Biglang nagbago ang isip ni Melody nang mayroon pa pala siyang isang mahalagang bagay ang kailangang ituro sa akin---ang paglalakad ng maayos nang hindi nadadapa o natitipalok sa suot na mataas na sapatos. 6-inches ang taas ng heels ng stiletto na gustong ipasuot sa akin ni Melody, samantalang ang nakakasanayan ko lang na sapatos na suotin ay madalas flat shoes pa nga. Kung magsusuot man ako ng may heels na sapatos, 2-inches lang ang taas no'n.
"Kailangan ba talaga 'to?"
"Oo naman. Isang pagsubok ito na kailangan mong pagdaanan." Ibinaba niya sa harap ko 'yong high heels na isusuot ko, at nang mamasdan ko pa lang 'yon ay nalulula na ako sa taas. "Gan'tong klase ng mga sapatos ang gagamitin mo in the next coming days, Julie. Kaysa naman mangapa ka pa sa paglalakad at ako pa ang mapagalitan ni Felix dahil muntik ko na ngang makalimutan na i-train ka rito, e maigi nang mayroon ka nang background."
"You know… to walk elegantly makes you classy and expensive. At 'yon ang goal natin for today. Dapat mong sanayin ang sarili mo sa mga bagay na hindi ka pamilyar. Kasi once na nagsimula na ang trabaho mo, Julie… wala kang choice kung hindi ang gawin na 'yon… as part, of course, ng pagpapanggap mo."
Nang matapos kong maisuot 'yong sapatos na saksakan ng taas ang takong, hindi ko magawang i-balanse nang maayos ang katawan ko. Pakiramdam ko kasi ay once maglakad ako suot ang sapatos na 'to, feeling ko matutumba ko kahit isang hakbang palang naman ang gagawin ko.
"Feeling ko hindi ko kaya 'to. Hindi ba pwedeng matawaran sa taas ng takong 'to? Kahit 4-inches?" Mukha na nga akong nakikipagtawaran na nito sa palengkeng ayaw ibigay ng P100 ang P150 per kilo ng karne ng baboy. "Hindi ko in-expect na nakakangalay pala talaga 'to. Nakakalula kaya sa taas! Baka habang naglalakad ako nito, e himatayin pa ako sa taas."
Hindi ako nagbibiro. Seryoso ako sa sinasabi ko pero ewan ko ba rito kay Melody kung anong dahilan niya para tawanan ako. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko para maging enough reason na 'yon sa kanya na maging talking clown ako.
"Julie… you know… I'm sorry, I can't stop laughing," tumatawa niyang sambit. Mukha na nga siyang mauubusan ng hininga dahil sa kakatawa niya. Baliw ba 'to? "Alam mo… sa una lang mahirap 'yan. Masasanay ka rin." Nang mahimasmasan siya kakatawa niya ay bumalik na rin sa normal ang itsura niya. "I'm sorry… natawa lang talaga ako sa iyo kanina. You're so funny kasi-"
"Saang banda?"
"I mean… your face. Natawa lang ako. But… I'm not laughing because of you, being innocent with these things. It's not like that." Nagdahilan pa talaga siya para pagtakpan na ginawa niya naman talaga akong katatawanan. "Anyway, back to the lesson na tayo. The first thing you shall learn and your body should be familiar with is by standing for five minutes wearing high heels without being out of balance."
"For five minutes?"
"Yes. Dapat nga ay ten minutes, kaya lang para sa mga kagaya mong first timer ay ginawa ko na lang na five minutes."
So… naiklian pa pala ang time na 'yon para sa akin? Pero for me… sobrang haba pa rin ng limang minuto na pagtayo nang hindi ako nawawala sa balanse dahil sa taas ng takong nito, e. Ang taas kaya! Baka nga hindi pa ako tumagal ng isang minuto, e nakaupo na ako agad sa silya.
"Stand up."
Wala naman akong choice kung hindi ang sundin siya. Para sa trabaho ay kailangan kong ayusin ito. Laban lang!
Malalim na buntong-hininga ang hinugot ko mula sa kailaliman ng lungs ko, at buong lakas kong itinayo ang mga binti kong nanginginig na sa sakit at sa ngalay.
"Isang bagay na p'wede kong ibigay sa iyo as a tip ay 'wag kang yuyuko. 'Wag kang masyadong mag-focus sa mga paa mo. 'Wag mong pansinin ang panginginig ng mga binti mo. Kasi habang pinagmamasdan mo ang gan'yang mga bagay, mas binibigyan mo lang ang katawan mo ng dahilan para sumuko at tuluyan nang bumigay." Gamit ang kanyang hintuturo sa kanan, iniangat niya ang baba ko, diretsyo lang ang tingin sa harap. "Now… you can focus more on standing your feet on the ground. 'Wag mong isipin na hindi mo kaya, na nakakapanghina ang ginagawa mo o nawawalan na ng lakas ang binti mo. Instead… Think of the other way. Isipin mong mabilis lang lilipas ang limang minuto… and you will surpassed this challenge without being aware that the time is already finished."
