaka… hey! Wala naman sa kontrata na aanakan niya ako. “Alam mo ba…” Pinalo pa ng matanda ang braso ko. Nang may madaanan kaming upuan ay niyakag niya ako roon na maupo. “Pangako talaga ni Felix sa akin na bibigyan niya raw ako ng apo na walo; apat na babae at apat na lalaki. ‘Di ba… pati ang gender ng mga anak niya ay planado niya na rin.” Sa isip ko nga ay posible pang mapagplanuhan ang magiging gender ng isang bata? Gaano karaming sperm cells kaya ang kailangan para makabuo ng babae, o kaunti para sa lalaki? O baka baliktad. “E, ang sabi ko naman sa kanya… hindi na mahalaga kung hindi masunod ang gender na gusto niya. Basta ‘yong bilang, e dapat walo.” Mas lalo ko lang nararamdaman ang awkwardness at pagiging uncomfy na kasama at kausap ko ang matanda dahil sa sinasabi niya. Hay nako. Kung hindi lang sana ako ‘yong inaasahan niyang magiging nanay ng mga magiging apo niya kay Felix, baka nakipagtawanan pa ako sa kanya. Kaya lang… ako, e. Baboy ba ako para manganak ng gano’ng karami? Baka nga isang sanggol pa lang, e hindi ko na kayanin ‘yon na iire. Walo pa kaya? “Naniwala ka talaga sa walo, ano?” Nang magbaling ako sa kanya ng atensyon, tinatawanan na pala ako ng matandang ito. “Akala ko pa naman ay magagaling kayong observant. Tine-test lang naman kita kung maniniwala ka agad sa akin. E, mukhang naniwala ka nga na nag-e-expect ako na magkaroon ng apo sa inyo ni Felix nang walo. Ikaw talaga!” Ngayon ko natunghayan na totoo nga ang nabanggit ni Felix sa akin… na mabait nga naman pala ang lola niya, masaya kausap… at may bago akong natunghayan pa nga… na malakas pala siya mang-good time. “Tiyaka hindi ko rin po yata kakayanin ‘yong walo,” nag-aalangan kong sagot. Gusto ko lang naman magpaka-honest na hindi ko naman talaga kaya, kaso nakakahiya, at the same time… kasi baka isipin niya mamaya ay napakahina ko naman pala pagdating sa irehan. “Okay lang ‘yon. ‘Wag mong isipin na kabawasan sa pagiging babae mo na hindi mo kayang magdala ng napakamaraming anak. Sa katunayan pa nga n’yan, hindi ko alam kung worth it bang ipagmalaki pa sa ibang tao na kayang mag-anak ng isang babae nang marami. Although blessing ang pagkakaroon ng anak, pero siguro dapat hindi magkalamangan sa pagbibigay ng respeto sa mga babae… kung kaya man niyang mag-anak ng marami o isa lang ang kaya niya, o pati na rin ‘yong mga babaeng ayaw magkaroon ng anak.” “Respeto sa kung anuman ang kakayahan mo… ‘yon ang dapat isaalang-alang.” Nakatulala lang si Lola Tasha sa kawalan, nakangiti nang hindi ko malaman kung anong dahilan no’n. “Kasi minsan na rin akong nahusgahan ng sarili kong pamilya no’ng nagpakatotoo ako sa kanilang hindi ko kayang mag-anak ng higit sa isa. Nagpatali ako agad kasi ‘yong unang beses ko ng panganganak, muntik ko pang ikamatay. Dala ng takot na baka maulit ‘yon, nagpatali na ako.” “Naintindihan ng asawa ko ‘yon at nirespeto niya ang kagustuhan ko… pero ‘yong mga tao talaga na buong akala mo ay susuportahan ka sa desisyon mo, sila pa pala ‘yong mga taong kahit anong gawin mong paliwanag… hindi ka nila maiintindihan at… hindi nila pipiliing intindihin ka.” Puno ng hinanakit ang tono ng boses ni Lola Tasha. Hindi ko naman sinasadyang ma-open ang tungkol doon. Hindi ko naman siya pinilit na magkwento… pero siya na mismo ang nag-open no’n. Pero nalulungkot ako for her. “At ayokong maging katulad ako ng mga magulang ko sa inyo ni Felix.” Naramdaman ko ang paghawak ng kamay niya sa akin, at nakangiti na ngayon siya nang masdan ako sa mga mata. “Nirerespeto ko ang anumang maging desisyon n’yong dalawa… maging ano pa man ‘yan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD