Chapter 8

2259 Words
“Hindi alam ng mga magulang ni Ziah ang tungkol sa nangyari sa kanya. Walang kahit sino sa amin ang nagpaalam ng about sa nangyari, so her parents are expecting her to meet Ziah tonight. Ako na kako ang bahalang magdala sa kanila kay Ziah… and you’re going to be the one to use her identity for the meantime, Julie.” Naiinis ako, actually. Naiinis ako sa part na bakit hindi kaagad sinabi sa akin ni Felix na dalawa pala ang magiging trabaho ko kapalit ng salary ko na ipinangako niya. I mean… okay lang naman sa akin na magtrabaho ng dalawang job. Ang hindi lang ayos sa akin ay nabibigla ako sa nalalaman. Kagaya nito… gusto ko talagang umatras at ‘wag nang tumuloy sa pupuntahan namin, pero wala. Mukhang malapit na kami. Masyado nang late para makapag backout ako. “Hindi ba ako mapapahamak nito sa mga pinapagawa mo sa akin, Felix?” Nang makababa na kami sa sasakyan, nanatili lang ako rito at sumandal. “Magpapanggap ako bilang asawa mo… tapos magpapanggap din ako bilang anak ng dalawang taong hindi ko naman kilala. Kung malaman ng papa ko itong pinasok kong trabaho, 50k words na sermon ang aabutin ko nito sa kanya, e.” “Gusto mo bang umatras?” “P’wede ba? P’wede pa ba akong mag-backout?” Namutawi ang lungkot sa mga mata niya nang iwasan niya ako ng tingin. “Alam ko namang hindi ko na p’wedeng talikuran itong trabaho na pinasok ko, e. Besides, nakapagpirmahan na tayo ng contract bago ko pa man malaman ang tungkol sa bagay na ito. Kasi sa totoo lang, kung sinabi mo ito kaagad sa akin… hindi na talaga ako tutuloy.” “Julie, hindi ka naman mahihirapan. I can make sure to you that they will not doubt you as someone faking their daughter’s identity.” “Paano mo nasabi?” Pagak akong natawa nang marinig ang sinabi niya, na akala mo isa siyang expert na manghuhula na kayang makinita ang mangyayari sa future. “Magulang sila no’ng Keziah. Syempre kilalang-kilala nila ‘yong anak nila, sa kilos at pananalita. Sa lahat-lahat. Samantalang ako, ni hindi ko nga kilala ‘yon o nakikita pa. So, anong pagbabasehan ko para gayahin ang pagkatao niya, ‘di ba?” “As I say…” Hinawakan niya ang balikat ko nang lumapit siya sa akin. Malapit na kasi talaga akong sumabog, e. Naghalo-halo na ang emosyon. “Hindi nila nakasama ng ilang years si Ziah. Hindi nila nakasamang lumaki dahil dito sa Pilipinas lumaki si Ziah, kasama ang lola niya. E, ang parents niya naman ay nasa ibang bansa dahil sa trabaho.” “Ngayon lang nila ulit makikita ang anak nila, after so long. Maninibago sila sa itsura niya since nang huli nilang makita si Ziah ay no’ng eleven-year old pa lang siya, so when they meet you… hindi na sila magtataka pa sa itsura mo. From eleven-year old child to 23… talagang mag-e-evolve ang itsura ng isang tao, ‘di ba?” So… kaya pala malakas ang loob ng lalaking ito na gamitin ako bilang isang taong magpapanggap din bilang Keziah? Safe nga naman na hindi nakita ng parents ni Keziah ang sarili niya sa mahabang panahon… so, ‘yong complexity ng mukha ay malamang mag-iiba at maninibago ‘yon sa mga mata nila. “Besides… just recently, nakapag-usap ang lola ko at mga parents ni Ziah. And they have an agreement to let us married each other-” “So, kay Keziah ka pala engaged?” Tumaas-baba ang ulo niya, which he says ‘yes’. “E, bakit ka pa naghahanap ng magpapanggap bilang asawa mo kung engaged ka na pala sa babaeng ‘yon? Anong silbi ko rito?” “Paano ko naman mapapakasalan ang isang taong natutulog sa ospital?” My mouth formed an O. “Ahhh… so, ang main role ko pala talaga rito ay magpanggap bilang si Keziah. Kabuntot na no’n na ‘pag nagpanggap ako bilang ako ang babaeng ‘yon, ako rin ‘yong gaganap bilang fake bride mo. Correct?” “You generated the thoughts right.” Naramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko, and he was forcing himself to gave me a smile. “Pasensya na talaga kung kinakailangan kitang isama sa gan’tong kakomplikado na sitwasyon. I just badly need your help. Kaya nga six months lang ang itatagal ng kontrata natin—as we are expecting Ziah to wake up at that time span.” “Pero paano ‘yon?” Nangunot ang kilay ko bigla. “Paano kapag nagising na nga siya tapos wala na ako sa picture, hindi ba magtataka ang lola mo pati ang parents niya kung bakit biglang nagpalit bigla ng mukha si Keziah?” “Settled na ang plano namin doon. She’ll undergo plastic surgery once she recovers.” Naglalakad na kami papasok sa mukhang mamahalin na restaurant na pinuntahan namin. But then, once I heard what he has said, napahinto ako sa paglalakad. “And yes… that’s the plan. Ang gayahin ang mukha mo.” “At magkakaroon pa nga ako ng kakambal na hindi ko naman kadugo,” amazed kong sabi. — “Naninibago talaga kami rito sa Pinas ngayon. Parang si Ke. Ang laki ng pagbabago,” ang sabi ni Cynthia Del Rosario, ang nanay ni Keziah. “You’re all grown up, anak. Ang ganda mo lalo.” Inalala ko ‘yong mahigpit na bilin sa akin ni Melody kanina; na dapat ‘pag sasagot ako, mahinhin lang. Hindi p’wedeng rockstar o parang nakikipag-usap ako sa kung kani-kaninong tambay. Kung iisipin kong magulang ko ang dalawang tao na nasa harap ko, I should pay them respect. “May pagmamanahan pa po ba ako ng ganda maliban sa inyo?” And I decided to return the compliment back to her. “Maganda po lahi natin, e. Hindi na po ‘yon nakakapagtaka.” Katulad ng pagiging mahinhin ko sa pagsasalita, ‘yong paghigop sa ka-se-serve lang na mainit-init na mushroom soup, walang-ingay ko itong hinigop. “Bolera ka, huh? Mana ka sa papa.” “Hindi naman, ma,” natatawang sagot ni Oscar Del Rosario, ang tatay ko dapat. “Nga pala, kailan n’yo ba balak magpakasal?” Naiwan na nakalutang sa ere ang kutsara na may laman na soup nang dahil sa naging laman ng dialogue ni Papa. Well… kailangan ko nang sanayin maski sa monologue ang sarili ko na tawagin as Mama and Papa ang dalawang ito… kahit na nakiki-magulang lang naman ako sa totoong Keziah. “The date is yet to be announced, tito,” si Felix na ‘yong sumagot. Ano ba naman kasing alam ko sa kasalan, e ako nga mismo ay hindi pa rin ready na magpakasal. Kahit na sabihing may schedule ang divorce naming dalawa, still hindi ako prepared sa wedding vows! “Pero nagsisimula naman na po kaming magplano ngayon. Siguro kahit bukas o mamaya po ay mapag-usapan na namin ni Ziah ‘yong date ng kasal.” Argh! Hindi talaga ako sanay na tinatawag ako ni Felix sa pangalan na ‘yon. Tipong Julie ang pangalan ko, pero Keziah ang tawag niya sa akin. So, ‘pag tinawag niya ba ako o kahit sino sa kanila sa pangalan na ‘yon, para lang hindi masyadong halata na nagpapanggap lang ako, required talaga akong tumingin? My goodness! “Mabuti naman kung gano’n. Alam n’yo, ‘di n’yo naman kailangang magmadali sa pagpapakasal. Mas maiging mabagal lang o ‘wag n’yong madaliin ang mga bagay-bagay… para alam n’yo na… hindi rin magmadali ang tadhana na tapusin ang relasyon n’yo, ‘di ba?” Suddenly, I bit my lower lip. Nakakapanghinayang naman pala na inaasahan ng mga magulang ni Keziah na magtatagal ang relasyon ng anak nila kay Felix… though six months lang naman ang itatagal ko. Kaya lang, kung sabagay… hindi naman nga pala nila mapapansin na mawawala na ako sa family picture after ng anim na buwan… so, siguro ay wala naman nang magiging problema pa roon. Ma-accomplish ko lang talaga nang maayos ang trabaho ko, solve na ako. “Nako, Oscar… hayaan mo na ang mga bata kung gusto nilang agarin ang pagpapakasal. Nang mabigyan na rin nila tayo ng mababait at makukulit na mga apo, ‘di ba?” Sa tabi ko ay nasilip ko ang pagyugyog ng balikat ni Felix, senyales na natatawa siya. So, nakitawa na lang din ako para naman hindi ako masabihang KJ nito. Kaya nga lang ay parang naging awkward ang tawa ko… kasi I’m not comfortable talaga na makipagtawanan sa kanila. Uncomfy pa nga sa akin na banggitin ang tungkol sa pagkakaroon nila ng apo. Like… wala naman akong balak magpabuntis sa Felix na ito, ‘no! Hindi kasama sa kontrata na kasama sa pagpapanggap ko ay dapat anakan niya rin ako. Doon ako talaga magrereklamo. “Darating po tayo riyan,” alangan na sagot ni Felix. Hindi ko alam ang isasagot ko lalo na’t delikado kung magsasalita ako nang magsasalita. Minsan pa naman ay