Tulad ng sinabi niya, 'yon ang ginawa ko. Good thing na nakatulong naman sa akin kahit papaano na tumagal kahit tatlong minuto bago ako matumba sa pagkakatayo. Hindi na rin naman masama. First trial pa lang naman, and I still have infinite trials left to try and be better with this challenge.
Basta't alam ko na ang technique para hindi na ako malula sa napakataas na takong ng sapatos na suot ko. Dapat ko lang isipin at laging itatak sa utak ko na dapat 'wag kong pagdudahan ang sarili ko na baka hindi ko ito kayanin---imbes ay dapat isipin ko at mas i-encourage ko pa ang sarili ko na kaya ko itong gawin at kaya ko itong tapusin. Hindi isang nakakalulang takong ng sapatos ang kaya akong pabagsakin at pasukuin sa trabaho ko, 'no!
"And walk." D-in-emo niya pa sa akin ang dapat maging paraan ko ng paglakad, na para bang sasali ako sa pageant at kailangan ay matuto pa akong rumampa. "Stand straight. Direstyo lang ang tingin. Taas-noo ka dapat ka maglalakad. With fierce eyes, poker-face. And most importantly, be indestructible. You make yourself elegant and expensive when you show to other people they should pay you expensively in order to talk to you."
Mukhang dito na mauubos ang lakas ko. Sa paglalakad habang suot ang mahabang takong ng sapatos na ito.
---
Sampo, labing-isa, and so on… nakarami kami ng beses ni Melody sa pagsasanay sa akin sa paglalakad nang nakatakong bago siya makuntento sa ika-tatlumpung beses kong paglalakad. Okay na raw 'yon sa kanya… pasado naman daw.
At ngayon, sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung para saan at bakit inaayusan niya ang mukha at buhok ko. Mayroon ba akong importanteng lakad?
"Nga pala, sa paraan ng pakikipag-usap at pagsasalita, I wanted to remind you that prohibit yourself to talk when your opinion doesn't asked. 'Wag kang makikisali na parang chismosa sa usapan ng iba kung hindi ka naman kasali. At 'wag na 'wag ka ring sasagot sa tanong ng isang tao kung hindi naman para sa iyo 'yong tanong."
"Kung baga… magsasalita lang ako 'pag hiningi na nila 'yong opinyon ko?"
"Yes-"
"Bakit?" pagputol ko sa sinasabi niya. Napadilat tuloy ako nang wala sa oras, at siya ay napurnada ang paglalagay ng eyeshadow sa eyelid ko. "Most of the time, 'yon pang mga tao na may tangan ng katotohanan at may laman ang argumento, sila pa 'yong hindi nahihingan ng opinyon. Sila pa 'yong napatatahimik para hindi na maikalat 'yong totoo. Paano pala kung magiging malaking tulong, for example, ang pakikisali ko sa usapan nila? May freedom of speech naman ako para magpahayag din, 'di ba?"
Pagak siyang natawa. Lumayo muna siya sa akin at binitawan muna ang hawak niyang brush na ginagamit niya sa paglalagay ng eyeshadow.
"Julie… lahat ng tao ay mayroong freedom of speech. Pero sana maintindihan mo rin na may mga bagay na hindi open para sa opinyon ng iba. May mga taong hindi bukas ang sarili nila at isipan para tumanggap ng opinyon ng iba---lalo kung hindi naman nila kilala. Hindi ko sinasabing mali ang magpahayag ng opinyon. Ang point ko lang… hindi natin mababago ang reyalidad ngayon kung saan mayroon talagang mga tao na gano'n. Either hindi ka nila pakikinggan o hindi sila handa na makinig sa iba."
"That's the point I want to elucidate with you, Julie. Kaya kahit alam mong counted ang magiging opinyon mo, mas safe pa rin kung mananahimik ka na lang… at hayaan mo silang intindihin na lang ang sarili nilang buhay. It is sometimes not good to meddle with someone's business. You know… it is peaceful when you mind your own business. Doon ka na lang makuntento, at piliin na 'wag na lang makialam pa sa buhay nila."
"That's one thing you should keep in mind, okay? At maging mahinay ka rin at hindi matalak sa pagsasalita. Be demure as possible."
"Klaro." Hindi ko na pinili pang makipagtalo kay Melody.
May punto naman siya, e. Ang sinasabi niya naman ay patungkol din sa katotohanang mayroon talagang mga tao na ayaw nadidiktahan ng opinyon ng iba… kahit na ba para din 'yon sa ikabubuti nila. Besides, hindi rin naman kasi lahat ng opinyon ay dapat ngang maging counted. Lalo na kung ang source naman pala ng taong nagbibigay ng opinyon ay chismis lang. Hindi reliable source… dahil alam naman natin na ang chismis, nadadagdagan ang kwento habang ipinapasa sa another chismosa.
