Hindi na ako natuloy sa balak kong puntahan dahil na rin sa biglang pag-eksena ni Ken noong oras din na sana ay paalis na ako at natakasan ko na lahat ng mga bantay sa mansyon. Dahil sa mahusay niyang pag-persuade sa akin na ‘wag na lang tumuloy, instead I should focus to my wedding tomorrow… edi napabalik na lang din ako sa loob ng mansyon. According to him, hindi naman daw ako kailangan doon. Nakatao ‘yong dalawang lalaki sa team, si Bernard at Austin para manmanan ang kilos ng kriminal. At dahil gusto ko ring makasigurado na si Sam nga ang gumagawa ng gano’ng klase ng bagay, nag-request ako kay Ken na sabihan ‘yong dalawa na kuhanan din ng video or pictures ‘yong kriminal… just to make sure it was really Sam. ‘Yon naman kasi ang pakay ko kaya gusto kong bumalik doon. Pero ngayong ma

