Sana ay nagbibiro lang siya ngunit bigo akong mapatunayan 'yon. Akala ko talaga ay trip niya lang na sabihin 'yon… pero talagang pinwersa ako ni Felix na makipagpalitan sa akin ng pwesto. Pinilit niya akong lumipat doon sa driver's seat, at siya naman ang pumalit sa akin sa passenger's seat.
"Gusto mo ba talagang makasigurado na marunong akong magmaneho? Mukha ba akong hindi nagsasabi ng totoo na marunong nga ako?" irita kong tanong nang hindi ko pa rin ini-i-start ang engine ng kotse. "Isagad ko kaya speed nito para alam mo ring dati akong car racer?"
"I'm not joking around. Stop teasing, will you?" Hindi man lang mabahiran ng kahit kaunting kurba ng ngiti ang labi ni Felix. Gano'n siya ka-seryoso. "Hindi ko ginagawa ito dahil hindi ako naniniwala sa iyo. Nandoon na tayo sa point mo na marunong ka ngang magmaneho ng sasakyan. Ang isang bagay na gusto kong siguraduhin ay kung kaya mong i-control ang sarili mong magmaneho in moderate way."
Mababaliw ako ng lalaking ito, sa totoo lang. Gaano kaya kabagal sa kanya ang tinutukoy niyang 'moderate' daw?
"Gaano kabagal ba 'yon?"
"That's why I'm waiting for you to drive the car. Para mahusgahan ko na ang way of driving mo. Bakit hindi mo pa kasi simulan?"
Inirapan ko na lang siya dala ng sobrang inis ko sa kanya. Trabaho ito kaya wala akong bagay na hindi pwedeng gawin alinsunod sa sinasabi niyang dapat kong gawin. Trabaho 'to. May bayad. May pakinabang ako rito kaya hindi dapat ako magreklamo---nakakatakot masisante kahit na duda ako nang slayt sa trabahong ito… pero ang mahalaga naman ay mataas at hondi ako lugi sa sahod.
Tulad nga ng gustong mangyari ng maarteng Felix na 'to, I started the engine. Nang ma-start ko na ay sinimulan ko nang apakan ang makina nito upang umandar na---and hindi naman sa sinasadya ko talagang tulinan ang pagpapaandar ko rito; pero parang gano'n na nga. Gusto ko lang kasing patunayan sa kanya na marunong nga ako. Bakit ba?
"Mukha bang moderate ang tawag sa ginagawa mong 'yan?"
"Bakit kasi hindi mo sabihin sa akin kung anong moderate ba ang sinasabi mo?"
"Slow down."
"The moderate speed of driving a car is at 55-65 mph." Nang marinig ang sinabi niya, edi binagalan ko na muna nang bahagya ang pagmamaneho.
Naka-full speed kasi ako kanina kaya ang OA ng naging reaction nitong si Felix. Alinsunod sa bilin niya, itinapat ko sa 55-65 mph lang ang speed ng driving ko. Alam ko naman kasi talaga ang sinasabi niyang moderate driving daw na gusto niya… pero ang dahilan ko kung bakit ko isinagad 'yon to full speed ay para lang asarin siya… and at the same time, upang maipagmalaki ko naman sa hambog na lalaking ito na marunong talaga akong mag-drive.
Kung makatingin naman kasi siya sa akin noong sabihin kong marunong akong mag-drive, e ang laki ng pagdududa niya sa akin. Para namang isa akong certified na sinungaling kanina sa mga mata niya… na kung magduda siya sa akin ay para akong tipo ng babae na hindi niya dapat paniwalaan.
"Okay na. Kumalma ka na. Pwede mo nang ipanatag ang loob mo dahil kaya ko namang ipag-drive ang lola mo nang ligtas at hindi siya mapapahamak." Nilingon ko siya at kinindatan. "Nagbibiro lang naman ako kanina. Ikaw naman… hindi ka na madala sa biro."
"Enough with your jokes and teasing, Julie. Seryosong bagay ang pinag-uusapan natin dito kaya hindi mo dapat ito idaan na lang palagi sa biro." Halata ngang seryoso siya pati ang bagay na pinag-uusapan namin, kasi ang mukha niya… mukhang hindi tatablan ito ng kahit anong corny na jokes. "At para din naman sa iyo ang ginagawa ko, Julie. Hindi mo ma-i-impress ang lola ko kung hindi ka marunong mag-drive nang maayos. That's why we're doing this."
"Ever since… She always criticizes those women I've been having a relationship with if they're good at their driving activity. Nakukuha agad ang loob ni Lola ng mga babaeng kaya siyang ipagmaneho nang maayos at ayos sa gusto niyang bilis ng pagtakbo. Because my granny believes that… a woman who knows how to drive wisely, cautious and on guard… she believes na sila rin 'yong mga taong kayang dalhin nang maayos ang relasyon na hahawakan nila in the future."
Napuno ng question marks ang tuktok ko sa sinabi niya. Hindi ko makuha 'yong point. Ewan ko ba kung sadyang slow lang ako o talagang walang connect 'yong sinabi niya. I can't connect the dots!
"Explain further, please. Hindi ko gets," ang pakiusap ko habang patuloy pa rin sa pagmamaneho. Ewan ko nga kung saan ko dadalhin ang sasakyang 'to, e wala naman siyang itinuturo sa aking direksyon o lugar man lang. "Saan pala tayo pupunta nito?"
"Follow everything that Ways would tell you," aniya at pinindot 'yong electronic gadget na magdidikta sa driver---sa akin---kung saan ako liliko, kung kakanan ba o kakaliwa.
"However…" pagpapatuloy niya sa pagsasalita. "Kung hindi mo pa rin maintindihan 'yong logic ng sinasabi ko, simple lang naman ang gusto nitong sabihin."
"Sa pagmamaneho, 'pag alam mo ang limitasyon mo at kung alam mo kung kailan mo lang babagalan at kailan mo bibilisan ang pagtakbo, malalayo ka sa peligro. Ang taong maingat sa pagmamaneho… hindi prone sa kahit anong aksidente. Gano'n din sa pag-ha-handle ng isang relasyon, Julie. Kung alam mo kung kailan ka dapat magalit, kung alam mo ang proper na pag-control sa feelings mo, in a way that you're handling your emotions properly… that you're not concluding such things too early, for example… then you'll going to have a healthy relationship with your partner."
Oh… sabagay. Bakit nga ba hindi ko agad na-gets 'yon, e kung tutuusin ay madali lang naman pala talagang intindihin. Masyado sigurong naging busy ang sarili ko sa pagmamaneho nang gan'to kabagal, which is hindi talaga ako sanay, kaya biglang parang bumagal ang pag-function ng utak ko.
"Iba rin mag-isip 'yang lola mo, ha? Nakakabilib." Hindi ko maitago ang pagka-amaze ko sa narinig, although hindi naman nakikita ni Felix nang buo ang mukha ko dahil sa daan ako nakatingin. "Never kong maiisip na i-connect ang isang relasyon ng tao sa pagmamaneho. I never imagined that there would be a connection between those things, actually."
"But your grandmother… She does that perfectly." Nakangiti lang ako the whole time I'm speaking my line.
"And with that… we're down to our next lesson."
Saktong pinahihinto na ako ng Ways kung kaya't nang may makita akong lugar kung saan pwede ako roon mag-park, doon ko ipinarada ang kotse, in a way na hindi ito makakasagabal sa daan at sa mga sasakyan na nagdadaan dito.
"So… anong next lesson?" I seemed to be interested… but the truth is… I am really not.
Gusto ko na lang talagang maging hilaw na papaya. Pwede na ba akong umuwi na lang at magkaroon ng pera kahit na wala naman akong ginagawa? Pwede ba 'yon?
"To dress appropriately… and act like a classy and elegant young lady."