Chapter 1

2665 Words
Chapter 1 Spilling the Truth was Hard “No, no… not so fast buddy.” Sabi ko at humakbang nang malalaki para maabutan ko si Mikel bago pa siya makagapang papasok sa banyo. He’s already eight months-old at lalo siyang lumikot. Kung saan-saan siya gumagapang. I held him by the waist and lifted him up. I placed him on the floor making him face to the other direction. Pero dahil matigas ang ulo ng anak ko ay muli siyang umikot sa direksyon kung saan ang pintuan ng banyo. Napabuntong hininga na lamang ako bago siya umiling kinarga at isinarado ang pintuan sa banyo. He started babbling words that aren’t even words. “No… You can’t go there. You might slip,” sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. He started squealing while looking at the closed door of the bathroom. “Kapag one year old ka na I’ll let you go there and we’ll take a bath together.” I promised before showering him with kisses. He just giggled and started touching my face. His tiny right hand touched my mouth so I caught it between my pressed lips, faking chewing it. Mas lalo lamang lumakas ang tawa niya. “Ang saya naman ng dalawang mag-ina na ito,” awtomatiko akong napatingin sa direksyon ni Zariel. Kasalukuyan siyang naglalakad palapit sa amin habang nakangiti. “Hello, baby Mikel… Come to Zariel.” Aniya nang makalapit siya sa amin. She stretched her arms towards Mikel. Ayaw sumama ni Mikel kaya kaagad siyang yumakap sa batok ko at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Natawa kami pareho ni Zariel sa reaksyon niya. “Why do babies hate me?” Zariel groaned while laughing. “Because they know that you’ll hate them too once they turn into 5 to 7 years-old!” I teased her. She playfully rolled her eyes not able to defend herself. Totoo naman kasi. Gusto niya lamang ang mga bata kapag maliit pa lamang sila. “Well, that’s true but baby Mikel’s an exception… And maybe Nice-Nice too. I can’t wait to meet that girl.” “True… I know my Mikel can’t wait to play with his cousin too. Right, honey?” Sabi ko at nagbaba nang tingin kay Mikel. I slightly lifted my shoulder where he is resting his head on. Mas lalo lang siyang sumiksik sa balikat ko at mas lalo lang humigpit ang yakap niya sa batok ko. He even made a long yawn. Nalusaw ang puso ko doon. My son is just so cute when he’s yawning. “Inaantok na yata. Ang likot-likot kasi… kung saan-saan gumagapang.” Natawa bigla si Zariel. “Pasalamat ka nga at sahig lang ang ginagapangan ni Mikel ngayon… kapag lumaki ‘yan iba na gagapangin niya.” Zariel grinned. My eyes widened and my jaw dropped at what Zariel said. “Hoy Zariel bata pa ‘to!” Sita ko sa kanya. Mas lalong lumawak ang ngisi niya. “Kaya nga… diba sinabi ko kapag lumaki na siya?” “Shut up, Zariel! Tuturuan kong maging gentleman ang anak ko. He’ll be like… like Phil!” Ngumuso siya at tiningnan ako nang nakakaloko. “Seriously, Trix? You’re gonna teach your son on how to be a p***y?” My eyes widened at her. “Phil is not like that and would you please stop saying stuff like that in front of my son!” sita ko sa kanya. Hindi na nga madalas na inaasar na ‘p***y’ ngayon si Phil hindi katulad noong mga senior high pa lamang sila at grade six naman kami. It all started when there was this girl named Calline Alfieri who wrote “f**k me or love me, King Philip” on a mirror in a boy’s comfort room using a maroon lipstick. Phil did nothing about that. He hated the girl in every bits of him. Doon nagsimula iyong pag-aasar nila Kiel at Colton sa kanya na ‘p***y’ daw siya because clearly most of the guys in our university back then would kill just to date a Callixta Zeline Alfieri. She just grinned and held Mikel’s tiny left hand and kissed it. “It’s not like he understands…” she chuckled. “p***y, p***y, pussy.”  She chanted while playing with Mikel’s hand. Lalo akong na-alarma nang tumawa ang anak ko. He even starts cooing something. “Azariela!” saway ko. “Okay, okay. I’ll stop but could you please buy us some frappe and a blueberry cheesecake? I’m hungry and lazy.” Pakiusap niya. Punong-puno ng pagdududa ko siyang tiningnan. Humalakhak naman siya sabay iling. “Come on, Trix. You can trust Mikel with me.” “Siguraduhin mo, Zariel. I’m going to trust you even if I don’t want to because I want some frappe and blueberry cheesecake too.”  She just chuckled and rolled her eyes at me. Hinarap ko ang anak kong mukhang inaantok nanaman. “I’ll leave you with tita Zariel for a while okay? Be a good boy.” Bilin ko sa kanya sabay tadtad ng halik sa pisngi niya. He just yawned and cooed something. Ibinigay ko na siya kay Zariel at this time ay hindi na siya pumalag dahil mukhang inaantok na talaga siya. “You know what to do with him, Zariel… Magbibihis muna ako.” Bilin ko sa kanya. Tumango naman siya habang hinaplos-haplos ang likod ni Mikel para tuluyan na itong antukin. Pagpasok ko sa kwarto ay kaagad kong binuksan ang aking closet. Isa-isa kong hinawi ang mga damit na naka-hang doon. Natigilan ako sa paghawi nang mapatapat ako doon sa denim jacket na gustong-gusto ni Yael sa tuwing isinusuot ko. I miss him so bad at hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita sa kanya. Tinext ko si Colton kanina para kamustahin ang paghahanap pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na reply. Nang lumabas ako ng kwarto ay nadatnan ko si Zariel na nakaupo sa mahabang sofa habang ang natutulog ko namang anak ay nakahiga doon at may mga unan na naka paligid sa kanya para hindi siya mahulog. Zariel gasped when she saw me. “Now Beatrix Hayle Ponce de Leon is back.” Aniya habang pinapasadahan ako ng tingin. I smiled awkwardly. Sinisita kasi ako ni Zariel palagi na napapabayaan ko na daw ang sarili ko which is quite true dahil kahit ano sinusuot ko na lang nitong mga nakaraang buwan. “Pang-itaas ko lang ang pinalitan ko, Zariel.” Iling-iling kong sabi.  I was just wearing a black spaghetti strap top plus the denim jacket and my black leggings, hindi ko na iyon pinalitan tutal ay diyan lang naman ako sa may strabucks bibili. “At least it looks more like Beatrix.” Kibit balikat niyang sabi. Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya at nagpaalam na ako para makauwi na ako kaagad. I miss my son already, kahit yata malayo sa kanya ng isang oras lang ay mababaliw ako. Sampung minuto lang siguro ay natanaw ko na ang starbucks. Habang naglalakad ako ay biglang tumunog ang aking phone ko na nasa kamay ko kaya chineck ko ito kaagad. Akala ko galing kay Colton o Zariel iyong message pero galing kay Kaye pala ito. Kaye: How’s baby Mikel? Nang nasa tapat na ako ng starbucks ay tumigil ako sa paglalakad para mag type ng reply sa kanya. Me: He’s growing up too fast. Ugh! I miss you! You and Matthias should visit us here! After hitting send ay nag-angat na ako ng tingin. Napabalikwas ako nang mahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na lalaking nakaupo sa loob ng starbucks. Bagamat nasa loob siya ay kita ko pa rin siya dahil sa glass wall. My world stopped, my heart pounded, and my mind went blank. Prente siyang nakaupo habang ang kanyang magkabilang siko ay nakapatong sa mesa na nasa harapan niya. Oh my God. Oh my God! Hindi ko na pinansin ang mga tanong na naglalaro sa utak ko at dali-dali akong pumasok sa loob at humakbang papunta sa kinauupuan niya. “Y-Yael…” It was almost a whisper. Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng boses para tawagin siya at hindi ko rin alam kung narinig ba niya ako na tinawag ko ang pangalan niya o baka naramdaman lang niya na may nakatayo sa harapan niya kaya bigla siyang natigilan sa pag s-scroll sa kanyang phone at nag-angat nang tingin sa akin. His eyes widened for  a split second pero kaagad din naman iyong bumalik sa normal. I couldn’t believe it. This feels surreal. Am I really standing in front of Yael Theodore Salcedo? He looked ten times better now. His hair and his face is still the same pero parang may kakaiba pa rin sa kanya. Nang titigan ko siya nang matagal ay saka ko lamang na realize na shaved pala ang kanyang kaliwang kilay. It reminds me of Charlie Puth somehow. I don’t know why he shaved his brow but it suits him. Nagmukha tuloy siyang gentleman na medyo may pagka bad boy. And oh my God… Did I mention that he’s on his pilot suit? My favorite view ever. I mean, wow. He’s really here. I finally found him, my missing piece. My heart was instantly filled with joy. Ang tagal ko siyang hinanap. I’ve been anticipating for his presence ever since. At ngayong maayos na ang lahat, I already gave birth to Mikel at hindi na maselan ang kondisyon ko ay pwede ko na sigurong sabihin sa kanya ang lahat. I was about to open my mouth to call his name once again and spill the truth afterwards when I heard someone called him. “Yael!” I didn’t even get the chance to look through my shoulder dahil kaagad nang nasa tabi ni Yael iyong babaeng tumawag sa kanya. At first my head was full of question marks but when the girl wrapped his arms around Yael’s shoulder and kissed him on the cheek it was all made clear to me. “Hey… what took you so long?” marahang sabi ni Yael sabay haplos sa mga braso niya na naka-paikot sa kanyang balikat. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at napaawang ang aking bibig habang nakatingin sa kanilang dalawa. “Sorry… Napasarap ang kwentuhan namin ni Maddison.” “It’s okay… So, what do you want to eat?” The girl has a middle length hair and she’s a morena. She looks dazzling in her maroon slip dress. She’s got that kissable lips and almond eyes. My self esteem suddenly went low. So low I could already see it on the ground. “Hmm… I’ve been craving for Chinese food since last week.” “Alright, Chinese food it is.” He smiled and grabbed her hand to place a gentle kiss there. Napakagat ako sa ibabang labi ko at hindi sinasadyang mapatikhim para alisin ang nakabara sa aking lalamunan. Sabay silang napatingin sa akin. “Oh my, where are my manners? May kasama ka pala, Yael…” sabi noong babae at nginitian ako ngunit hindi man lang umabot iyon sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung ngingitian ko ba siya pabalik o ano kaya hindi na lamang ako umimik. Yael cleared his throat while looking coldly at me… ngayon ko lamang napansin ang mga malalamig niyang titig na ipinupukol sa akin dahil masyado akong nalunod sa excitement ko kanina nang makita ko siya. “No, I’m not with her… we just… bumped into each other.” Aniya sabay dila sa kanyang pang-ibabang labi. Tumango-tango iyong babae. “I see… Hi! I’m Viennice Frontiero, Yael’s girlfriend. You can just call me ‘Vien’.” Napalunok ako nang maisampal sa akin ang katotohanan na ang babaeng ito ay siya na ngang girlfriend ni Yael. She even really emphasized the word ‘girlfriend’. Well, at least she had the audacity to introduce herself when Yael failed to do so, right? “H-Hi… I’m Beatrix Hayle Ponce de Leon. Beatrix na lang,” I forced myself to flash a smile. “I’m uhm… Yael’s old friend.” Words that tasted bitter on my tongue. Tangina! Tiningnan ko si Yael upang malaman kung ano ang reaksyon niya. Madilim lang ang kanyang mukha habang nakatingin sa may dibdib ko. Pasimple akong nagbaba nang tingin doon at napagtanto kong nakatingin pala siya sa kwintas na ibinigay niya sa akin noong araw na maghiwalay kami. I bit my lower lip at inayos ang aking denim jacket para takpan ang kwintas na ibinigay niya. Mas lalong umigting ang bagang niya sa aking ginawa bago siya nag-iwas ng tingin. Kumalas si Vien mula sa pagkakayakap niya sa balikat ni Yael at tumayo nang tuwid at inilahad ang kamay niya sa akin. I was hesitating at first pero tinanggap ko naman iyon. “So, uhm… you two l-live here?” hindi ko na napigilan ang sarili ko na tanungin si Vien. I was searching for Yael. Ang dami kong gustong itanong, ang dami kong gustong sabihin pero lahat nang iyon ay tila naharangan ng isang malaking bato dahil sa pagsulpot ni Vien. Umiling siya. “Nope… Nagbabakasyon lang kami to celebrate our anniversary. We’ll be staying here for two weeks.” “Anniversary?” iyon lang yata ang narinig ko sa sinabi niya. Wow, anniversary. Bakit kami ni Yael ay walang anniversary? “Yes, first anniversary. One year in a relationship,” she said as if I don’t know the meaning of anniversary. I bit the inside of my cheek while nodding at her. “Okay, I guess we have to go, Vien. I thought you’re hungry?” Putol ni Yael sa pag-uusap namin ng girlfriend niya. Girlfriend. I don’t honestly know on how to react on this. Wow. Bakit hindi man lang nagdahan-dahan ang b***h na tadhana? This was all too much to take. Yael stood up from where he was sitting. Napasinghap ako at napatingala dahil sa tangkad niya. His pilot suit hugged his body perfectly… he just looks so perfect it hurts. He looked actually better now. He looks happy with his new life and new girl. And as I can see from where he was standing, he’s wearing his pilot suit and that means he’s working again. I guess his wounds are healed… this girl—Vien managed to build him again. “Oh right, sorry…” She chuckled at Yael at muli niya akong binalingan ng tingin. “We have to go, Felice.” Paalam niya at nginitian ako na mukhang hilaw ulit. My jaw clenched. “Beatrix.” I corrected her. “Oh, sorry. Beatrix.” She apologized and she doesn’t even sound sorry, not at all. “Come on…” mahinang sabi ni Yael. Napatingin ako sa kanyang maskuladong braso na bumalot sa bewang ni Vien at iginiya na ito para maglakad. Hindi man lang ako tiningnan ni Yael. Ni hindi man lang siya nagpaalam na aalis na siya. Basta na lamang niya ako nilampasan na para bang isa akong walang kwentang bagay. Nang tuluyan na nila akong malampasan at mag-isa na lamang akong naiwan dito ay si Mikel kaagad ang naisip ko. Iniisip ko pa lang ang mga posibleng pwedeng mangyari ay parang mababaliw na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD