“Katulad ng ibang mga kasamahan ko, naipit lang din ako ng sitwasyon. Kinailangan ko kasi ng malaking halaga ng pera para sa pagpapagawa ng bahay.” Hindi mapakali ang mga kamay niyang nagpapahid ng pawis sa kanyang noo. “Hindi ba’t kapatid mo si Myra?” “Siya ang dahilan kung bakit kinailangan ko ng pera. Gusto ko kasing sa simbahan kami ikasal. Payag naman ako na maikasal sa kanya at panagutan ‘yong anak namin. At ‘yong perang kailangan ko sa pagpapagawa ng bahay, dream house namin ‘yon. Kasi after the wedding, mayroon na kaming bubong na lilipatan at doon kami bubuo ng pamilya.” Baliktad sa inaakala kong pagkatao ng lalaki na ito ang tunay na siya. Akala ko kasi ay basagulero siya, walang pangarap sa buhay, hindi siya ang tamang lalaki para sa kapatid ko… at higit sa lahat, magiging sa

