“Ginagawa nila sa akin ngayon ang ginawa nila noon sa tatay ko,” pahayag ni Felix habang tangan ang isang folder at mayroon siyang binabasa na kung ano roon. “Namatay sa bilangguan ang tatay ko. He has suffered severe health conditions inside the jail, and clearly he needs medical attention. Walang ginawa ang mga pulis. Kahit sana ipa-doktor ang tatay ko at i-hospital arrest na lang. Pero kahit ‘yon…” Isinara niya ang hawak na folder na kanina ay binabasa niya pa. Sa upuang nasa kanyang harap, naupo siya roon habang magkadaop ang dalawang palad at doon nakadantay ang kanyang baba. “Hindi nila pinagbigyan ang tatay ko. Ni hindi man lang sila naging concern na iligtas ang tatay ko. Hinayaan lang nila siyang mamatay sa kulungan. Pinanood. Kinaawaan.” Ang nakalatag na mga daliri, dahan-dah