nawawalan ng preno ang bibig ko. Kung magkataon na madulas ako sa sarili kong dila, mababasura lahat ng pinlano ni Felix para lang makuha ang pamana sa kanya ng nanay niya. Hay nako. — Wala akong choice kung hindi ang sumama sa tatayong magulang ko na umuwi. Hindi raw ubrang kay Felix ako uuwi kasi hindi pa naman daw kami mag-asawa. Kaya nga tadtad ako ng text messages ni Felix na mag-ingat daw ako sa mga sasabihin ko and so on. Well… dapat lang naman talaga na mag-ingat ako kasi ‘pag hindi ko ginawa ‘yon, kasama ako sa matitimbog. “Nagustuhan mo ba ang kwarto mo, anak?” ang rinig kong tanong ni Mama. “Pinaayos ko ‘yan kay Nanay Sylvia para naman kahit papaano, e sa tagal na nating hindi nakauwi rito sa bahay, alam kong na-miss mo ang dati mong kwarto.” Niyakag niya akong pumasok sa malaki at malinis na kwarto kung saan ako tutuloy. Sakto lang naman ang laki nito para sa isang tao, kaso ‘yong kama ay double size ang laki… kasyang-kasya ang tatlong tao roon. Mayroon ding flat-screen TV sa loob, may sariling living room na mayroong isang mahabang sofa. At mayroon din itong banyo, wardrobe, at sa dulo ay isang table kung saan p’wede ako roong magtrabaho—as if may trabaho ako maliban sa pagpapanggap na ibang tao? “Nagustuhan mo ba, Ke?” Tumango ako bilang sagot. “Hindi naman po kaso sa akin kung gaano kalaki o kaliit ‘yong kwarto ko. Comfortable naman po ako sa kahit ano, ma. Pero… thank you po sa effort.” “Syempre naman… ngayon lang kasi tayo magkakasama ulit. Gusto kong kahit sa gan’tong bagay lang ay mapasaya kita.” Nagpapa-cute siya sa akin na ewan bago siya lumapit sa akin at hinagkan ang noo ko. “Totoo nga ang kwento sa akin ni Felix… talaga ngang ang laki na ng ipinagbago mo mula sa noon. You become a better woman now.” Bumitaw rin siya pagkaraan sa mahigpit niyang yakap, pinagmasdan ako ng may namumungay na mga mata at ang kanyang mukha ay sinakop na ng malawak niyang pagngiti. “Parang noon lang kasi ay sobrang pasaway mong bata. Never kong na-imagine na sa 12 years na lilipas… mag-ma-mature. I never saw that coming, Ziah. And I’m proud of you… because you become a better woman even without our guidance.” I just smiled as a response. Hindi ko kayang tingnan ang mga mata ng ginang na ito na punong-puno ng paghanga sa akin… na kung tutuusin, hindi ko naman deserve na matanggap. Mananalangin na lang talaga ako na sana ay bumilis lumipas ang anim na buwan para tapos na ang trabaho ko rito at nang makabalik na ako sa normal kong pamumuhay. Kasi kung magtatagal pa ako, baka hindi na kayanin ng konsensya ko ang pinaggagagawa ko alang-alang sa pera. “Open ka bang makipagkwentuhan muna sa akin?” “Bakit naman po hindi?” Sabay kaming naupo sa kama. Maaga pa naman para matulog kaya pinagbigyan ko na lang siya. “Ano po bang gusto n’yong pag-usapan?” “Iyong side mo… sa naging desisyon namin ng papa mo na ipagkasundo ka na ikasal kay Felix.” May pag-aalinlangan pa siyang ituloy ang nais niyang iparating, but then when she looked into my eyes, I nodded and smiled. “Galit ka ba sa amin kasi nagdesisyon kami ng gano’ng bagay para sa iyo?” “Para saan pa po na magalit ako kung ang hangad n’yo lang naman po ay mapabuti ang future ko?” This is my first day of pretending… kaya sa isip ko, sana ay epektibo ang plano kong magpaka-demure at maging mahinay lang sa bawat pagbigkas ng mga letra. “Hindi ko po tinitingnan na mali ang ginawa n’yong desisyong ni Papa. Kaya ‘wag n’yo na pong isipin na may sama ng loob po ako sa inyo.” But then in my mind, kapareho ko kayang mag-isip si Keziah? “Nako…” Abot-tenga ang ngiti ni Mama sa akin na para bang kilig na kilig pa siya nang yakapin akong muli. “Akala ko pa naman ay magagalit ka sa amin dahil doon. E, ginawa lang naman namin ‘yon, anak… kasi nakikita naming may potensyal si Felix na alagaan ka at mahalin hanggang sa nabubuhay ka. Mapapanatag ang loob namin ng papa mo na mawala sa mundo gayong alam naming sa tamang lalaki ka maiiwan.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit parang… nagpapaalam na sila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD