Chapter 6

2341 Words
Parang insulto naman sa pagkatao ko ang binanggit ng lalaking ito! Gusto niyang matutunan kong manamit nang maayos at umaktong sosyal at hindi makabasag-pinggan? Gaano lang ba kadali na aralin ‘yon para dalhin niya pa ako—teka… nasaan nga ba kami? “Bahay ito ng kaibigan ko… si Art. At ‘yong asawa niya ang punta natin dito—si Melody—and she’ll be the one to guide you with your lessons for this day,” dinig kong sambit ng katabi ko. Hindi na siya nag-abala pang gamitin ‘yong doorbell ng gate. Siguro ay kakilala naman niya ang may-ari ng bahay kaya kahit hindi na mag-doorbell ay wala naman sigurong malisya kung pasukin na niya ‘yong bakuran nang hindi alam ng may-ari ng bahay. Syempre alam ko kasi gan’yan kami sa Sitio. Wala nang katok ng pinto ang nangyayari. Basta ba hindi ‘yon naka-lock ay diretsyo pasok na agad. “Sabi na nga ba… kayo na ‘yong dumarating,” salubong sa amin ng isang babae—na mukhang siya na ‘yong Melody na tinutukoy kanina ni Felix. “Tuloy kayo.” Inanyayahan na niya kaming pasukin ang hindi kalakihan ngunit sa tingin pa lang ay ang lakas nang maka-elegante ng bahay niya. Nga naman… na ang isang bahay ay hindi nasusukat sa laki para magmukhang elegante. Kasi itong bahay ni Melody, sakto lang naman ang laki para sa isang mag-asawa at isang pamilya… kulay puti ang mga walls at mayroong chandelier na sakto lang din ang laki na nakasabit sa may living room nila. May malaking flat screen TV roon at nasa gitna ang isang mahabang sofa, habang sa dalawang gilid nito ay dalawang single-seater sofa, at sa gitna ay mayroon maliit na table na p’wedeng patungan ng remote, ng pagkain o cellphone. “Ang linis tingnan ng bahay,” ang naibulalas ko habang iniinspeksyon ang hagdan nila patungong second floor na mayroon pang red carpet sa gitna. Diretsyo lang ‘yong hagdanan paitaas, at mukhang sa second floor ang Master’s bedroom at another bedroom para siguro sa mga anak nila. “I really am,” aniya. Hindi ko inaasahang narinig pa pala ni Melody ang sinabi ko. “Pareho kasi kami ng asawa ko na ayaw tumira sa hindi malinis na bahay. Nga naman, paano ka makakatira sa maruming bahay nang comfortable, ‘di ba?” Sabagay… tama. Pero sa kaso ko naman, sanay na ako. Malinis man o marumi ang bahay namin, nakakatulog pa rin naman ako nang mahimbing. Paano naman kasi ako makakapaglinis kung overloaded ako ng trabaho halos araw-araw? Ni hindi nga ako matigil sa bahay namin… idagdag pa na dumarami na kami na nakatira sa bahay kaya marami na ring nakakapag-ambag ng dumi at kalat doon. Sina Mama naman, e kung maglinis ng bahay… depende pa kung kailan sila sisipagin na maglinis. “P’wede mo na siyang iwan sa akin, Felix. Maipagkakatiwala mo naman sa akin itong si Julie.” “I’ll be right back. Sana pagbalik ko, e okay na kayo.” “Teka… saan ka ba pupunta?” pagpigil ko sa kanya na umalis. Hindi naman dahil ayaw kong maiwan dito nang mag-isa, pero curious lang kasi ako kung bakit kailangan niya pa akong iwan dito, e. “Basta mahalaga itong pupuntahan ko.” Iyon lang ang tanging sagot na natanggap ko sa kanya, at after that ay tuluyan na siyang lumabas ng bahay. “Let’s start, shall we?” Napalingon naman ako kay Melody nang magsalita na siyang muli. “Nabanggit sa akin ni Felix ang dahilan niya para dalhin ka niya rito at pakiusapan ako na turuan kang manamit at gumalaw nang elegante.” “And you know what… your job is really difficult to execute. In my entire life living in the world, I never experienced working as you… like your job… to pretend to be Felix’ wife. Malaking bagay na magpapanggap ka… na lolokohin n’yong dalawa ‘yong mga tao para mapaniwalang kasal kayong dalawa para lang makuha ‘yong hangad ni Felix na pamana sa kanya. And that’s why you’re here… with me… and wanting to train you to be the woman you could wear on to face his family members and relatives.” “Nagreklamo ako sa kanya noong una. Kasi nag-aalala ako sa iyo sakaling magkabistuhan… I asked him kung anong plano niya sa iyo once na mangyari ‘yon? Kung hahayaan ka na lang ba niyang lumutang sa ere o pananagutan ka niya—because in fact, you are his responsibility. Good thing I hear from him na hindi ka naman niya pababayaan once na mangyari ‘yon. And I find his reasons valid; he really wants to put into his hands the