Chapter 4

2273 Words
“Kung mayroong hindi malinaw sa mga terms and conditions sa kontrata, o mayroon kang gustong kwestyunin, you know I’m open for inquiry,” saad niya nang maiabot na niya sa akin ‘yong papel na pirma ko na lang ang hinihintay. Masinsinan ko namang binasa ang three pages na kontrata. Okay naman ako sa mga kondisyon na nakasulat… maliban nga lang sa isa. “Kailangan talaga nating magpakasal sa simbahan? Sa totoong pari?” “Yes.” “Akala ko ba nagpapanggap lang ako bilang asawa mo? Kasama pa ba sa pagpapanggap ‘yong eksenang… kailangan nating maikasal talaga sa simbahan? May movie ba tayong ginagawa kaya kailangan ay maging makatotohanan ito?” nagugulumihanan kong tanong. Yari ako kina Papa nito, tiyak na masesermunan ako ng mga ‘yon sakaling malaman nila na may pakakasalan na pala akong lalaki nang wala man lang silang kaalam-alam na may lalaking nagkamali ekang pumatol sa akin. Ang alam kasi ng mga ‘yon, e trabaho at responsibilidad ko sa pamilya ang lagi kong inuuna. I didn’t even introduce a guy to them before. Wala pa naman kasi ako planong mag-nobyo o kahit ang magpakasal… and this will happen? “Gusto ng lola ko na masaksihan niyang ikasal ako sa simbahan,” pag-amin niya sa akin. Mas lalong namilog ang mga mata ko, na siguro ay napansin siya, so he talked further. “Yeah, I have my granny alive… and she’s living with me under one roof. Pasensya na kung hindi ko agad nasabi na magiging gan’to kakumplikado para sa iyo ang hinihingi kong pabor. That’s why the contract will soon expire after six months… and after that, we’re done.” “Hindi… ang hindi ko kasi maintindihan ay bakit bigla namang sumali sa picture ang lola mo. Anong role niya?” Gusto ko na lang talagang matawa sa sarili ko dahil talagang ginawa ko nang movie ang reality. “She wants to see us married in the church… and she was expecting that I’ll be having a daughter or a son two months after the wedding.” Imbes na mabawasan ang mga question marks sa tuktok ko, mas lalo itong nadagdagan dahil sa narinig ko sa lalaking ito—na ano nga ulit ang pangalan niya? “To make this short, nasa kamay ng lola ko ang desisyon kung ibibigay niya sa akin ang pamana sa akin ng nanay ko. She’ll be the spectator of my life… that’s why I really need someone who’s good at pretending. Si Lola kasi… mahusay siyang kumilatis ng taong nagpapanggap lang at ng taong totoo ang ipinapakita.” Oh… to the… M… to the G. Detective ba ‘yong lola niya dati para maging mahusay itong kumilatis ng tao? O baka naman dating gwardya sa mga shopping mall, o kaya pulis, tanod sa barangay o kapitana? Nakakatakot naman palang magsinungaling kung ang lola ng lalaking ito, e magaling kumilatis ng tao. Baka naman… hindi pa man ako nakaka-isang linggo sa mansyon nila, e mabuking na agad kami? Siguradong sa presinto ang bagsak ko nito. “You’re scared?” “Hindi, ah!” Tumikhim ako nang bahagya. Parang may laway kasi na bumara sa lalamunan ko nang mag-react ako na hindi naman talaga ako natatakot. “By the way, ano ulit pangalan mo? Nakalimutan ko.” “Felix,” maikli niyang tugon. “But from now on, you have to call me ‘love’.” “Ay, ‘wag ‘yon! Malas ang endearment na ‘yan. Proven and tested na dati ng friend kong ‘yan din ang endearment nila ng ex niya. Nakakasira ‘yan ng relasyon, Felix. Hindi kayo paaabutin n’yan ng monthsary.” “Doesn’t matter.” Pagbalik niya galing kusina ay naglapag siya ng dalawang rootbeer sa glass table. “Basta ang mahalaga ngayon ay malinaw na sa iyo ang kailangan mong gawin. Hangga’t kaya mong magtago, ‘wag kang papahuli. Anim na buwan lang naman ang itatagal nito… at pagkatapos no’n ay p’wede na tayong mag-file ng divorce.” “Naiintindihan ko naman, kaso…” Tumungga muna ako ng kaunti sa rootbeer, at kalaunan ay pinagsisihan ko rin na ininom ko ‘yon. Hindi maganda ang lasa. “Kailangan pa bang invited ang pamilya ko sa gaganapin na kasal? Ang alam kasi nila, e wala naman akong nobyo. Siguradong magugulat ang mga ‘yon once na malaman nilang sa isang iglap, bigla na akong ikakasal.” “Oh… I forgot to tell you,” aniya at sandaling ibinaba muna ang hawak niyang canned beer. “You’re not going to work with me part-time. Wala kang uwian sa bahay n’yo simula ngayong araw.” “W-What?” Nagmamadali kong kinuha ‘yong kontrata para isampal sa pagmumukha ng Felix na ito. “Walang nakalagay rito na wala akong uwian-” “Page 3, last paragraph.” Hindi man sigurado ay binuklat ko ang huling pahina at binasa ‘yong nakasulat sa last paragraph doon: “Your job is full time. No returning to home unless the contract expires. Until it doesn’t, you shall stay in the workplace.” Hindi ko na binasa pa ‘yong kasunod, dahil mabilis ko ring nilingon si Felix para kwestyunin siya tungkol doon. “Hindi ko pipirmahan ito dahil may gan’to palang kondisyon. Mayroon pa akong ibang trabaho bukod rito. Kaya nga tinanggap ko ito bilang part-time job lang, e. Online writer ako, Felix. P.A. din ako ng isang artista. At paano ako masusustentuhan ang pamilya ko kung hindi ako uuwi nang anim na buwan? Sige nga!” “P’wede ko namang ipadala ang pera sa pamilya mo, Julie. Maraming paraan para makapagpadala ka sa kanila buwan-buwan. At kung hindi mo rin natatandaan, malaki ang kikitain mo sa akin—triple sa mga sinasahod mo sa mga trabahong mayroon ka. You don’t need those jobs anymore.” “Isipin mo rin na pumayag ka sa contract marriage natin, ‘wag kang mag-expect na part-time job lang ito-” “Iyon ang sabi n’yo.” “Kung talagang nag-iisip ka nang maayos, maiisip mong hindi p’wedeng gawing part-time job ang pinasok mo.” Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon. Siguro nga ay kinulang ako sa critical thinking para mawaglit sa isip ko na kung ang pag-aartista nga, may mga kabataan na itinitigil muna ang pag-aaral para mag-focus sa career nila—kasi syempre ang hirap nga naman pagsabayin na nag-aaral ka and at the same time ay nasa taping ka rin para mag-shooting. Walang kaibahan sa gagawin ko… na hindi ako aarte sa pelikula kung hindi sa totoong buhay na. “At ang alam ng pamilya mo ay nasa abroad ka. Ginawan ko na lang ng paraan para hindi ka nila hanapin sakaling mapansin na nilang higit sa isang araw ka nang hindi umuuwi sa bahay n’yo.” “Bakit mo sinabing nag-abroad ako-” “I told them that was urgent. You’ve got an invitation to be a trainee in an entertainment agency in the United States.” Unti-unti na talaga niya akong napapabilib kasi mukhang expertise niya ang pagsisinungaling. “If there’s any problem you can think of that would potentially stop you from signing the contract, let me know. Ako ang sasagot sa mga tanong na ‘yan, maging ano pa man ‘yan.” Umakyat na muna siya sa paikot ngunit malawak na hagdanan dito sa malaking mansyon. Iniwan niya ako sa maluwag na living room kung saan ang kaharap ko na lamang ngayon ay ang naka-display ng flat screen TV, na mukhang hindi pa yata ito nabibinyagan na panuoran. But at the same time… muli kong pinulot ang kontrata na nahulog sa carpet. Against ako sa mga pinaggagagawa ng lalaking ‘yon at dama ko rin na magiging mahirap ang trabaho ko. Kailangan kong pag-isipan nang maigi kung pipirmahan ko ba ang kontratang ito o hindi. Because once I signed this, wala na itong atrasan. — I finished signing the papers. Naisip ko na nandito na rin lang ako, kaysa umalis at sayangin ang opportunity na kumita ng pera, e maiging patusin ko na lang kahit hindi sigurado at ma-peligro. Pasaasaan pa’t matatapos din naman kaagad ang anim na buwan; makakalayo na ako mula sa kontratang naglubid sa akin at kay Felix, at babalik na rin naman sa normal ang buhay. ‘Anim na buwan na pagtitiis lang, Julie.’ “Bukas ang dating ni Lola mula sa US. Ang naikwento ko kasi sa kanya ay dito ka na sa mansyon nakatira, and we are at middle of planning to our wedding—which will be happen two weeks from now,” ang bungad sa akin ni Felix nang maibigay ko na sa kanya ‘yong kontratang napirmahan ko na. “We still have time for the preparation. Kaya gumayak ka na at maghanda.” “Magsusukat na agad ako ng gown?” “Your actions should be trained.” Agad akong napatalikod kay Felix nang wala man lang siyang paalam na sa mismong harap ko pa siya magtatanggal ng suot niyang polo para palitan ang suot niya ng tshirt. “Kagaya n’yan.” “H-Huh-” “Kung aarte ka nang ganyan sa