“May iba ka pa bang hindi sinasabi sa akin, Felix?” diretsyahan kong tanong sa kanya. “Baka naman ‘yong mga magulang ni Keziah… e, kaya para silang concern na concern sa future ng anak nila, e may taning na pala ang buhay nila?”
Knock on woods. Sana naman ay hindi totoo ang mga suspetsyang nabubuo sa isip ko. Hindi ko lang kasi mapigilan ang sarili ko na mag-isip ng gano’ng bagay… kasi what if posibleng tama ako? Kaya’t umandar na naman nga ang pagiging matanong ko ngayong gabi na biglang bumisita sa bahay si Felix. Obligasyon niya naman talaga na puntahan ako rito kasi empleyado niya ako… and besides, hindi niya ako p’wedeng hayaan dito!
“They don’t sound like they’re saying goodbye earlier-”
“Kanina… nakausap ko ‘yong mama niya nang ihatid ako nito sa kwarto. She seems to be very concerned about the future of Keziah. Parang nagmamadali silang makita ang anak nila na makapag-settled na sa buhay at magkaroon na ng sariling pamilya… para alam mo ‘yon, ‘pag iniwan na nila ‘yong anak nila rito sa mundo, hindi na sila mag-alala pa na walang papalit sa kanila sa pag-aalaga kay Keziah.” Hindi naman ako dating part-time na overthinker… pero ewan ko ba, pagdating sa gan’tong mga bagay ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mapa-overthink bigla.
“You know… you’re just tired. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip mo nang dahil alam kong napagod ka nang husto sa naging lesson n’yo ni Melody kanina. Nagpahinga ka na lang sana sa kwarto mo, hindi ‘yong nilabas mo pa ako rito. P’wede naman akong bumalik bukas ng umaga.” His reassuring smile to signify that he’s fine kahit na hindi ko na lang sana siya nilabas… just made me thrilled.
Mula sa second floor kasi ay dinig ko ang malakas na pagbati ni Mama kay Felix nang dumating ito sa bahay. So, dahil kailangan ko talaga siyang makausap ay lumabas ako ng kwarto. Bumaba ako roon at nagpanggap na iinom lang sa kusina… and then when I saw Felix is in the living room, I acted like shocked when I saw him.
“Itatanong ko kasi ang tungkol sa bagay na ‘yon-”
“P’wede naman siguro ‘yang pag-usapan over the phone, ‘di ba? Dapat mas inuna mo na lang ang magpahinga,” aniya nang tinatapik-tapik ang balikat ko. “And ‘wag mo nang pag-isipan pa nang bongga ang sarili mo. Wala lang ‘yon. Kung ikaw ba naman ay magulang din, hindi mo ba hahangarin na makita ang anak mong lumalaki na at makita siyang may sarili nang pamilya?”
“Because I think… What they want to see is for Keziah to be settled with a gentle guy at kayang alagaan ang anak nila. But sometimes, they want their child to have their own family kasi mismong mga magulang din ang atat nang magkaroon ng apo. Either of the two is their option. Walang mamamatay.”
Kung makapagsalita naman siya sa akin at ma-assure niyang wala talagang mamamatay at sadyang ang OA lang ng naging pag-o-overthink ko, e akala mo ay ang dami niyang alam. Pero okay na rin sa akin na kahit papaano ay nabigyan naman na ng linaw ang mga katanungan sa isip ko. Kasi kung maging posible man ang OA kong hypothesis, nakakalungkot naman ‘yon for the side of Keziah.
Sana, as soon as possible, ay magising na siya. Hindi naman sa minamadali ko ang pag-alis ko sa trabaho kaya ko gustong magising na siya… but because I want to end the huge mistake I’ve ever done in my life. Ayokong nakawan siya ng posisyon sa sarili niyang pamilya.
—
“Sure ka bang ‘yan lang ang bibilhin mo, anak?”
Tumango ako. “Wala na po akong maisip na ibang bagay na p’wede pong bilhin aside po rito…” Tiningnan ko ang laman ng cart ko—isang pantalon at dollshoes lang ang laman at ang nabili ko rito sa napakalaking department store. “Ano pa po bang dapat kong ilagay rito?”
Oh my. Hindi na nakapagpreno ang bibig. Hindi yata tamang itinanong ko ‘yon.
“Uhh… maraming mabibili rito, e. Pero kung ‘yan lang ang natipuhan mong bilhin, e okay lang din naman.” Narinig ko ang mahina niyang pagtawa habang siya ay sinusundan ko na hindi pa tapos punuin ang cart niya. “Samantalang noong bata, ang hilig mong mag-shopping. Kahit na ‘yong mga bagay na hindi mo naman kakailanganin kaagad, binibili mo o ipinapabili mo sa akin kaagad.”
With that, na-realize kong maling-mali talaga ‘yong move ko. Dapat pala kahit na hindi ako ‘yong tipo ng tao na magastos at aksayado sa pera, alalahanin ko na ibang tao nga pala ang ni-ro-roleplay ko. Ngayon ay alam ko nang gano’n palang klase ng tao si Keziah.
“E, bata ka pa naman kasi noon. Siguro ay nature na rin sa mga bata na anuman ang makita nilang bagay basta nagandahan at napukaw ang atensyon nila ng bagay na ngayon, kahit na hindi naman nila ‘yon kailangan talaga, e ipapabili pa rin sa magulang.” Nang mailagay na niya sa cart ang dinampot niyang tatlong liquid foundation ng Maybelline, humarap si Mama sa akin. “Pero ngayong malaki ka na at talagang nag-mature na ang baby ko, I’m so happy to see that only those valuable things matters to you now.”
So… kailangan ko na yatang bawiin ‘yong plano ko sanang magsilid ng kung ano-ano sa cart ko.
“Gano’n naman po dapat palagi, ‘di ba? Hindi naman po sa lahat ng pagkakataon ay kailangan natin bilhin ‘yong mga bagay na hindi naman natin kailangan for our everyday life. Mas better po na kahit marami tayong pera para po matustusan ‘yong mga nakasanayan nating luho, we have to learn to balance our expenses as well. Kung baga, natutunan ko po sa teenage and adulting years ko po na when spending money to our luxuries or the things we don’t really need but gives us short-term happiness, kailangan din po natin isipin na kung mayroon po ako, halimbawa, na budget po for luxuries ko na P5k, ¼ lang po dapat ng P5k ‘yong gastusin ko for that. Kung baga ‘yong P5k na ‘yon na budget ko kada buwan, magiging budget ko na po for at least four months or five.”
‘Yan ang isang bagay na natutunan ko sa buhay—literal na ibang klase ng pag-ba-budget. Gan’yan kasi ako mag-budget araw-araw. Halata kayang pang-mahirap na strategy ‘yan ng pag-ba-budget?
“Ngayon ko lang narinig ‘yan,” manghang sagot niya sa akin. ‘Yong hawak niya tuloy na limang lipstick ng Vice Cosmetics ay agad niyang ibinalik sa lalagyan. “Pero tingin mo kaya, anak… e, effective sa akin ‘yan? Magastos pa naman ang nanay mo.”
“Uh…” Actually ay nag-aalangan talaga ako na sumagot. Hindi naman ako Financial Adviser para sagutin siya. “Depende rin po siguro sa tao ‘yon, ma. Kung first time mo po ‘yan na gagawin, e mahirap-hirap po ang pag-a-adjust. I suggest po… utik-utik po ang gawin n’yo. Kung baga kada buwan or kada linggo, e bawasan n’yo po ‘yong budget n’yo sa luho. Baka ‘yon po e, effective.”
Napapatango siya… at mukhang unti-unti ko naman siyang nakukumbinsi. “Try kong i-apply ‘yan ngayon. Why not? Hindi pa naman ako nagpupunta sa cashier!”
‘Yong halos mapupuno na niyang cart ay walang hiya-hiya niyang inubos lahat ng laman. Pinaglalagay niya ang iba sa kung saan niya ito nakuha, at nagtira lang siya ng ilang mga damit, makeup accessories, sapatos at mga gamit for personal hygiene. Bale… ibinalik ni Mama ‘yon at parang kinuha lang din niya or ibinalik sa cart niya ‘yong kalahati.
In short, nasa kalahati pa rin ang laman ng napakalaki niyang shopping cart.
“Wala na akong maiwan. The rest kasi ay super importante na sa akin,” tatawa-tawa niyang tugon nang makalapit sa akin, which is naghihintay ako sa may cashier area. “Hindi bale’t sa susunod ay maghahanda na ako ng listahan. I’ll try my best to apply your budgeting strategy with mine.”
Nang marinig sa kanya mismo na susubukan niya naman ang suggestion ko ukol sa pag-ba-budget, kuntento na ako roon. Masaya na ang puso ko nang mapakinggan na kahit papaano ay makatutulong ako sa pag-ba-balance nila ng pera nila para sa mas makabuluhan na bagay kaysa sa mga bagay na magbibigay lang naman sa kanila ng short-term happiness.