heirloom his mother left to him. Karapatan niya ‘yon, and at the same time ay marami siyang plano para doon sa mga pera.” He has pretty projects to be established, aimed to help those people who have no shelter to hide their body. May housing project siyang binabalak simulan, at ‘yong mga perang ‘yon ang magsisilbing funds niya para maituloy. Kaya dahil doon, e nagbago ang isip ko. Kahit na delikado, I wanted to offer him my help. Even in small things like this.” Sa totoo lang ay hindi ko maintindihan kung anong point ni Melody para ikwento pa sa akin ang talambuhay ni Felix, and ‘yong mga reasons niya na hindi naman ako interesado na malaman. Sa isang bagay lang naman kasi ako interesado kaya ko pinatos ang delikado at mabigat na trabahong ito—at ‘yon ay para kumita ng malaking pera. Gusto kong maging sulit ang kikitain ko rito para naman hindi ko pagsisihan na iniwan ko ‘yong mga raket para lang dito. “Kaya sana… makipag-cooperate ka. Tandaan mo na ang pagpalpak mo sa trabaho, p’wede n’yang ibasura lahat ng mga efforts na ginawa at itinulong ng mga kaibigan ni Felix para lang maisagawa ang planong ito. One mistake from you would mean wasting the help we offer to him.” Lumakas tuloy ang pagdagundong ng puso ko nang dahil sa sinabi ni Melody. Hindi na lang sana niya diniretsyo sa akin na bawal akong magkamali sa trabahong pinasok ko, dahil kung sakaling mangyari ‘yon… sayang ang lahat ng efforts nila nang dahil sa akin. Well, I rarely performed wrong with such things… pero hindi ‘yon magiging sapat na basehan para sa akin para makuntento akong hindi ako makakagawa ng pagkakamali. Because I’m just a human… and I’m capable of doing wrong sometimes. — “When you’re eating, sitting properly is essential. ‘Wag kang huhukot o yuyuko sa pagkain na parang dinadasalan mo ‘yan para makakain.” Nakapwesto siya sa harap ko, at mayroong plato—which is tig-isa kami—at sa puting plato ay mayroong malambot at bagong luto na steak doon. “You should sit while your back is straight. Hindi ka sasandal sa upuan. Straight lang dapat.” Grabe, hindi ko naman in-e-expect na gan’to pala umakto as elegant. Kailangan pala sa pagkain pa lang, e straight na straight na ang katawan ko. Hindi kaya ako magka-osteoporosis nito? Sa kakagaya ko kay Melody sa paraan ng pagtuwid niya sa kanyang likod, feeling ko mababanat ‘yong spinal cord ko… tapos mamaya ay mabali na ito nang tuluyan—edi ang ending n’yan maging palamunin pa ako sa bahay. “Not too much straight, Julie. ‘Yong saktong pagtuwid lang.” Tumayo siya roon sa upuan niya and then lumapit siya sa akin. Bahagya niyang inihukot ang likod ko, na tila ba napasobra nga ata ako sa pagtuwid nito. But then, straight body pa rin naman at nakakangalay, pero hindi na katulad ng feeling ko kanina kung saan pakiramdam ko ay mababalian na ako ng buto. “What comes next is that…” Bumalik na siya sa upuan niya kung saan niya nagkakatanawan ang mukha naming dalawa. “When slicing the steak, gentle lang dapat ang galaw mo. Gentle lang ang paghiwa, in a way na hindi makukuskos ng metal na kubyertos ang plato. When that happens kasi, masakit sa tenga ang ingay na p’wedeng i-produce n’yan. Hiwang pang-kargador ‘yon… and please don’t cut the steak that way.” As if hindi ko in-e-expect na kasama maski ang tamang paghiwa sa steak sa magiging lesson na dapat kong matutunan ngayong araw. Nasaan na kaya ang kalayaan ng tao na hiwain sa paraang gusto nila ang pagkain kung gan’tong pati sa paghihiwa ng karne ay kailangan pa talagang matutunan para lang magbalat-kayo na isang sosyal na tao. So, as instructed… sinundan ko si Melody sa paghihiwa ng steak niya. Patagilid niyang ipinwesto ang knife, and then ‘yong pagkakatuhog ng fork sa karne ay hindi sobrang diin, at hindi rin sobrang OA ng hawak sa handle—na tipong tatakbo ‘yong karne paalis sa plato. At bilang pa-diagonal ang pwesto ng knife, pa-diagonal din ang pwesto ng paghihiwa. I sliced the steak gently while following Melody’s demonstration to cut the meat. Nang makahiwa na ng piraso, gamit naman ‘yong fork ay sa marahang paraan niya lang ‘yon isinubo sa bibig… nang hindi ito ibinubuka nang malaki. Sa isip-isip ko nga ay naartehan ako rito kay Melody. ‘Yon nga lang ay kailangan ko nga pala na gayahin ang ginagawa niya—so, ending