harap ng lola ko, madaling magsususpetsya ‘yon na nagpapanggap lang tayong dalawa. Isipin mo, kung ang dalawang tao ay matagal nang magkasama sa isang relasyon, hindi na nakakailang sa babae kung maghubad basta-basta ‘yong lalaki sa harap niya para magpalit ng damit, and vice versa.” E… ano namang malay ko sa sinasabi niya? Hindi pa naman ako nakikipagrelasyon kaya paano ako magiging maalam tungkol doon, ‘di ba? Sana all kasi nakaranasan na magkajowa. “Alam kong hindi ka sanay… pero ‘yon ang purpose ng pagpapanggap mo. We should act like a real couple. We should show her that you’re my longtime girlfriend.” “Do you think that’s possible? E, ‘di ba kamakailan lang ang alam ng pamilya mo, e ‘yong Bianca kamo ang jowa mo? Baka magtaka sila na biglang ako ang ipakilala mo sa kanila at ikwento mo pang matagal na tayong magjowa.” “Four months is considered to be a long term relationship with our family. Any other questions?” WTF? Hangad kong sana ay nagbibiro lang si Felix, pero… bakit hindi niya binawi? Kung nagbibiro man siya, dapat tatawa siya or magsasabi man lang na ‘joke lang’! Pero wala akong narinig. Basta ba ay tinalikuran niya na ako agad, at ako naman itong parang buntot ng aso na nakasunod lang kung saan siya tutungo. Four months is a long time for them. OMG! Mahihiya ‘yong mga magjojowa d’yan na ‘yong one-year relationship nilang natapos, maikli pa raw ‘yon para sa kanila… pero para sa pamilya nina Felix, ‘yong apat na buwan na relasyon ay sapat na ‘yong haba sa kanila. Ang… weird naman? O baka hindi lang talaga ako sanay. “Mamaya siguro darating ‘yong mga ipinabili kong damit sa designer ko; si Mary Ann. Ang mga damit na ‘yon ang gusto kong suotin mo; pambahay, panglakad, or even sa mga parties at sa pagyaya sa iyo ni Lola na samahan siya sa daily checkup niya sa clinic.” “Bakit… bakit ko siya kailangan pang samahan doon?” “She loves to be accompanied by her family members. Baka hindi ako makasama sa kanya dahil busy ako sa trabaho. Bilang ikaw naman palagi ang maiiwan dito sa mansyon, potentially ikaw ang kukulitin niya.” He gave me his reassuring smile as I start to doubt myself na baka hindi ko kayang makasundo ang isang matanda. “Mabait ang lola ko, Julie. Wala kang bagay na kailangang ikatakot sa kanya-” “Ang mabuking na umaarte lang akong magiging asawa mo ako,” ang sabi ko. “Minsan pa naman… ‘pag napapasarap ang pakikipagdaldalan sa akin ng isang tao, nadudulas ako sa mga sinasabi ko. May mga sikreto akong naikukwento… at nakakatakot na baka ‘yon ang maging strat ng lola mo para mahuli tayo sa akto.” “Madali lang ang remedyo riyan.” Nang maisara na niya ang pinto ng kotse, nakita ko mula sa window na patakbo siyang umikot patungong driver’s seat at tiyaka sumakay na. “Tatandaan mo lang palagi ang nasa huling bahagi ng kontrata natin…” Nilingon ko siya nang may nagtatakang mga tanong na umiikot sa isip ko, habang siya ay nakangiti lang na nagmamaneho patungo sa hindi ko alam kung saan. “Kapag nagkabukingan na… wala tayong choice kung hindi ang totohanin ang lahat.” Naningkit ang mga mata ko habang iniisip kung mayroon ba akong nabasa na gano’n sa kontrata… pero wala naman akong maalala. Bumabangka lang ata ang lalaking ito para takutin ako na lagyan ko ng tatlong preno ang bibig ko para hindi na ako madulas, e. “At ang unang lesson na kailangan mong matutunan ngayong araw…” Naramdaman ko ang pagbagal ng kotse. Itinabi na pala ni Felix sa kalsada ito nang makarating na kami sa highway, and then bumaba siya. Lumipat siya roon sa pinto ng passenger’s seat at binuksan niya ‘yon. “Ay ang matuto kang magmaneho ng sasakyan.” “Excuse me? P.A. ako ng isang artista. I was trained to drive him home and-” “Matanda ang ipagmamaneho mo, hindi artistang bata.” Natawa ako. “So, ang gusto mo bang mangyari ay ipagmaneho ko ang lola mo na kasingbagal ng pagmamaneho ng sasakyan habang inihahatid sa sementeryo ang isang kabaong? Gano’n ba dapat kabagal?” “Oo…” Nanatiling seryoso ang mukha niya. Akala ko kasi ay tatawanan niya ako kasi… actually, nagbibiro lang naman ako. “Gano’n kabagal.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD