Kung ang pamamaril kay Felix ang ‘pasabog’ na napakinggan ko sa pinag-uusapan ng dalawang katulong kagabi, sino naman kaya ang may pakana nito? What’s the motive of shooting him? Sa simbahan pa talaga? Sa mismong araw pa ng kasal naming dalawa? “Pansamantala lang naman ang hinihingi namin sa inyo, Lola Tasha. Kahit isa o dalawang araw lang na mananatili sa bahay namin si Ke. Gusto lang naman namin makasigurado na magiging ligtas ang anak namin.” Hindi pa rin tumitigil si Mama na pakiusapan na hindi muna ako sa bahay nina Felix tutuloy ngayong araw. Magkatulong pa nga sila ni Papa sa pangungumbinsi sa matanda, pero batid kong nahihirapan na rin talaga sina Mama at Papa na kumbinsihin ito. Talagang matigas ang puso niya at ayaw akong hayaan na sa bahay muna namin ako tumuloy para na rin sa