Ipinagpatuloy na lang ni Melody ang pag-me-makeup niya sa akin para sa isang lakad na ni hindi man lang ako in-inform ni Felix kung anong klaseng lakad kaya ang pupuntahan namin mamayang gabi. Buong akala ko kasi ay dito lang ako kay Melody at aabutin kami ng magdamag sa lesson namin sa pagiging elegante at classy.
But, look at me now… malapit nang umayos ang mukha ko. Habang ang buhok ko naman ay tapos nang kulutin ni Melody kanina. Ang tanging kulang na lang talaga sa akin, bukod sa makeup na hindi pa tapos, ay magayakan na ng damit. Mukha akong a-attend sa party talaga---o baka naman sa party talaga ang lakad namin?
---
"In all fairness, magaling talaga mag-ayos 'yong si Melody. She never fails to amaze me," ang narinig kong sambit ni Felix nang nasa gitna na kami ng biyahe. "Ginawa ka niyang maganda tonight, ha?"
"Maganda naman kasi talaga ako," confident kong sabi. "Napapangitan ka ba sa akin kanina?"
Nagbibiro lang naman ako habang natatawa. Kasi mukha namang mabait at sumasakay sa pagbibiro si Felix. Ang weird nga na wala pa akong isang linggo na itinatagal sa trabaho ay parang ang gaan na agad ng loob ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay hindi niya ako binabakuran na maging feeling close sa kanya at biru-biruin ko siya kung kailan ko gusto.
"Mas gumanda, I mean," pagbawi niya sa sinabi kanina. "Anyway, sana walang mangyaring hindi maganda mamaya. I assume Melody has teached you everything you should know, by how you should act in a professional place."
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Nilingon ko siya nang may nagtatakang mga mata. Siya naman ay diretsyo lang sa daan ang tingin, sabay nagkibit-balikat pa sa akin. "Bakit ba ayaw mong sabihin?"
"Basta mag-relax ka lang diyan, and make sure na ihanda mo ang sarili mo para mamaya. Malayo-malayo pa naman ang magiging biyahe natin kaya tiyak ay makakapag-relax ka pa… and calm yourself enough while we're here."
Sa mga sinasabi nitong si Felix with a serious look on his face as he quickly glanced at me, pinapakaba niya nang bongga ang puso ko. Mas lalo niya lang akong ginagawang curious 'pag gan'yang ayaw niyang sabihin sa akin o ayaw niyang diretsyahin sa akin ang sagot sa simpleng tanong ko. Mahirap bang sagutin ang tanong ko, e nagtatanong lang naman ako kung saan kami patungo. Mahirap ba magsabi ng lugar?
"Ma-mi-meet ko na siguro ang lola mo?" pagtatanong ko… and at same time, pagdududa na baka roon nga kami patungo. "Akala ko ba bukas pa ang uwi niya? Bakit napaaga?"
I heard him sigh. "Hindi si Lola."
"E, sino nga kasi?"
Hindi ko na talaga mapigilan pa ang magtanong nang magtanong. Curious na kasi talaga ako… sobra. Marindi man siya sa akin pero hindi ako titigil sa pagtatanong hangga't hindi niya ako binibigyan ng sagot.
"You really want to know-"
"Hindi pa ba obvious? Sabihin mo na kasi, Felix!"
"I'm sorry for not telling you about this, but…" Mukhang ito na 'yong hinihintay ko. Mukhang sasabihin niya na. "For the meantime, you will be the acting daughter of Mr. and Mrs. Del Rosario. Sila ang i-mi-meet natin ngayon, Julie."
Namilog ang mga mata ko sa narinig, and I was like really shocked while glancing at Felix. "Hindi ko pa rin gets. Ipaliwanag mo pa."
Ilag ang tingin niya sa akin. "From now on, you will live as Keziah Lorainne Del Rosario---and you will be engaged with me."
"Teka-" Napahinto ako… naguguluhan pa rin. "Sino naman 'yong Keziah? Bakit ako magpapanggap na siya? Akala ko ba ang tanging trabaho ko lang ay magpanggap na asawa mo?!"
"You need to have a strong and decent family background para matanggap ka ng lola ko. And besides, kaibigan ng pamilya namin ang tatayong mga magulang mo, Julie. Kauuwi lang nila from Seoul, and hindi nila nakilala at napalaki ang anak nilang naiwan dito… so, it's safe if you're going to use Ziah's name for the meantime."
"E, teka… Nasaan ba 'yong totoong Keziah?"
"She's… in the hospital. Naaksidente from a plain crash… and she's been comatose for 1 year and 3 months."