—
Dumaan kami sa isang Japanese Restaurant, specifically ay rito sa Tokyo Tokyo, na malapit lang naman sa De La Salle. Galing kaming La Salle para idaan kay Kimberly, ang pinsan daw ni Keziah sa malayong probinsya, ‘yong lunch box na naiwan niya sa bahay.
“Mukhang mataray lang ‘yong pinsan mo na ‘yon, pero sure ako na ‘pag nagkasanayan na kayo sa bahay, e makakasundo mo siya,” habang kumakain ay nagbukas ng usapan si Mama. “Naninibago lang siguro ‘yon ngayon dahil matagal na no’ng huli kayong magkita.”
“Hindi n’yo na po kailangan mag-alala, ma. Habang nasa bahay pa ako, kaya ko naman po siyang pakisamahan. Sanay naman na po ako sa iba’t ibang ugali ng tao dahil dati nga po akong P.A. ng isang-”
Namilog ang mga mata ko nang ito na nga… nadulas na ako sa sariling dila.
“P.A.?”
“Dati kang P.A., anak? Bakit hindi namin alam ang tungkol dito?”
“Product Adviser po sa isang kumpanya dati, ma,” pagpapalusot ko. “At… sa rami po ng mga naging kliyente ko, syempre ay iba-iba po ang ugali nila. Kaya ko po nasabing sanay na akong mag-handle ng mga taong may iba-ibang ugali.”
Sure naman akong naniwala siya as she nodded at me afterwards. Buti na lang ay nalusutan ko ‘yon at hindi ko naidirestyo na masabi sa kanya na dati akong P.A. ng isang artista. Basta company worker naman ako, e siguro ay okay na ‘yon.
“Hmmm… that sounds so good. Bakit ka naman umalis d’yan sa trabaho mo?”
Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na magkakaroon ng follow-up question si Mama. Ano ngayon ang isasagot ko?
“Uh… si Felix po kasi.” At mayroon na naman nga akong inosenteng tao ang nasilip para gawin kong palusot. “Gusto niya pong ‘wag na muna akong magtrabaho para daw po makapag-focus ako sa paghahanda para po sa wedding namin.”
“Kaaalis mo lang sa trabaho?”
Tumango ako. “At tiyaka tingin ko po, e mabuti na rin po na umalis na rin po ako roon. Nakahanap naman na po ng kapalit ko ang head namin. And I think mas deserve niya po ang posisyon ko kaysa sa akin.”
“Hindi totoo ‘yan, anak.” Nang mahigop na lahat ng laman ng sabaw sa mangkok niya, ibinaba niya ‘yon. Kamay ko naman ang inabot niya at hinawakan. “Huwag mong isipin na ang isang bagay na ibinigay sa iyo, e hindi ka deserving na matanggap ‘yon. Kaya ka nga nasa posisyon na ‘yon o kaya ka nga nakatanggap ng isang bagay na wala ang iba, ‘yon ay dahil deserve mo na magkaroon no’n o mapunta ka sa gano’ng posisyon.”
“Deserve mo ang lahat ng mayroon ka… pero pinili mo na magpaubaya.”
—
“Mukhang nakarami-rami kayo, ha?” salubong ni Papa sa amin sa pintuan ng mansyon. Humalik ako sa kanyang pisngi, at si Mama ay hinalikan siya ng mabilis sa labi. “Bakit kaunti ang dala mo, Ke? Alangan na alangan ang dala mo kaysa sa mama mo.”
“Ito lang naman po ang kailangan ko… kaya ito lang po ang nabili ko.” Wala nang mahabang explanation, diretsyo na ako agad sa punto. “Kayo po, gayak na gayak po ata kayo. Ano pong mayroon?”
“Oo nga pala… naghihintay na si Felix at ang lola niya sa garden.” And he mouthed to us, “We’re having dinner.”
And with that, kumabog nang sobrang bilis ang puso ko. Nagsimula na akong kabahan the moment na malaman kong nandito na ang lola ni Felix. Siya kasi talaga ‘yong pinaghandaan ko nang bongga bago harapin… pero ngayong nandito na pala siya sa Pilipinas… biglang nababahag ang buntot ko. Gusto kong magtago. Gusto kong tumalikod.
P’wede kayang magsakit-sakitan muna ako?