Tulala pa rin ako hanggang sa matapos na akong maligo. Nakailang kuskos na rin ako sa bibig ko ng toothbrush at ng tissue para naman wala na sa labi ko ‘yong pakiramdam na dumikit ‘yong labi ni Felix sa akin. Nagmumog pa nga ako ng mouthwash at kung ano-ano pang kaartehan para naman mawala na ‘yong bacteria na ibinigay niya sa akin… pero parang ginawa ko na yata ang lahat, hindi pa rin ‘yon effective. “Nakakainis!” Habang kaharap ang sarili ko sa salamin, marahas kong kinuskos ang bibig ko sa hawak kong tuwalya. “Bakit naman kasi hindi ka umiwas?! Ginusto mo rin kasi—malandi!” Tila ba ay malapit na akong takasan ng katinuan sa ginagawa kong pagkausap sa sarili ko sa salamin. Gan’to lang kasi talaga ako ‘pag naiinis, nandidiri at masama rin ang loob… gusto kong magwala at ibalibag lahat

