Kagaya ng kanina naming napagplanuhan ni Kim, para makapasok sa loob ay sumakay ako sa likod ng truck na nakahinto sa malaking gate. May mga malalaking kahon ang laman nito na hindi ko naman nagawang buksan dahil delikado na—baka malaman pa ng mga ‘yon na may nakapuslit sa truck nila ‘pag nalaman na pinakialam ko ang laman ng kahon. Siguro naman, e pagkapasok ko sa loob ay malalaman ko rin naman kaagad kung anong laman ng mga ‘yon. Ang mahalaga lang sa akin sa ngayon ay safe ako na makapasok doon at may mapala sana ako sa gagawin kong ito. Because I risk my life to enter this factory regardless of the fact na hindi rin sigurado kung makakalabas pa ba ako sa lugar na ‘to nang buhay. Naramdaman kong gumalaw na ang kaninang naka-estatwang truck. Mukhang papasok na kami sa loob kung kaya’t

