“Just relax, okay. Relax. Kumalma ka muna riyan. Huminto ka muna, magpahinga at huminga nang malalim bago ka ulit kumilos. Do you understand?” “Gusto mong mas lalo pa akong tumagal dito, Ken?” Nagsalubong ang kilay ko at naningkit ang mga matang napatingin ako sa hawak kong walkie-talkie, as if nakikita ko sa bagay na ‘yon si Ken. “Do you really want me to die here?” “You’re not gonna die-” “Ayoko rin namang mamatay, Ken!” gigil kong sambit. Kung p’wede lang talaga akong mag-ingay rito, I would really scream here as much as I can. “Kaya nga nagmamadali na akong makalabas sa lugar na ito. All I ask is for your help to get me out of here. And then what? You want me to stop suddenly and ask me to calm down? How do I fvcking calm down here?!” Hindi ko na nagugustuhan ang bawat silid na nad

