Nagkasundo kami ni Felix na ako na ang bahala na umasikaso sa paghahanap sa mga pulis na dating nag-imbestiga rin tungkol sa ilegal na ginagawa ng Yvez Factory. Maaari kasing anumang impormasyon na mayroon sila ay malaking tulong na ‘yon para naman makausad kami sa kaso at mapawalang-sala na rin si Felix sa krimen na ibinibintang sa kanya. “Bakit ba panay ang alis n’yo ni Felix? Hindi ba kayo comfortable na dito na lang kayo sa loob ng bahay mag-date or magharutan kaysa mag-abala pa kayong lumabas at doon pa kayo mag-date?” Ang kalalabas lang mula sa banyo na si Bianca ang sumalubong sa akin. “Baka kasi mainggit ka,” pambabara ko sa kanya. “Excuse me… pero past ko na si Felix. Wala na akong feelings for him-” “Talaga ba?” Tumigil ako sandali sa paghahanda ng baunan para naman mayroo