ay maarte na rin ako. Hindi naman kasi ako na-inform na ang ibig sabihin pala ng pagiging elegante ay pagiging maarte. “While you feel thirsty, hold your glass like this.” Kinuha niya ‘yong baso nang nakapilantik ang hinliliit niyang daliri. At ‘yong baso niya ay tinungga niya nang hinihigop ‘yong juice nang pakonti-konti lang. “Always make sure na ‘wag kang iinom ng tubig na parang nagmamadali ka at parang isang linggo kang hindi nakainom ng malamig na tubig.” “Kung matuluan man nang kaunti ang gilid ng bibig mo, lagi namang may table napkin na available. ‘Wag mahihiya na kumuha at marahan lang, always, mong i-tap ito at punasan ang gilid ng labi mo.” “Idagdag ko na rin na ‘pag ngumunguya ka, always close your mouth. Iwasan mo rin ang pagsasalita habang may nginunguya pa ang bibig mo. Hindi ka baboy para gawin ‘yon. And to act like that… nawawala ang table manners mo.” Ang nagawa ko na lang sa kanya the whole time of the talking is to just nod my head, as if I fully understand everything she has said. Pero sa katunayan naman kasi, e wala akong naiintindihan. I mean… naiintindihan ko naman kahit papaano… pero ang hindi ako sigurado ay kung matatandaan ko pa ba ang mga itinuturo ni Melody sa akin sa oras na nasa sitwasyon na talaga ako. “I hope you really understand the lesson I’ve been teaching to you, Julie.” Itinabi niya na ‘yong mga gamit sa table. And as she finished removing those stuffs, naupo siyang muli sa upuan kung saan niya ako kaharap. “Sobrang importante na maging pamilyar ka sa mga itinuturo ko sa iyo. ‘Wag mo sanang isipin na minamaliit ka namin dahil kailangan ko pa talagang ituro sa iyo kung paano ang tamang pag-upo sa dining table and whatsoever. Maybe you were born to a family na hindi pamilyar sa nakakasanayan ng mga mayayaman… and it’s a fact, actually. Iba ‘yong way of living n’yo sa amin… and now that you’re here… you’re about to engage yourself to something that you’re not familiar with… and this is the essence why I’m here.” Nakakainsulto man ang sinabi niya, but I manage to just smile the pain. “Tama ka naman. Ibang-iba naman talaga ang way of living n’yong mayayaman kaysa sa amin na isang kahig, isang tuka. Malamang. Hindi naman kami p’wedeng maglustay ng pera sa mall at bumili ng mga bagay roon na hindi naman kinakailangan sa araw-araw, dahil una sa lahat… kaming mga mahihirap, limited lang ang pera na p’wede namang gastusin. Kayo, unlimited, e. And vice versa. Kayong mga mayayaman, e tiyak hindi mapapakain sa mga lugawan o karinderya, ‘di ba?” I laughed my ass out. “Malaki ‘yong difference ng status ko sa inyo. Kaya nga nakakapangsisi na sana nagdalawang-isip o tatlo muna ako bago ako pumayag sa kasunduan namin ng Felix na ‘yon, e. Sana pala ibinigay ko na lang itong opportunity na naibigay sa akin sa taong kayang makapag-adjust at makasabay sa galawan n’yong mayayaman. Kasi ako… nararamdaman kong imbes na makatulong pa ako kay Felix, baka maging problema niya pa ako.” Sad to say… ‘yon ang nararamdaman ko. Na magiging pabigat lang ako sa buhay ni Felix imbes na makatulong sa problema niya sa buhay. Dahil nga hindi ako sanay sa bagong mundo… sa bagong paligid na ginagalawan ko, hindi malabong p’wede akong pumalpak sa anumang gagawin ko. Kasi bago sa akin ang lahat. Normal lang na sa una ay mangangapa pa ako bago ako tuluyang masanay sa gan’tong setup. Pero ang tanong… gaano kaya katagal bago ako makaalis sa pangangapa stage? As much as I want to offer help to Felix, na ang kapalit naman ay pera… kaso ang hirap gumalaw sa sapatos ko ngayon. “Don’t ever think that way!” tumatawang sambit ni Melody. Lumipat siya ng upuan para makatabi ako. “Until the result comes, you will find how huge your worth is. Magiging malaki ang role mo sa planong ito, Julie. At ‘yong mga ginagawa namin sa iyo, it’s for the good way. Ayaw naming mabuking ang isa sa inyo dahil damay na rin ang isa. And this is called being cautious.” Hinila niya na ako patayo sa upuan ko. And then niyakag hanggang doon sa second floor ng bahay niya at mayroon kaming maliit na room na pinasukan—seemed to be her dressing room. Woah. She has her own dressing room! “And my last task for today is to transform you into a beautiful woman.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD