Nagkita kaming muli ni Calvin, pero sa hindi magandang sitwasyon this time. Sa nakatagong bodega na hindi naman ganoon kalayo sa apartment na tinutuluyan namin ay doon nakakulong si Cal. Nakagapos siya sa isang posteng bakal at mayroon ding tali ang kanyang bibig upang hindi siya makapag-ingay. Hindi ko siya magawang tingnan nang diretsyo sa mga mata. Pakiramdam ko kasi ay mabilis niya akong huhusgahan matapos niya akong makita na nakadikit na kay Felix, na minsang naging dahilan ng paglapit ko sa kanila noon. “Gusto mo ba siyang makausap?” tanong ni Felix sa aking tabi. “P’wede kong tanggalin ang panyo sa bibig niya if gusto mong makapag-usap kayo. Kaya lang ‘pag nag-ingay siya, hindi ako magdadalawang-isip na hampasin ng bakal ang katawan niya.” Sa kapalit na kondisyon para lang ma

